V1 - Chapter 44

2366 Words
‘Never tell all you know—not even to the person you know best.’ – [The Secret Adversery] Agatha Christie -Donovan’s POV- “Detective Portman, dumating na sina Michael Salvador at Jaycee Gonzales kasama ang family lawyer nila,” nagawi ang atensyon namin sa detective na biglang sumingit sa meeting namin. Tumango ako sa kanya saka sumagot. “Okay, we will meet them.” Hindi na siya sumagot pa at lumabas na kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Does anyone have a questions? None? Let’s end the meeting here,” I said at tinapos na namin ang meeting ng dumating ang mga bisita na kanina ko pa hinihintay. Akala ko ay matatagalan pa ang paghihintay ko sa kanila. Ayoko naman na paghintayin sila ng matagal kaya matapos maayos ang mga gamit ko ay lumabas na ako at hinarap sila. Paglabas ko ay nagawa ang tingin nila sa akin. Ito ang unang beses na magkakaharap-harap kaming tatlo. Kahit na ilang beses ko na silang nakita, iba pa rin kapag sa personal at kapag nakikita ka rin nila. “You must be Detective Portman?” tanong ni Jaycee. Tumango ako kaya naman inilahad niya ang kanyang kanang kamay. “Nice to finally meet you, Detective.” Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya. “Nice to meet you too, Jaycee Gonzales, am I right?” hindi siya nagsalita pero ngumiti lang siya pabalik. “I’m Michael Salvador, nice to meet you, Detective” he said and offered his hand. I shook his hand and smiled at him. “Me too,” I simply said. Sunod naman na nagpakilala ang mga kasama nila. “I’m Attorney Patrick Rama, personal attorney of Mr. Jaycee Gonzales.” “And I’m Attorney Vincent Laardo, family lawyer of Salvador’s.” “Detective Donovan Portman.” And after a few minutes of exchanging pleasures, we all headed to Interrogation Room. Bago ko sila ma-meet ay nasabihan na pala sila ni Chief Tanner ng mangyayari at kasama naman nila ang mga lawyer nila kaya alam na nila ang mangyayari. Kanina sa labas ay napansin ko kaagad ang ilang media na nakaabang. Kailangan pa na harangin sila ng ilang police officer para lang hindi tuluyang makapasok sa loob. Alam ko na sikat at kilala ang mga pamilya nila, pero kanina ko lang nalaman na halos laman pala ng balita at magazines ang mga anak ng mga kilalang pamilya. Kaya naman halos lahat ng tungkol sa ganap nila sa buhay ay alam ng halos karamihan, bukod sa akin. may TV naman kasi ako sa unit ko pero wala akong oras para manood. Anyways, nandito kami sa loob ng Interrogation Room, katabi ko si Detective  Villares at nasa harapan ko si Michael Salvador at si Attorney Laardo habang nasa kabilang kwarto naman sina Detective Raynolds, Detective Angeles, Jaycee Gonzales at Attorney Rama. “Good day again, Engineer Michael, may I ask, did you know why did we call you?” tanong ko sa kanya ng makaayos na ang lahat. “Yeah, I was informed yesterday on what you have found on my hotel. Am I right, Detective?” tanong naman niya pabalik. Tumango naman ako sa kanya. “Yes. And you are on top of our list as one of the primary suspect, you know that right?” “Yeah,” simpleng sagot niya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya sinimulan ko na ang pagtatanong. “May alam ka ba sa mga drum na nakaimbak sa maintenance room ng pagma-may-ari mong hotel?” “I have no idea.” “Okay. Nasaan ka no’ng gabing May 12 bandang alas dos ng umaga hanggang alas-otso?” “Hmm, let me think,” sagot niya at humawak pa sa kanyang baba habang nagiisip. “Oh, I was in the hotel, with my friend, Jaycee.” “Only the two of you? Wala kayong ibang kasama?” “Ah, yeah, we are with a girl.” “And who is that girl?” dagdag na tanong ko pa. “I actually don’t know her name, but maybe one of Jaycee’s flings. You know my friend is a bit playboy.” Nakisakay na lang ako sa sinasabi niya saka muling nagtanong. “We heard that the three of you entered in one room. May I know what did the three of you do?” “We’re a little drunk that time Detective and we just slept.” Tinignan ko siya diretso sa kanyang mata na tila ba sinasabing hindi ako naniniwala. What a liar. Well, he has the guts to lie to me when I actually saw what happened on that day. “So you’re drunk?” muling tanong ko. Tumango naman siya kaya napangiti ako. “You’re drunk that time and you drive your car unto the hotel? Aren’t you aware na p’wede kang makasuhan ng drunk driving dahil sa ginawa mo?” magsasalita pa sana siya pero pinigilan na siya ng attorney na kasama niya. Hay, kaya ayokong may kasamang lawyer dito sa loob dahil laging umaawat. “That doesn’t mean that he’s really drunk. Nakainom lang sila ng kaunti kaya naman nasa maayos pa silang pag-iisip. And they still not under the influence of alcohol,” depensa niya sa kanyang kliyente. Ano ba namang klaseng lawyer ‘to, hindi man lang mapagtanggol ng maayos ang kliyente. “Ganyan din ang sinasabi ng mga nahuhuli namin, Attorney. At nanggaling na mismo sa bibig ng kliyente mo na nakainom siya ng araw na ‘yon. Anyway, after you sleep together that night, anong oras kayo umalis ng hotel?” “I don’t clearly remember the time but I think past 8 in the morning.” “I heard that you really didn’t sleep with the girl,” pabitin na wika ko. Napatingin naman siya sa akin habang nakataas ang kanyang kilay. “What do you mean by that, Detective?” “Well, we received an information that you r***d the girl and killed her,” dire-diretso kong sabi. Mukhang nagulat naman si Detective Villares sa sinabi ko dahil napahinto siya sa pagta-type, gano’n din ang iba pa naming kasama. “That’s a serious allegation, Detective,” muling singit ni Attorney Laardo. “Here.” At nilatag ko sa harapan nila ang mga kuha ng CCTV footage mula sa parking ng hotel, sa pag-akyat sa room 505 hanggang sa makaalis sila ng kwarto. Hindi niya hinawakan ang mga picture na nilagay ko sa harapan niya pero halatang tinitignan niya ang mga ito. Sunod naman na inilatag ko ang kuha ng dalawang staff na may dalang drum pagpasok sa room 505 at paglabas ng mga ito matapos ang ilang minuto. “That’s not enough evidence. Hindi ‘yan sapat para akusahan mo ang kliyente ko na pumatay at nang-rape.” I can sense na alam ni Attorney Laardo ang tunay na nangyari. Pero dahil mayaman ang kanyang kliyente kailangan niya itong ipagtanggol. Kahit na mali. Kahit hindi naman dapat. “But we do have a witness,” I said. At dahil do’n ay naagaw ko ang atensyon ng lalaking nasa harapan ko. Nararamdaman ko na gusto niyang magsalita pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. “We have a witness and we have an evidence to prove that,” dagdag ko pa. “How come?” he said. Bingo! Sabi nga nila ang isda ay nauhuli sa sarili niyang bibig. “How come?” paguulit ko sa sinabi niya. “So your unconsciously admitting the crime, is that right?” Michael Salvador’s answers are short and somewhat evasive, and it's clear he's been coached or have been practicing on what he should have and shouldn’t have said. Magsasalita sana si Attorney Laarda pero natigil ito ng biglang dumating si Colonel Martinez. “You came just right in time, Colonel Martinez,” wika ni Attorney Laarda. I knew it! Gagamitin nila si Colonel Martinez upang hindi matuloy ang imbestigasyon at tuluyang makaalis ang mga taong tunay na may sala. “Shouldn’t you be more flexible to not to give your boss a hard time? You even issued a summon warrant to Mr. Michael Salvador, who was the owner of the hotel and Mr. Jaycee Gonzales, who was his friend? Bakit tinuloy niyo pa rin? I clearly told you that they aren’t a subject to the investigation of the case.” Napatayo naman ako sa sinabi ni Colonel Martinez. “Bakit, Colonel? Hindi ba namin p’wedeng alamin kung anong kinalaman nila sa mga bangkay na nakita sa maintenance room ng hotel na pagma-may-ari niya?” Hindi tama na magtalo kami sa harap ng isang civilian, pero anong magagawa ko? Pakiramdam ko ay tinatapakan na ang trabaho na ginagawa ko. At hindi ko gusto ‘yon bilang isang pulis. Tumayo naman si Michael Salvador at hinarap si Colonel Martinez. “It’s okay, Colonel, no need to be worked up. You are making me uncomfortable. They summoned us to ask some questions and I oblige to come, it’s my own decision.” “I’m sorry for the inconvenience, you may go now Mr. Salvador,” magalang na wika ni Colonel. Aangal pa sana ako pero pinigilan ako ni Detective Villares kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. f**k! I was so close to find out the truth. Kaunting pilit na lang ay kusa na siyang aamin, napurnada pa. Bago tuluyang lumabas ay muli akong hinarap ni Michael Salvador. “I enjoyed talking to you Detective Portman. Hope to see you soon,” he said as he walk away. Nang tuluyang makalabas ang dalawa ay malakas na hinampas ni Colonel and mesa dahilan upang mahulog ang mga larawan na nakalatag. “What are you two doing? Nasisiraan ka na ba ng bait? How dare you summon the heir of Salvador’s and Gonzales’?” “Base sa pagkakaalam ko Colonel, tama lang ang ginawa namin. You are being too harsh. Since the day I became detective, I never imagined a situation like this.” Humarap naman siya at lumapit sa akin. “That’s why, I told you to be careful and let them be. Kung nakinig ka lang sana sa mga sinabi ko at paalala ko sa’yo hindi mangyayari ‘to.” Matapos magsalita ay tinapik niya lang ako sa balikat at tumalikod na pero bago siya tuluyang makaalis ay nagsalita na ako. “Anong mali sa paghuli sa mga may sala? Was it wrong for us to catch the criminals? Hindi ba tungkulin natin na hulihin ang mga gumawa ng krimen? We are police and our goal is to catch all the bad guys. Pero ngayon ay hindi ko na alam kung tama pa baa ng ginagawa natin.” Tinignan niya lang ako at tuluyan nang umalis ng walang salita. Napaupo na lang ako at biglang naisip ang mga nangyari. What you did today, Colonel Martinez, I know that you’ll come to regret it one day. And I hope that when that time comes, you’ll forgive yourself. Sometimes, when preparing your goods, things you didn’t order end up rolling in. Katulad na lang ng nangyari ngayong araw. “Team leader, katatapos lang din nila Detective Raynolds sa kabila at umalis na rin si Jaycee Gonzales,” wika ni Detective Villares na nakapagpabalik ng atensyon ko. “Okay, let’s head back to office,” I said.   -Third Person’s POV- [Earlier before Michael and Jaycee’s arrival] “It’s been fifteen years since we’ve known each other, right Sebastian?” “Yes, Chairman. I met you when I graduated from college and learning the criminal code,” magalang na sagot ni Colonel Martinez sa kanyang kausap. Napatango-tango naman ang kanyang kausap. “Sebastian, naalala mo pa ba no’ng nagsimula ka sa pinakamababa hanggang sa maging isa kang colonel? You’ve succeeded. Gusto ka ng mga katrabaho mo, nang mga kapwa mo pulis. You must be proud.” “I’m living my life without any problem, Chairman.” “Did you know this, Sebastian? Ako ang tumulong sa’yo para maging colonel ka ng bayan na ‘to. Many of your colleague and competent man were reinstated one by one. Itinabi ko silang lahat para maging ganap na colone ka. I gave that position on you on a platter. ‘Yang posisyon mo? Hindi naman talaga sa’yo. That position doesn’t really belong to you.” “C-chairman… Alam ko ang lahat ng ‘yan. It’s all thanks to you. I won’t ever forget it.” “No. You are wrong. Nakalimot ka na. You are living wealthy and happy. You have completely forgotten!” Hindi na muli pang nakasagot ang colonel dahil nagsisimula nang mapuyos sag alit ang chairman na kanyang kausap. “’Yang lugar na kinatatayuan mo ay nabili gamit ang pera ko. You totally forgot. At dahil galing naman ‘yan sa sarili kong pera p’wede ko rin ‘yang ibigay o ibenta sa iba kapalit din ang pera. Isa rin ‘yan sa mga nakalimutan mo.” Napatigil naman ang colonel sa sinabi nito. “Chairman Salvador, anong nagawa kong mali? If you would have tell me—“ “I ask you to look after my boy and his friends. Pero ‘yang mga tao sa ilalim mo pilit silang hinahanapan ng butas. That, detective from Manila, masyadong pakialamero. Colonel Martinez, kung hindi mo magagawa o kayang sundan ang pabor na hinihingi ko sa’yo, mas mabuti siguro kung aalis ka na sa p’westo mo na ibinigay ko sa’yo. Masyado mo nang na-enjoy ang prebilihiyo.” “Ako na ang hihingi ng paumanhin, Chairman. I’ll take full responsibility and clear things up.” “Dapat lang.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD