V1 - Chapter 17

2224 Words
‘You need a crime, a detective, and the solution.’ – Kerry Greenwood -Donovan’s POV- Paglabas ko ng kanilang compound ay tinawagan ko kaagad si Detective Roxas. Calling Detective Roxas… “Hello, team leader,” sagot niya matapos ang limang ring. “Detective Roxas, nasaan na kayo ngayon?” tanong ko sa kanya. Kung sakali man na malapit lang din sila rito ay pwede na akong sumabay sa kanila pabalik. “Pabalik na kami ni Detective Villares, team leader,” sakto. Napangiti naman ako sa sinabi niya. “Okay, that’s good. Nandito ako ngayon sa Bentina street, can you pick me up here?” “Okay, team leader, madadaanan din naman namin ‘yan.” “Sure, thanks.” Matapos ang tawag ay pumunta na ako sa bungad para madali nila akong makita kung sakali man na madaan sila. Ilang minuto lang din ang hinintay ko at nakita ko kaagad ang sasakyan nila Detective Villares. “Team leader!” tawag ni Detective Villares na siyang nagmamaneho. Nang makalapit sila ay sumakay na ako sa loob. Nasa harapan naman si Detective Roxas katabi ni Detective Villares. “Ano palang ginagawa mo rito, team leader? Saka nasaan si Detective Raynolds?” tanong ni Detective Roxas ng makasakay ako. “Pinabalik ko na sa istasyon si Detective Raynolds dahil may pinagawa ako. Pinuntahan ko lang din ang bahay ng biktima para maghanap pa ng ebidensya.” “Nga pala, team leader. Paniguradong matutuwa ka sa nalaman namin,” masiglang wika ni Detective Villares na mabilis na bumaling sa direksyon ko at muling tumingin sa harapan. “And what is that?” “We found out that this Ryan has a huge debt to pay. May pinagkakautangan siya na kilalang loan shark dito sa San Bernin at no’ng sisingilin na siya ay hindi siya makapagbayad kaya naman binigyan siya ng palugit. Ang sabi niya sa mga tauhan ni Gabo ay raraket muna siya para makapagbayad. And by raraket, ibig sabihin ay magnanakaw o hahanap siya ng kliyente na may gustong ipapatay.” Mahabang salaysay ni Detective Roxas, pero sa haba ng sinabi niya ay wala naman akong narinig na pwedeng magamit sa kaso. “There’s more, team leader. Nakumpirma na namin kung sino ang lalaking kasama ni Ryan no’ng gabing ‘yon.” Napatingin agad ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ganyan. Ganyan ang balita na gusto kong marinig at malaman. Hindi tungkol sa utang ng biktima. “Good, let’s get back to the station first, then will talk again about that,” I said. Hindi na sila muli pang nagsalita kaya naman sumandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata. Gumugulo sa isip ko ngayon ang mga natuklasan ko sa bahay ng biktima. Napakaraming pagkakamali. Hindi tuloy ako sigurado kung sinadya ba ‘yong gawin ng salarin na para bang tinuturo na niya kaagad ang sarili niya o ginawa niya lang ‘yon para lituhin kami at baliwin sa kaiisip. Isa pa, kung sakali man na alam na nila Detective Roxas kung sino ang kasama ng biktima ng gabing ‘yon bago siya namatay ay mas madali naming matutukoy ang salarin at kung ano ang motibo niya sa krimeng ginawa.   -Third Person’s POV- “Hello, this is 911 call center, what may I help you?” bati ng babae sa tumawag. “Hello, ma’am, this is the food market near the Capitolio and some psychopath beat me like dog,” hagulgol ng lalaking tumatawag. Kahit na medyo nanghihina at nanginginig ay pinagpatuloy niya ang pagsasakita. “There’s a grandmother… n-no, a grandfather.” Naguluhan naman ang pulis sa sinasabi ng lalaki kaya pinakalma niya ito. “Sir, can you explain calmly? I think you’re intoxicated.” “Yes, tama ka. Lasing nga ako pero hindi na ‘yon importante. What’s important is that psychopath lunatic drove off to get the old man.” Matapos marinig ang sinabi ng lalaki ay pinasa naman ng pulis ang tawag sa kanilang head. “Ma’am, a car is violently chasing an old couple. Seeing how the witness talk gibberish, I think he’s inebriated.” “Connect me to the call.” “Yes, ma’am,” mabilis naman na kinonekta ng pulis ang tawag. “Sir, this is Chief Annalisa of central patrol, could you relax and explain it to me once again?” “Ano ka ba?! Kailangan mong tumuwag ng pulis at hulihin niyo ‘yong lalaki! He’s determined to hurt someone! He’s either drunk or high! Sira-ulo na ata ang isang ‘yon,” patuloy na reklamo