‘As long as greed is stronger than compassion, there will always be suffering.’ – Rusty Eric -Donovan’s POV- Nang masigurado na kumpleto at maayos na ang lahat ng gamit na kailangan ko ay kaagad akong nagtungo patungo sa parking lot. ‘I’m on my way.’ After I hit send I put my phone on the passenger’s seat and started the engine. Malayo-layo ang lugar na sinasabi niya kaya naman paniguradong aabutin ako ng ilang oras sa byahe. At dahil wala masyadong bumabyahe na tricycle ay naging mabilis ang byahe. Tanging musika lang din ang nagbibigay ingay sa loob ng sasakyan ko, ang boring naman kasi kung hindi ako magpapatugtog, baka makatulog pa ako habang nagmamaneho. Natigil sa pag-play ang sunod na kanta ng biglang may tumawag sa akin. Nang makita ang pamilyar na pangalan ay kaagad koi tong

