V1 - Chapter 30

2304 Words
‘The world is full of obvious things which nobody by any chance ever observes.’ – Arthur Conan Doyle -Third Person’s POV- “Detective Ventura, look. Parang may mali. I checked the CCTV on the entrance of the clinic. Naomi Cruz was seen going in, pero walang video na nakitang lumabas siya ng clinic. Isa pa, I located her phone but it appears that her SIM card was removed a while ago. Ang huling lokasyon niya ay sa Doctor Wilson Clinic.” Napatingin naman si Detective Ventura sa gawi ni Detective Angeles at tinignan ang sinasabi nito. Nang makita ang sinasabi ng kasama ay mabilis silang kumilos upang i-monitor pa ang ibang CCTV na malapit sa Doctor Wilson Clinic. Sa loob ng operating room, hindi pa rin pinapakawalan ng lalaki ang doctor habang hawak pa rin nito ang scalpel. “Sabihin mo na, nasaan si Naomi? Just tell me what happened to my Naomi!” “Clam down. I didn’t even lay a scalpel on Naomi’s body yet. So, calm down. If it is money you want, you can take it. I’ll give you money. Please stop.” Nang dahil sa sinabi ng doctor ay mas lalo namang nagalit ang lalaki at mas diniinan ang scalpel sa leeg ng doctor. Wala namang magawa ang doctor dahil kaunting galaw niya lang ay paniguradong matutusok ang kanyang leeg. “Do I look like a beggar to you? Tingin mo ba pera mo ang kailangan ko?!” galit na wika nito dahil nainsulto siya sa sinabi ng doctor. “Huminahon ka. The woman fears you because you can’t control your anger like this!” Natigilan naman ang lalaki sa sinabi ng doctor. “Anong sinabi mo?” “Nakita ko ang mga sugat sa katawan ni Naomi Cruz. Sinasaktan mo siya hindi ba? You used violence on her, didn’t you?” “How dare you say that!” dala ng matinding galit, sinuntok at ibinalibag ng lalaki ang doctor sa sahig. Sakto naman na kararating lang din ng crime unit 1 at central patrol dispatch. Nilabas naman ni Detective Raynolds ang kanyang walkie talkie upang ipaalam sa ibang kasamahan na nakarating na sila sa crime scene. “Detective Raynolds, speaking. We arrived at the clinic, we’re going up now.” “Detective Ventura, speaking. The patient, Naomi Cruz was only seen entering the building and isn’t seen leaving the place. Ang huling lokasyon naman ng kanyang cellphone ay sa mismong loob ng Doctor Wilson Clinic pero tinanggal din ang kanyang SIM matapos niyang mag-text sa kanyang boyfriend.” “What’s going on right now, really? Let’s go in anyway.” Komento naman ni Detective Roxas at pumasok na sila sa loob ng klinika. “Detective Angeles, speaking. Detectives, according to the central patrol division, it seems like Jerome Dela Cruz has committed domestic violence against Naomi Cruz.” “So ibig sabihin na posibleng hindi scam ‘tong kaso na ‘to?” tanong naman ni Detective Villares. “Let’s not hastily assume things right now. Let’s find out what really happened when we get there,” wika ni Detective Portman. Tumango naman ang iba kaya nagmadali na sila papasok ng klinika. Pagpasok sa loob ay naabutan nila ang nurse na nakatayo sa sulok habang hawak ang kanyang cellphone. “Which way is it?” tanong ni Detective Roxas sa nurse. “Do’n sa l-loob,” sabay turo nito sa huling kwarto. “Don’t let your guard down, everyone. Let’s go in,” agad naman na dumiretso sa loob ang mga detective sa pangunguna ni Detective Roxas. Naiwan naman sa labas sina Detective Raynolds at Detective Portman at sinusuri ang buong lugar. Habang si Detective Villares naman ay inaasikaso ang mga pasyente ng clinic. Tuluyang nakapasok sa loob ng operating room sina Detective Roxas at naabutan nila sa loob na binubugbog ng lalaki ang doctor. “Jerome Dela Cruz, it’s the police. Please calm down and we’ll listen to your demands. Ibaba mo muna ‘yang kutsilyo na hawak mo, okay?” pagpapakalma ni Detective Roxas sa suspek. Nanatili naman na hawak ng lalaki ang kutsilyo pati na rin ang doctor. “Bring Naomi to me. Alam ko na hindi ako iiwan ni Naomi ng gano’n gano’n na lang. Sigurado ako na tinago ng hayop na ‘to ang girlfriend ko!” “Kaya nga pag-uusapan natin ang tungkol dito. This might get serious, okay? Kaya kumalma ka muna,” huminto naman sa pagsasalita ang detective at hinawakan ang