ng lalaki sa kausap. Inutusan naman ni Chief Annalisa ang ibang pulis na i-monitor ang food market malapit sa Capitolio. “Ma’am, a recklessly driving car is spotted on the near the food market and Esperanza street.” “Let’s call the violent crime unit,” mabilis na kumilos ang lahat at agad na ipinasa sa crime unit ang tawag. Sakto naman na naghahanda pa lang para sa meeting si Detective Ventura ng tumawag ang central patrol. “Detective Ventura of Crime Unit 1, speaking,” sagot niya sa tawag. Agad naman na pinaliwag ni Chief Annalisa ang kaganapan sa detective upang mabilis silang makaresponde. Wala nang inaksaya pang oras si Detective Ventura at agad na tinawag ang mga kasamahan upang ipaliwanag ang natanggap na report. Nang malaman ang mga detalye, kumilos naman si Detective Angeles upang alamin ang pagkakakilanlan ng biktima at ng salarin. Naihanda na ni Detective Ventura ang projector kaya naman live nila na napapanood ang pag-uunahan ng dalawang sasakyan sa kalsada. “Oh,” napahinto naman si Detective Angeles ng makilala ang salarin. “The driver is Anton Evangelista. He’s the son of Vice President Evangelista of Winsley Medical Hospital. As far as I know, he was recently involved for assaulting his classmate. On 2018 and 2019, he was on a probation and suspend in the university because of assaulting and smoking in the school’s facility,” dagdag pa nito. “The reporter was Ivan Momento, he was assaulted by the suspect. As you can see, walang habas niyang hinahabol ang dalawang matanda na sumubok pumigil sa kanya sa p*******t kay Ivan. The victim is Crispin Alonzo, he is 65 years old and former elementary teacher who retired five years ago. His wife, Luzviminda Alonzo, is in the car as well,” dagdag naman ni Detective Ventura habang nakaharap sa sariling computer. Matapos malaman ang mga pangunahing impormasyon ay nagsimula nang magbigay ng direksyon si Detective Portman. “Dispatch team and central patrol division, please send out the patrol cars. Our suspect is the son of Vice President Evangelista of Winsley Medical Hospital, he is a habitual assaulter and assumed to be high. This is a dangerous situation, so everyone must be careful,” paalala ni Detective Portman sa mga kasama. “He’s a complete lunatic,” kumento ni Detective Villares ng makita ang CCTV footage. “Detective Angeles and Detective Ventura, I’ll leave to the two of you the monitoring,” pahabol pa ni Detective Portman bago tuluyang umalis. Mabilis naman na kumilos ang lahat at nagkanya-kanya nang sakay sa kani-kanilang sasakyan at nagtungo sa crime scene. ----- Sa kabilang dako, patuloy pa rin sa paghabol si Anton sa dalawang matanda. Hindi mapigilang mangamba ni Luzviminda para sa kanyang sarili at para na rin sa kanyang asawa. Mas binilisan pa ng kanyang asawa ang pagmamaneho at gano’n din ang ginawa ni Anton. Nang hindi masiyahan ang binata sa ginagawang paghabol sa dalawang matanda, sinabayan pa nito sa pagmamaneho at itinapat ang kanyang sasakyan upang makita ang dalawa. “Hoy! Old geezers! Let’s go together! Tara!” sigaw niya at binangga ang tangilirang bahagi ng sasakyan ng dalawang matanda na naging dahilan ng paggewang nito. Agad naman na na-kontrol ng matandang lalaki ang manibela at binilisan pa ang pagmamaneho upang makalayo sa binata. Ngunit hindi nakuntento ang binata, binato niya pa ang sasakyan ng dalawang matanda ng mga bagay na madampot niya sa kanyang sasakyan. “How could he act like that? Napaka-walang modo!” reklamo ng matandang lalaki habang tuloy pa rin sa pagmamaneho. Walang ano-ano ay binilisan ng binata ang pagmamaneho at humarang sa harapan ng dalawang matanda. Dahil nakaharang sa daraan ang sasakyan ng binata, pilit na iniiwasan ng matandang lalaki ang sasakyan nito ngunit ito naman ang paulit-ulit na humaharang. Kaya naman paulit-ulit din na gumegewang ang kani-kanilang sasakyan. Bigla namang napahinto sa pagmamaneho ang matandang lalaki dahil kinapos ito ng hininga. At dahil nauuna ang binata, nang mapansin nito na huminto ang sasakyan ng dalawang matanda ay agad itong umikot upang balikan ang dalawa. Nang makalapit, masaya siyang lumabas ng kanyang sasakyan at nagtungo sa likurang bahagi upang kunin ang kanyang golf club. “That old man is out of his mind. I should teach him a lesson,” wika ng binata. Matapos makuha ang kailangan ay magiliw siyang naglakad papalapit sa sasakyan ng dalawa habang winawasiwas sa hangin ang hawak na golf club. Walang kagatol-gatol ay bigla niyang hinampas ang side mirror ng sasakyan ng mga ito. “Kinilala niyo muna dapat kung sino ang babanggain niyo, hindi ‘yong basta kayo sabat ng sabat,” galit na wika nito at hinampas naman ang headlight ng sasakyan. “Hoy! Labas! Come out! Labas! Ayaw mo?” Tila nababaliw na ang binata at patuloy na kinakalampag ang pintuan ng sasakyan. Dala ng sobrang takot ay napayakap na lang ang matandang babae sa kanyang asawa. Dahil sa hindi paglabas ng dalawang matanda, lalo namang nagalit ang binata. Habang hawak ang kanyang golf club, umakyat siya sa bubongan ng sasakyan at walang habas na pinagpapalo ang windshield ng sasakyan. Hindi pa ito nakuntento at tumalon-talon pa sa itaas at muling pinagpapalo ang sasakyan. Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasaya ay papalapit na ang mga pulis. When the police siren was heard, the young man quickly got into his car and he fled quickly. Naabutan naman ng mga pulis na walang malay ang matandang lalaki kaya mabilis nila ‘tong sinaklolohan. “Ma’am, calm down. We are police,” malumanay na wika ni Detective Raynolds ng makalapit sa sasakyan ng biktima. “Please, tulungan niyo ang asawa ko. May sakit siya sa puso. Please, help him,” naluluhang pahayag ng matandang babae. Tulong-tulong naman nilang inalalayan palabas mula sa sasakyan ang dalawang matanda. Pinakalma ni Detective Roxas ang matandang babae habang inihiga naman nina Detective Portman sa kalsada ang matandang lalaki. “Detective Portman, speaking. We found the victim’s car. The victim had a heart attack and he wasn’t breathing. Quickly call an ambulance.” “Detective Ventura, speaking. The ambulance is five minutes away.” At dahil humihina na ang pulso ng biktima at wala pa ang ambulansya ay wala nang inaksaya na oras si Detective Portman at ginawa ang chest compression sa biktima. Wala namang tigil sa pag-iyak ang asawa nito habang inaalo at pinapakalma siya ni Detective Roxas. Wala pang limang minuto ay narinig na nila ang tunog ng paparating na ambulansya. “The ambulance is here.... Here! Bilis!” sigaw ni Detective Raynolds sa mga ito. “Let us do it. Let us.” Ipinaubaya naman ni Detective Portman ang paunang lunas sa mga first aider. Wala pang ilang minuto ay bumalik na ang pahinga ng matandang lalaki. “He is breathing again.” “Detective Raynolds, speaking. We resuscitated the victim.” “Team leader, tignan mo ‘to,” tawag ni Detective Roxas. Matapos ipaubaya sa mga first aider ang dalawang biktima ay saka nila sinuri ang sasakyan. Nang makalapit ay napailing na lang si Detective Portman, habang ang iba naman ay hindi mapigilan ang galit. “Anton, that lunatic, wrecked the car that it triggered the heart disease of the old man.” “Team leader, we found out that Anton Evangelista was charged of severe drug abuse. But the witness didn’t attend the trial so he was released,” pahayag ni Detective Angeles mula sa kabilang linya. “Wow! That jerk is also a druggie. We should give him a good beating,” Detective Roxas said as he feels annoyed with the suspect. “Detective Angeles, locate his location immediately.” Detective Angeles, Detective Ventura, and others wasted no more time. They acted quickly to find the suspect’s location in instant. “Detective Angeles, speaking. Anton Evangelista’s car, the suspect of rage driving and assault, was located near the San Bernin’s High School. It is assumed that he was heading to Winsley Medical Hospital.” “We’ll be on our way.” Detective Portman and other detectives immediately got in the car and quickly headed to the location where the suspect was. “Dispatch team, central patrol division, and any patrol division near the area, please go to this location,” he added. Wala namang kamalay-malay ang salarin na muli siyang sinundan ng mga pulis. Sa paniniwalang hindi siya nakita at nakilala ng mga pulis ay masaya siyang pumasok sa Winsley Medical Hospital, kung saan nagta-trabaho ang kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD