‘Life’s most persistent and urgent question is, “What are you doing for others?”’ – Martin Luther King -Third Person’s POV- “Detective Raynolds, any update?” tanong ni Detective Angeles sa kasama. Halong kalahating oras na kasi ang nakalipas simula ng huli niyang makausap si Detective Portman pero wala na siyang narinig pa mula sa kanila. “Nakita ko na ‘yong backdoor pero natabunan na ‘yong buong lugar kaya imposible na may makadaan pa rito. I’m searching for possible ways but I see none,” paliwanag nito sa kasama. “Palabas na ako ngayon.” Hindi naman na sumagot pa si Detective Angeles kaya naglakad na palabas si Detective Raynolds. Ngunit paglabas nito ay wala siyang naabutan sa kalsada. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid upang tignan kung nasaan si Detective Portman pero wala siyan

