V1 - Chapter 42

2235 Words
'Fear is incomplete knowledge.’ – Agatha Christie -Donovan’s POV- “Detective Portman, speaking. Some guest have fled through the emergency exit of the hotel. They are guest from eight floor until sixth floor. They are likely connected to this case, identify all of them, now!” “Police officer, take over to this floor while I head out to the emergency exit,” tumango naman ang kasama ko na pulis kaya iniwanan ko na sila. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad na tumakbo pababa. Tumakbo ako patungo sa likurang bahagi ng hotel, sakto naman na nakasalubong ko si Detective Raynolds kaya hindi na siya nagtanong pa at sumunod sa akin palabas. Nakarating kami sa likuran ng hotel pero huli na ang lahat dahil nakaalis na ang mga sasakyan pero hindi pa ito tuluyang nakakalayo. Walang sabi-sabi ay sabay kaming tumakbo ni Detective Raynolds para habulin pero hinarang kami kaagad ng security team. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagmura sa isip ko dahil kanina pa ngangingialam ang security ng hotel. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bitawan niyo ako! Ano ba!” galit na sigaw sa kanila ng kasama ko. Nagpipilit siyang kumawala pero marami ang humaharang sa amin kaya naman wala kaming laban. Hanggang sa tuluyan na lang nakalayo ang mga sasakyan sa mismong harapan namin. Tuluyan lang nila kaming pinakawalan ng makalayo na ang mga sasakyan. Nakawala naman sa hawak nila si Detective Raynolds kaya kaagad silang hinarap nito. “Mga siraulo ba kayo? Gusto niyo bang makasuhan?” galit na wika niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan ni Detective Raynolds pero kanina ko pa napansin ang pagbabago sa kilos at galaw niya simula no’ng makita namin ‘yong mga bangkay sa drum. “Detective, you can’t do this. You can step aside and go back inside,” wika ng pinakamatangkad sa kanila. Dahil sa sinabi niya ay lalo namang nagalit ang kasama ko. “Hindi mo ba kilala kung sino ang kinakausap mo? How dare you talk to police officer like that?” Ako na ang lumapit sa kanya at umawat. “Detective, calm down. Wala na tayong magagawa, nakaalis na sila.” Bigla naman lumapit sa amin ‘yong head ng security team kaya sa kanya napunta an gaming atensyon. “Detective, hindi sila umalis dahil sa kaso.” “So anong sinasabi mo? They all run because they were scared that this case might have taint their names?” “Our goal is to keep this hotel safe. Kung suspek sila, sa tingin mo ba Detective pakakawalan namin ‘yong mga ‘yon?” napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Dalawa lang naman ang ibig sabihin no’n eh. Una, wala siyang kaalam-alam na isa ang boss niya sa mga suspek at ginagawa nilang crime place ang lugar at ginawa lang hotel. O kaya ang pangalawa, nagpapanggap siya na walang alam dahil kasangkot sila sa krimen. “We don’t have other choice, kailangan namin silang paalisin dahil hindi basta-basta ‘yong mga VIP clients,” paliwanag pa nito. “Kung gano’n sabihin mo sa akin kung sino-sino ang mga ‘yon? Nakita ko na anim na tao ang sumakay sa limang sasakyan,” ssingit naman ng kasama ko. Bumuntong hininga naman ang security guard bago sumagot. “CEO of Valdez Express, Roderick Valdez and his son, Earl Valdez, Minister of Express Land Department, Minister Jeremy Tan, Attorney Daryl Yap, Mayor Sonny Vegas, and President of Dougher Mall, Christian Montelle.” “Kung hinayaan niyo lang sana kami kanina, hindi tayo aabot sa ganito,” wika sa kanila ni Detective Raynolds. “Sa totoo lang, Detective. Hindi naman problema kung i-imbestigahan mo sila tungkol sa isang kaso. It doesn’t make sense. Bakit naman sila gagawa ng gano’ng bagay at makikisangkot sa isang krimen?” Hindi na ako nagpigil pa kaya sinagot ko na siya. “Are you joking with me? Mukha bang nakikipaglaro kami sa inyo? Are you protecting them because they are your clients? Alam mo ba ang sinasabi mo?” Natigilan siya sa sinabi ko pero dinaan niya lang ito sa pagtawa. “Ikaw naman, Detective, ang init kaagad ng ulo mo. You know how whiny the people up there can be when it comes to rumors. Alam mo naman ang mga mayayaman, ayaw nilang nadudumihan ang kanilang pangalan.” “You find the culprit based on the crime scene, you arrest the culprit based on the evidences. Dahil sa ginawa niyo, posibleng nakatakas ang suspek dahil mabilis silang nakagawa ng paraan para makatakas,” hindi naman na sila nakasagot sa sinabi ni Detective Raynolds kaya bumalik na kami sa loob. Sakto at naabutan namin na nasa lobby sina Detective Roxas at Detective Villares. “Detectives, did you get the guest list and the CCTV footage of hotel?” “Yes, team leader.” “Okay, let’s go back to work and gather evidences as much as possible,” tumango naman na sila at naghiwa-hiwalay. Naiwan naman ako sa lobby kaya kaagad kong ni-contact sina Detective Angeles through earpiece. “Detective Portman speaking. Detective Angeles, list down this names. Valdez Express’s Rodrick Valdez and his son, Earl Valdez, Minister Jeremy Tan, Attorney Daryl Yap, Mayor Sonny Vegas, and President Christian Montelle of Dougher Mall. Get their personal information and relationship to Michael Salvador.” “Mabibigat na pangalan lahat ng sinabi mo, team leader but noted on that. I’ll get back to you once I gather the information.” “That will do, thanks Detective Angeles. And by the way, Detective Ventura, continue looking on what I have asked earlier.” “Yes, team leader.” ----- “Detective, can you do me a favor?” tanong ko sa kanya ng masagot niya ang tawag. Kausap ko ngayon si Detective Gallardo upang humingi ng tulong. Kanina ng malaman ko ang mga pangalan ng mga taong involve sa kaso ay alam ko na kaagad na matatagalan bago matapos ang lahat ng ito. Masyadong mabibigat ang mga taong kasali kaya naman kailangan ko ng panlaban sa kanila sa oras na makaharap ko sila isa-isa. “Nice to talk to you too, my friend detective,” he sarcastically said. “Ano naman ang hihingin mon a pabor at napatawag ka ng dis oras ng gabi?” “Can you for the information of all the names that I sent to you a while ago? And I remember, you know someone who’s really good with computer and recovering deleted data, can you talk to him and recover the missing files on the footages?” “Ano na namang kaso ‘yang ini-imbestigahan mo at nangangailangan ka ng malawakang tungkol,” ito ang isa sa ayaw ko sa kanya. Madali ko lang siya nahihingan ng tulong pero hindi niya naman ako tinatantanan hangga’t hindi nasasagot mga tanong niya. “Just something,” I simply said. “Something your face Donovan. I know you. Hindi ka hihingi ng ganitong tulong kung hindi basta-basta ‘yang kaso na ‘yan. Ngayon pa lang nararamdaman ko na kaagad na isang mabigat na gulo ‘tong pinasok mo.” He’s right. Sometimes I get too competitive. “You know, you’re too noisy for a Detective.” “Yeah, yeah, I’ll just send you the details once I’m done. Your welcome.” “Thanks, I will wait for that,” I said and hanged up the call. Matapos ang tawag ay muli akong humarap sa latop ko. Kanina pa ako nakauwi at hinddi dumating ang dalawang pangunahing bisita ko kanina, sa dahilan na kailangan pa nilang kausapin ang kanilang family lawyer. Well, iba talaga kapag mayaman. Kanina rin ay nakumpirma na namin ang mga identity ng bawat guest ng hotel. Pero sa guest list na nakuha ni Detective Raynolds ay hindi nakalagay ang pangalan ng anim na VIP. Palagay ko ay may iba pa silang listahan para sa mga VIP pero wala naman kaming nakita kanina. Na-review na rin namin ang mga CCTV footages ng hotel at kitang-kita ko kanina na kaagad na umalis si Jaycee Gonzales no’ng mga oras na nasa maintenance room kami ni Detective Raynolds. Idagdag mo pa na halos lahat ng VIP at si Jaycee Gonzales ay may kasamang mga babae sa kanilang kwarto. Bukod sa akin ay si Detective Raynolds pa lang ang nakakapanood ng footage at bukas pa gaganapin ang meeting namin tungkol sa kaso. Nararamdaman ko na kaagad na mahaba-habang file report ang gagawin ko simula na matapos ang kasong ‘to. May pakiramdam ako na maituturing na isang raptio ang kaso na ‘to. Raptio is a large-scale a*******n of women, such as, k********g for marriage, concubinage or s*x s*****y. There are some cases that they sell women in exchange of some properties, position, or anything with monetary value. Hindi kagaya ng inaasahan ko ay mukhang mas malala ang mga krimen na nangyayari sa lugar na ‘to. Wala talaga sa lugar o batas ang kaayusan, nasa tao. Bago nagpasya na matulog ay ni-review ko muna ang file report tungkol sa ‘Mass Acid Bath Case’ kanina. Sa kabuuan ay nasa labing pito lahat ng drum na nakuha. Ayon sa forensic team ay posibleng hindi na ma-identify kung sino ang laman ng bawat drum dahil kasamang nasunog ng acid ang buong katawan ng mga biktima. Hinala namin na no’n isang araw lang namatay ang bagong biktima dahil sa unang drum na nabuksan namin ay may iilan pang buto na natitira, katibayan na hindi pa umaabot ng dalawa hanggang tatlong araw ang pagkakababad dito. Baka bukas din ay makuha namin ang analysis report tungkol sa acid na ginamit. Hindi pa kami siguradong sulfuric acid nga ang ginamit ng suspek pero malakas ang hinala namin, lalo na si Detective Raynolds. Kanina, habang pinag-uusapan ng buong grupo ang kaso ay desididong-desidido si Detective Raynolds na ma-solve ang kaso. Natural na sa kanya na malakas ang kagustuhan na mahuli ang suspek, base na rin sa obserbasyon ko sa kanya tuwing may kaso kaming nire-resolba. Pero kanina ay halos doble, hindi, halos triple nga ang pagkagusto niya na mapanagot kaagad ang suspek at mabulok ito sa bilangguan. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa kanya o kung ano ang naging dahilan bakit naging ganito siya ka-desidido sa kaso na ito. Nang tanungin ko siya kanina ay ang sabi niya gusto niya lang mahuli kaagad ang ssuspek upang hindi na makagawa pa ng ganitong karumal-dumal na pagpatay. Pero malakas ang pakiramdam ko na may mas malalim pa na dahilan. At kung ano man ‘yon ay hahayaan ko na lang siya hanggang sa kusa siyang magsabi. Ang mahalaga ay hind imaging sagabal ang kanyang emosyon sa paresolba sa kaso. Pagkatapos kong mabasa at maglista tungkol sa kaso ay niligpit ko na ang mga gamit ko at nagpasya nang matulog. Pagkahiga ko ay ginagawa ko ang madalas kong ginagawa kapag hindi mapalagay ang loob ko sa isang kaso, ang astral projection. Dahil sa kasanayan sa ganitong gawain, hindi na ako nahirapan pang palabasin ang sarili ko. Nang masigurong maayos na ang lahat ay lumabas na ako at nagtungo sa unit ng pangunahin kong bisita dapat kanina. Sa condo bahay nina Michael Salvador at Jaycee Gonzales. Nakuha ko ang address nila sa personal files na kinuha ni Detective Ventura no’ng nakaraan. Una kong tinungo ang condo unit ni Jaycee Gonzales dahil ito ang mas malapit. Malapit lang din sa Winsley Shopping Mall ang unit niya kaya naman hindi ako aabutin ng halos kalahating oras sa daan. Si Michael Salvador naman ay may sariling bahay sa isang subdivision malapit sa Capitolio na mas malayo ng ilang kilometro sa unit ng kanyang kaibigan. Dahil hindi naman ako nagmamadali, sinulit ko ang paglalakad at dinama ang buong paligid. Naalala ko pa dati na ginagawa ko ang astral projection kapag may gusto akong puntahan na lugar na hindi ko napupuntahan dahil sa trabaho na mayro’n ako. Minsan pa ay ginagawa ko ang astral projection kapag gusto kong tumakas kay mama dahil lagi niya akong pinapagalitan sa paglalaro ng video games no’ng teenager ako. No’ng naging detective ako ay hindi ko rin naman ginagawa ang astral projection dahil madalas na inaabot talaga kami ng magdamag sa isang kaso. Lalo na kapag kailangan na maging lookout. Dito lang talaga sa San Bernin napapadalas ang paggawa ko nito. No’ng mga nakalipas na buwan ay sinusubukan ko na imbestigahan ang mga kaso nina Amanda Reyes, Tomas Stein, at Ryan Rocques, pero sa tuwing may nalalaman ako na bagong impormasyon tungkol sa kaso ay lagi naman nauudlot. May isang beses pa na may tumawag sa akin, hindi ko lang nalaman ang pangalan dahil hindi niya nabanggit at burner phone ang ginamit niya na pangtawag, na may alam daw siya tungkol sa kaso ni Ryan Rocques at Tomas Stein. Nag-set pa kami ng araw kung kailan at saan kami magkikita ngunit ng dumating ang araw na ‘yon, ilang oras akong naghintay sa kanya pero hindi siya dumating. Hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi nakilala. Okay, enough of reminiscing. Kababalik tanaw ko ay hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa dapat kong puntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD