‘Romance can be a by-product of crime.’ – Agatha Christie (The A.B.C. Murders) -Third Person’s POV- Matapos malaman ang balita tungkol sa pagi-imbestiga na ginagawa nina Detective Portman ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Colonel Martinez at kaagad na tinawagan ang namamahala sa organisasyon. “Hello,” kaagad na sagot ng nasa kabilang linya. “Did you know that Detective Portman is already investigating the organization?” natatarantang wika nito sa kausap. Kaya ilang araw na itong hindi nakakapasok sa trabaho ay dahil pinapamanmanan niya sina Detective Portman. Inasikaso niya rin ang pag-alis ng pamilya niya papuntang ibang bansa. Kaya naman ng maakalis ang mga ito ay saka siya kumilos at naunang tumawag. Dahil sa loob ng isang taon na nag-trabaho si Detective Portman sa kanya ay al