earpiece na nasa tainga na tila ba may naririnig. “Ano? Nakita niyo na si Naomi? Okay, sige.” Napatingin naman ang lalaki sa detective ng marinig nito ang sinabi na nakita na ang kanyang girlfriend. Ngunit hindi niya alam na patibong lamang ‘yon ng detective upang makuha sa kanya ang kutsilyo na hawak. “Kumalma ka muna, okay? Nakita na raw ang girlfriend mo, ito ‘yong video papakita ko sa’yo.” Naniwala naman ang lalaki sa sinasabi ng detective kaya unti-unti siyang lumapit dito pero hindi niya pa rin binibitawan ang doctor. Nang tuluyan ng makalapit ang lalaki ay kaagad siyang hinawakan ng detective sa braso at inagaw ang kutsilyo na kanyang hawak. Mabilis na naagaw ni Detective Roxas ang kutsilyo sa lalaki at pinosasan ito. “May batas naman para sa ganito. Hindi mo kailangan na magwala at manakit ng kapwa. Kaya nga sinasabi ko sa’yo na alamin muna natin kung ano ba talagang nangyari.” “I’m sure that something horrible has happened to Naomi. Bakit ba hindi kayo naniniwala? Dahil ba may sakit ako?” Hindi na pinakinggan pa ni Detective Roxas ang sinasabi ng lalaki at nilagyan na ng posas ang magkabilang kamay nito. “You are under arrest for threatening. You have the rights to remain silent. Anything you say will be and can be used against you in a court law. Umayos ka. Stay still.” Inalalayan naman ng mga pulis ang suspek na makatayo at kaagad na dinala sa patrol para madala sa presinto. Patuloy naman sa pagsigaw ng pangalan ni Naomi ang lalaki. “Hindi ako pwedeng umalis. Kailangan kong hanapin si Naomi. Sigurado ako, may nangyaring masama sa kanya!” “Everything will be revealed at the investigation, so calm down,” paulit-ulit na wika naman ng pulis sa suspek. Patuloy naman sa pagmamasid sina Detective Raynolds at Detective Portman sa buong lugar, hanggang sa may mapansin na kakaibang bagay si Detective Portman pero hindi niya ito masyadong pinagtuunan ng pansin.   -Donovan’s POV- “Team leader, tumawag ‘yong central patrol division pero wala si Naomi Cruz sa bahay nila. Women in an abusive relationship tend to prepare their things in advance when a worst case scenario happened. Pero wala akong nakita na gano’n sa ni-send na picture sa akin.” “Palagay ko ay walang domestic violence na nangyari,” dagdag pa ni Detective Roxas sa sinabi ni Detective Raynolds. Actually, tama sila, kanina habang pinagmamasdan ang buong lugar, parang may mali na kaagad. This case has too many loose ends. “Pakawalan niyo ako! Kailangan kong hanapin si Naomi!” “Ano pang ginagawa niyo? Dalhin niyo na ‘yan sa presinto.” Wika ni Detective Roxas. Umalis naman na ang mga pulis na kasama namin at dinala na sa presinto ang suspek. “Detectives, thank you for your hard work. Mauna na ako sa inyo, may mga pasyente pa ako na kailangang harapin.” “Pasyente? Haharap ka pa sa mga pasyente mo, Doc? Wow! You have a strong mentality. Kung kanino man mangyayari ang bagay na ‘to ay paniguradong isasarado nila ang clinic even just for a day,” komento ko sa sinabi ng doctor. Humarap naman siya sa akin saka nagsalita. “Ang ilan sa mga pasyente ko ay galing pang ibang lugar at malayo ang binyahe para makarating dito. It would be very impolite of me to close for personal issue.” Hindi na ako sumagot pa kaya naman nagpaalam na ang doctor at bumalik na sa kanyang opisina. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makapasok siya sa loob. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako palagay sa kaso na ‘to. “Parang may mali. Something is off. Team leader, you are feeling it in your gut too, right?” tanong ni Detective Raynolds kaya tumango ako. “Masyado siyang kalmado ng makita niya ang video ni Naomi Cruz na papaalis ng clinic,” sagot ko sa kanya. “Isa pa, tignan niyo ‘yong nurse. She seems suspicious too,” dagdag naman ni Detective Villares. “She seems nervous and can’t stay still.” “Detective Roxas, speaking. Can you check the criminal records of the nurse, Samantha Mantha?” “Yes, detective,” sagot ni Detective Ventura sa kabilang linya. May mali. May mali talaga sa lugar na ‘to. Masyadong kahina-hinala ang lahat. Napansin ko na pumasok sa loob ng isang kwarto ang nurse na sa tingin ko ay nurse headquarters kaya sinundan ko siya papasok. Mukhang hindi naman niya ako napansin dahil tuloy-tuloy siya sa pagpasok. Pagdating namin sa loob ay dumiretso siya sa harap ng isang locker room at may tinignan sa loob. Parang may inaayos siya. Lumapit ako sa kanya at mukhang nagulat pa siya ng makita ako. “Anong ginagawa mo?” Hindi siya sumagot kaya naman tinignan ko ang locker niya at napansin ko ang isang alahas sa ilalim ng towel. Inangat ko ang towel at bumungad sa akin ang isang pares ng hikaw, singsing at isang wallet. Nang buksan ko ang wallet ay ID ni Naomi Cruz ang nakita ko. “Bakit nasa iyo ang wallet na ‘to? May kinalaman ka ba sa pagkawala niya?” tanong ko sa kanya at ipinakit ang wallet. “Huh? H-hindi. Wala akong alam sa nangyari. Nakita ko lang ‘yan sa ilalim ng kama sa recovery room.” “Kung nakita mo, dapat binalik mo na kaagad sa may-ari. Sandali,” napahinto sa pagsasalita si Detective Villares at tinignan ang loob ng locker. “Ano ‘to? You stole these patient’s wallets, didn’t you?” “I’m really dory, detective. Patient’s under anesthesia doesn’t seem to know when their things go missing. Please forgive me once. Hindi ko na uulitin.” Umiiyak na wika nito. Sabi na nga ba at may mali talaga sa lugar na ‘to. Isa pa, mukhang may alam ‘tong nurse pero hindi niya sinasabi sa amin kung ano man ‘yong nalalaman niya. “Mukhang may dapat ka pang sabihin sa amin. Spill it out. Unless, gusto mong makasuhan ng k********g at murder. “Sa totoo lang, k-kanina sa operating room, parang may mali kay, doc. Bagong bukas pa lang ang clinic namin pero marami na kaming pasyente kasi magaling talaga si doc. Pero kanina, pagpasok sa operating room, mukha siyang wala sa mood. Kaya pagkatapos kong asikasuhin ang pasyente ay pinaalis na niya ako.” “Pagkatapos, anong nangyari?” tanong ni Detective Raynolds. “Matapos ang ilang minuto, I definitely saw patient Naomi Cruz on the bed. Lumabas pa si doc at sinabi niya sa akin na nagising ang pasyente dahil nga resistant ito sa alcohol at sinabi na sa susunod na lang daw ituloy ang operasyon. Sinabi pa ni doc na ayaw daw munang makita ni Naomi ang boyfriend niya. Wala naman akong napansin na kakaiba kaya bumalik ako sa p’westo ko at inasikaso ang ibang pasyente.” “Ngayon, nasaan na si Naomi Cruz?” tanong naman ni Detective Roxas. “Sabi ko nga sa inyo, hindi ko alam kung nasaan siya. Nang tumawag ‘yong lalaki kanina ay sinilip ko pa sa recovery room si Naomi kaso wala na siya ro’n kaya sinabi ko na baka umalis na.” Hindi kaya nagsinungaling ‘yong doctor? “It seems like Doctor Wilson likely caused medical malpractice,” nasabi ko na lamang. “Medical malpractice? Pero kahit na medical malpractice ‘to, imposible na ang isang doctor na may twenty five years of experience ay magkamali ng ganito. Lalo na’t hindi naman mahirap ‘yong operasyon.” Tama rin si Detective Raynolds. It’s strange that a doctor like him would make such a bold act like that. Kailangan namin siyang makausap. “Nasaan si Doctor Wilson ngayon?” tanong ko sa nurse. “Nasa opisina niya, maya-maya pa ‘yong susunod niyang consultation—“ Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at dumiretso na kaagad sa opisina ni Doctor Wilson. Pagdating ko sa tapat ng pinto ay hindi na ako kumatok at basta na lang ito binuksan. Pero pagbukas ng pintuan ay wala nang tao sa loob ng opisina nito. “Imposible na makatakas ang suspek at maitago niya ang biktima sa maikling panahon. Paniguradong hindi pa siya nakakalayo. Detective Raynolds and I will search the clinic. You two, look around the building. We’ll look around here and catch up.” “Okay, sir,” kaagad naman na umalis ang dalawa at lumabas ng clinic. “Detective Portman, speaking. Doctor Wilson committed medical malpractice and ran. Mataas ang posibilidad na ni-kidnap niya ang biktima at itinago somewhere in the building.” “Team leader, maghahanap ako sa parking lot at basement, kung tatakas man ang suspek ay paniguradong kailangan niya ng kotse.” “Okay, Detective Raynolds.” I said at naghiwalay na kami ng daan. Dumiretso ako sa loob ng operating room habang siya ay dumiretso pababa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD