V1 - Chapter 26

2185 Words
‘Mysteries abound where most we seek for answers.’ – Ray Bradbury -Third Person’s POV- Kabadong naglalakad ang isang lalaki na nakasuot ng black suit habang papasok sa opisina ng kanyang boss. Kahit na medyo nanginginig at nakakaramdam na ng takot nilakasan pa rin niya ang kanyang loob at dahan-dahang kumatok sa pinto ng opisina nito. Matapos kumatok ng tatlong beses ay inayos niya pa ang kanyang suot na damit at agad itong pumasok. Pumunta siya sa harapan ng mesa ng kanyang boss at nag-umpisang mag-report tungkol sa trabaho na ipinagawa sa kanya. “I really don’t know why he suddenly showed up. Ilang beses ko na siyang sinabihan pero mukhang hindi na siya nakikinig. It would be better if he died alongside with Tomas Stein,” huminto siya sandali upang hinitayin ang sagot nito ngunit hindi ito nagsalita kaya naman nagpatuloy siya. “Don’t worry, sir, I’ll catch him and let him follow his friend 6 feet below the ground.” Tumingin naman sa kanya ang kanyang boss kaya napahinto siya sa pagsasalita. “Catch him quietly and don’t draw people’s attention. Lalo na at may bagong dayo tayong detective na masipag mag-imbestiga. Ayoko ng mas malaking problema, understand?” “Yes, sir, I’ll be extra careful so that what happened before won’t become an issue again. At kung sakali man na makialam ‘yang bagong detective na ‘yan, I’ll take care of him before anything else,” matapang na sagot ng lalaki. Matapos makapag-report ay agad ding umalis ang lalaki sa opisina ng kanyang boss at agad na nagtungo sa kanyang trabaho na para bang walang nangyari. Nang makarating sa kanyang shop ay agad siyang dumiretso sa kanyang opisina at tinawagan ang isa sa kanyang mga kasamahan. “Recluse, I have a work for you,” bungad nito sa kanyang kausap nang masagot ang kanyang tawag. “Oww, Black Spider, it’s been a while. Anong trabaho naman ‘yan?” masayang sagot naman ng nasa kabilang linya at saka niya sinabi ang dahilan ng kanyang pagtawag. Ilang minuto pa silang nag-usap at matapos mabigay ang trabaho para sa kasamahan ay ibinaba na ng lalaki ang tawag at saka lumabas ng kanyangb opisina. Pagkalabas niya ay agad niyang tinulungan ang kanyang mga empleyado sa pag-asikaso sa mga bagong dating na kostumer at umaktong parang walang nangyari. Sa kabilang dako naman, abala sa pagsusugal ang isang lalaki kaya hindi niya namalayan na kanina pa may tumatawag sa kanya. Ilang beses pang tumawag si Recluse, his code name, bago niya tuluyang nasagot ang tawag nito. “Brown Recluse, napatawag ka?” sagot ng lalaki sa kanyang cellphone at saglit na lumabas ng pasugalan. “Nasaan ka ngayon, Romeo the Looker?” tanong ng kanyang kausap. Ngunit hindi niya ito nasagot dahil napansin niya na tumatakas ang isa sa kanyang mga kalaro at tangay nito ang kanyang pera na napanalunan sa sugal. “Sandali, gag* ‘yon ah, ninakaw ang pera ko,” galit na tugon ng lalaki. “That’s not the problem right now. Your face was recorded on the CCTV! Ilang oras mula ngayon ay pupuntahan at hahanapin ka ng mga pulis para hulihin,” galit na wika sa kanya ni Recluse. “Pulis? ‘Yong mga pulis, huhulihin ako? Nasaan na ang mga pulis? Papunta na ba sila?” sunod-sunod na tanong nito sa kanyang kausap. Napangiti naman sa kabilang linya ang kanyang kausap dahil inaasahan na nito ang magiging reaksyon ng lalaki. “Oo, papunta na sila para hulihin ka. The police are going after you. Kaya naman kung gusto mo pang maging malaya, kailangan mo nang umalis d’yan. They will be there in a few minutes.” “P-pero ‘yong pera ko. Hindi ako pwedeng umalis kaagad. ‘Yong p-pera ko,” mas lalo namang nataranta ang lalaki ng malaman na paparating na ang mga pulis. Ngunit hindi rin siya tuluyang makaalis dahil iniisip niya ang kanyang pera na tiningay ng lalaking kanyang kalaro. “Gusto mo ba talagang mahuli, huh? Can you stand being in the prison with no money? No freedom?” Nang dahil sa sinabi ng kanyang kausap ay mas lalong naguluhan ang lalaki, tila ba hindi niya alam ang kanyang gagawin. “H-hindi. Hindi ako pwedeng makulong. A-ayoko. Ayokong isipin ‘yon,” paulit-ulit na bulong ng lalaki na para bang nawawala na sa kanyang sarili. “Kung ayaw mong mangyari ang bagay na ‘yon, ngayon pa lang umalis ka na r’yan. Tumakas ka na habang maaga pa—“ “P-pero paano ‘yong p-pera ko. ‘Yong pera ko.” Binaliwala ni Recluse ang sinasabi ng lalaki at nagpatuloy sa kanyang magpapasalita. “—tutulungan kitang makatakas. May paparating na van sa likod ng Winsley Shopping Mall. Si Matteo ang magsusundo sa’yo kaya sumama ka sa kanya kung ayaw mo pang mabulok sa bilangguan. Tungkol sa pera mo, bibigyan kita kapag nagkita tayo.” Nagliwanag naman ang mukha ng lalaki matapos marinig ang mga salitang ‘bibigyan kita ng pera’ at dahil do’n wala na siyang sinayang pa na oras at kaagad na umalis ng pasugalan patungo sa Winsley Shopping Mall kung saan siya kikitain ng isa sa kanilang kasamahan. At dahil kakilala niya ang kausap pati na rin ang lalaking magsusundo sa kanya, buo ang loob ng lalaki na makaalis at makatakas kaya wala na siyang ibang nasa isip pa kung hindi ang makalayo sa lugar na kinaroroonan niya dahil ano mang sandal ay paparating na ang mga pulis. Ngunit lingid sa kaalaman ng lalaki, hindi kaligtasan ang naghihintay sa kanya. Ang inaakala na magsusundo at magliligtas sa kanya mula sa posibleng pagkakakulong ay siya palang magpapahamak sa kanya.   -Donovan’s POV- “Detective Angeles, how was the files that I’m asking?” “Team leader, malapit na akong matapos. Kapag nakumpleto ko na ay bibigay ko sa’yo kaagad,” he said habang nasa computer niya ang kanyang atensyon at patuloy sa pagta-type. “Okay, send it to me as soon as you finished everything,” I said at hindi na siya inistorbo pa saka ako bumalik sa p’westo ko. Natambakan na naman kami ng kaso ngayon dahil napapadalas na ang pagre-report ng mga nawawalang dalaga. No’ng una ay akala lang ng ibang magulang na kusang naglayas ang kanilang mga anak, habang sa tingin naman ng iba ay sumama ang kanilang mga anak sa nobyo at nakipagtanan. Ngunit nang tanungin nila ang mga kakilala ng kanilang mga anak ay walang nakaalam kung saan nagpunta ang mga ito. No’ng mga nakaraang linggo ay hindi gano’n naging katambak ang kaso, pero ngayon naman ay nararamdaman ko na may mabigat pang dahilan sa pagkawala ng mga dalaga rito sa San Bernin. “Team leader, nand’yan na naman siya,” napatingin ako kay Detective Villares at sa itinuro nito. Mula sa labas ay nakita ko na nag-aabang ang isang magulang. Ang magulang ni Stephanie Cortez, isa sa mga dalaga na na-report na nawawala. Simula nang i-report niya na nawawala ang kanyang anak na dalaga no’ng nakaraang linggo ay araw-araw na siyang pumupunta at nagpapabalik-balik dito sa presinto. Ilang beses na rin siyang sinabihan ng ibang detective na tatawagan na lang tungkol sa update ng kaso pero hindi siya sumunod. Hanggang sa napagod na lang ang iba at hinayaan siya na maghintay sa labas. Sa crime unit 3 dapat ang kaso na ‘to, ngunit ilang beses nang pabalik-balik dito sa istasyon ang magulang ng dalaga kaya naman kinausap ko na ang team leader ng kabilang crime unit at kinuha ko ang kaso na sinang-ayunan din naman ng buong grupo. Dahil din naman sa kanya kaya ko kinuha ang kaso, bigla ko tuloy naalala ang nanay ko. Wala man akong kapatid, pero may mga pinsan naman ako na babae kaya kahit papaano ay nararamdaman ko ang pag-aalala at pangungulila niya sa kanyang anak. Iniwan ko muna ang ginagawa ko upang puntahan sa labas ang magulang ni Stephanie Cortez. “Detective Portman, magandang umaga,” bati sa akin ng ginang ng makita niya kaagad ako na papalabas. Lumapit naman ako sa kanya at binate siya pabalik. “Magandang umaga rin, ma’am.” “Para sa’yo nga pala ‘to, detective. Sana ay tanggapin mo na. ito na lang ang magagawa ko para sa’yo pambayad sa tulong na ginagawa mo para mahanap ang aking anak,” ngumiti siya sa akin pero halata naman na malungkot at pilit ang kanyang ngiti sa mukha. Inabot naman niya sa akin ang tupperware na dala niya na naglalaman ng pagkain. Simula rin kasi ng kunin ko ang kaso ng kanyang anak ay madalas na rin siyang magdala ng pagkain para sa amin. Ilang beses ko na rin siyang pinigilan pero ilang beses pa rin siyang umulit. “Maraming salamat, pero hindi na po ‘to kailangang gawin,” kinuha ko muna ang dala niya bago muling nagpatuloy. “Naiintindihan ko na nag-aalala kayo sa inyong anak, pero mas mabuti ho sana kung mas babantayan niyo na lang muna ang iba mo pang anak habang kami naman ay naghahanap kay Stephanie.” “Alam mo naman, detective, ayos lang sa akin na magpabalik-balik dito.” “Yes, ma’am, I understand your sentiments. Pero mas mabuti sana kung pagtutuunan niyo muna ng pansin ang iba niyo pang anak. Hayaan niyo po kaming gawin ang aming trabaho, kung sakali man na magkaro’n kami ng lead tungkol sa kaso ni Stephanie ay tatawagan namin kayo kaagad. Sa ngayon ay mas mabuti kung uuwi na ho kayo para makasama niyo pa ang iba mo pang anak.” Hindi ko alam kung madadala ba siya sa mga sinabi ko pero sana makinig naman siya sa amin ngayon. Mas nagiging mahirap kasi para sa amin na i-resolba ang kaso kung araw-araw naming nakikita ang malungkot na mukha at itsura ng pamilya ng biktima. ‘Yong tipong kahit saan ka pumunta ay makikita at maaalala mo sila. Nagsimula naman nang tumulo ang mga luha ng ginang kaya naman medyo nag-panic na ako. Hindi ko naman intensyon na paiyakin siya. Ang sa akin lang naman ay sana hindi na madalas ang kanyang pagpunta rito dahil p’wede naman namin siyang i-update kung may importanteng impormasyon. “Ma’am, ‘wag po kayong mag-alala, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang mahanap ang ‘yong anak.” “Maraming salamat, detective. Hihintayin ko ang tawag niyo at sana mahanap niyo na ang anak ko,” nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng ginang. Matapos magpaalam ay umalis na rin siya kaya naman pumasok na ako sa loob na may ngiti. Kahit papano ay nabawasan ang alalahanin namin. Inilapag ko naman ang pagkain na dala ng ginang sa mesa upang pagsaluhan ng mga detective na gusting kumain, sa pangunguna ni Detective Raynolds. Speaking of. “Wow! May dala ulit si manang? Ano kaya ang pagkain ngayon?” masayang wika ni Detective Raynolds nang makita ang tupperware na nilapag ko sa mesa. Agad naman siyang lumapit sa mesa at tinignan ang laman ng tupperware. Napangiti naman siya ng makita ang laman na pagkain nito. Mukhang mapapasarap na naman ang kain ni Detective Raynolds. “Team leader, nasaan na pala si manang? Hindi ko siya nakita sa labas.” Tanong niya habang ngumunguya pa. Ngayon ay kasalo na niya sa pagkain si Detective Ventura at Detective Villares, lunch time na rin kasi kaya paniguradong gutom na sila. “Pinauwi ko na siya. Saka huling dala na niya ‘yan ng pagkain dahil sinabi ko na tatawagan na lang natin siya kapag may update sa kaso.” “Wow!” bigla namang pumalakpak si Detective Raynolds habang ngumunguya pa rin. “Ang galing mo talaga, team leader. Akalain mo ‘yon? Napauwi mo si manang, eh ang kulit pa naman no’n.” “Kaya nga, team leader. Ilang beses na namin ‘yong nakausap at pinilit na umuwi pero hindi nakikinig. Ikaw lang pala ang kailangan,” segunda pa ni Detective Villares. “Kumain na lang kayo r’yan. Magpakabusog kayo, detectives.” Umiling-iling na lang ako at hindi na sila pinansin pa at ipinagpatuloy ang ginagawa. Habang isa-isa na tinitignan ang mga missing cases, may kakaiba akong naramdaman. Para bang hindi lang ‘to simpleng pagkawala. Idagdag mo pa na lahat ng nare-report na nawawala ay mga dalaga na college student, edad 18 hanggang 22. Imposible naman na sumama sa kanilang nobyo dahil karamihan sa mga dalagang nawawala ay walang boyfriend. Ang iba naman ay walang dahilan para maglayas sa kanilang bahay. Mukhang dito na magsisimula ang lahat. Mukhang kailangan na talaga naming imbestigahan ang kaso na ‘to. Malaki ang paniniwala ko na isa ‘tong serial missing case, kung saan ang mga biktima ay mga dalaga na edad labing-walo hanggang edad dalampu’t dalawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD