'There's only one truth.’ – Gosho Aoyama -Third Person’s POV- “Police officer! Sandali! Hindi niyo ba talaga ako kilala?” paulit-ulit na sigaw ng lalaki. Kasalukuyan silang nasa Sta. Catalina Police Station dahil ito ang pinaka-malapit na police station kung saan nangyari ang maliit na eskandalo ng dalawa. “Manahimik! Ang ingay masyado oh!” sigaw naman ng isang officer na kanina pa naiingayan sa sumisigaw na lalaki. Dahil may ebidensya ang babae ay kaagad na ni-detain ang lalaki, ngunit bago tuluyang ipasok sa loob ay nagmakaawa pa ito na tawagan ang kanyang boss upang linisin ang kanyang pangalan. “Pero hindi talaga ako ‘yon. Totoo ang sinasabi ko, isa talaga akong detective!” muling sigaw nito. “Hindi niyo ba ako kilala? Bago lang kayo ‘no?” Kahit anong reklamo nito ay hindi siya

