‘Human nature was a mystery that logic alone could not illuminate.’ – Sherlock Holmes -Third Person’s POV- Kinabukasan matapos makipagkita sa kaibigang detective ay wala nang sinayang pa na panahon si Detective Gallardo at kaagad na kumilos mag-isa. Gusto man niyang sabihin ang kanyang plano sa kaibigan na si Detective Portman ngunit mas pinili na lamang niya na kumilos mag-isa. At dahil alam niya na mas mabilis siyang mahahanap ni Detective Portman kapag ginamit niya ang sasakyan niya ay mas pinili nito na mag-arkila ng kotse upang mas malaya siyang makagalaw. Habang nagma-maneho ay biglang sumagi sa isipan niya ang mga impormasyon na nalaman niya tungkol kay Dr. Williams. “He’s like a typical child. Wala naman naging problema sa pagpapalaki sa kanya ang mga magulang niya. ‘Yon nga la

