V1 - Chapter 50

2336 Words
‘Sometimes the right path is not the easiest one.’ – Pocahontas -Third Person’s POV- Nagising si Detective Portman ng maalimpungatan siya dahil sa kalansing ng mga bakal. Hindi niya kaagad naidilat ang kayang mata dahil nasilaw siya sa liwanag ng buong paligid. Ang huling natatandaan niya ay nawalan siya ng malay matapos siyang paluin sa likod ng ulo ng isang lalaki at pagtulungan siyang buhatin nito. Bukod do’n ay wala na siyang ibang matandaan. Hindi niya rin alam kung nasaang lugar siya ngayon dahil wala siyang malay buong byahe. Nang makapag-adjust ang kanyang mata sa liwanag ay dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mata. Hindi pa namamalayan ng mga tao sa loob ng bodega na nagising na siya dahil abala ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa. Nakabitin ang detective habang nakagapos sa kisame gamit ang bakal ang dalawa niyang kamay habang nakatali naman ng lubid ang kanyang mga paa. Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita niya na abala ang ilang lalaki sa kanilang mga gawain. Sa kanan bahagi naman ay may isa pang kwarto, at dahil nakabukas ang pinto nito ay nakita niya sa loob ang hindi mabilang na mga bata na abala rin sa pagta-trabaho. “Fvck! Ang sakit ng ulo ko, nasaan ba ako?” bulong nito dahilang upang hindi siya marinig ng mga lalaki na nasa kanyang harapan. Dahan-dahan niyang iginalaw ang kanyang katawan upang maayos ang kanyang p’westo ngunit naging sanhi lamang ito upang mapatingin sa kanya ang mga lalaki. Ilang segundo siyang tinignan ng mga ito saka muling bumalik sa kanilang mga trabaho na parang walang nangyari. Nagtataka man dahil hindi siya pinansin ay hinayaan na lamang ng detective at nag-isip ng paraan kung paano siya makakatakas. Naramdaman naman niya na may parang basa na kanina pa tumutulo sa kanyang noo patungo sa pisngi. Napansin lamang niya na dugo ito ng mapatingin sa maliit na bintana ang kanyang repleksyon. Natigil ang lahat sa kanilang ginagawa ng may biglang pumasok na isang grupo ng mga lalaki. At dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas ay hindi niya makita ang itsura ng mga lalaki, tanging bulto lamang ng mga ito na papalapit sa kwarto na kinaroroonan niya. Nang maka-adjust ang kanyang mata sa liwanag ay dahan-dahan niya muling iminulat ang mata aupang makita ang mga lalaki na nakalapit sa kanya. “Gising na pala ang ating prinsipe,” wika ng lalaking nasa unahan. Mas lumapit pa siya sa detective at hinawakan ang panga nito at saka iniharap sa kanya at pinagmasdan ang kabuuan nito. “Ang gulo na ng ayos mo, Detective. Masyado ka atang nabugbog ng mga bata ko. Putok na ang mga kilay mo, nakakakita ka pa ba ng maayos?” nakakalokong tanong nito. At dahil magkaharap ang dalawang lalaki nakilala kaagad ni Detective Portman ang kaharap. Ito ay si Maverick Manalo, isang loan shark at gang leader ng isa sa mga sikat na gang sa San Bernin. Mabilis niyang nakilala ang lalaki dahil ilang beses na rin nila itong hinuhuli ngunit laging nakakatakas dahil lagi nitong natutunog kapag may operasyon sila. Ngunit nitong nakaraang buwan ay natutunton nila ang pinakamalaking paggawaan nito ng shabu kaya naman labas ang galit ni Maverick sa detective. Hindi nga siya nahuli ngunit nalagasan naman siya ng isang malaking negosyo na pinagkukunan niya ng pera. Kaya naman matapos ang isang buwan na pananahimik ay naisipan nila na maghiganti sa detective at hindi nga sila nabigo dahil nasa harapan na nila ito. “Buhay ka pa pala, akala ko ay nabahag na ang buntot mo dahil hindi ka na nagpaparamdam,” balik na pang-aasar ng detective. Napikon naman si Maverick sa sinabi nito ngunit pinigilan ang sarili na saktan ito bagkus ay tumawa lang ito saka muling nagsalita. “Ang balita ko ay bagong salt aka lang dito sa lugar namin. Pero tignan mo nga naman, ang lakas ng loob mo na pakialaman ang negosyo ko.” Magsasalita pa sana ito ngunit hindi na natuloy dahil may lumapit na lalaki sa kanya at may ibinulong. “Kayo na muna ang bahala r’yan. ‘Wag niyo lang masyadong paglalaruan,” bilin ni Maverick sa mga tauhan bago tumalikod at umalis. Sumunod naman sa kanya ang kanyang kanang kamay kaya naiwan si Detective Portman sa limang tauhan nito. Imbes na saktan at bugbugin ay binantayan lang ng mga lalaki ang detective at nagmando sa mga kabataan na nagta-trabaho. “Hoy! Kayo! Bilis-bilisan niyo ang mga kilos niyo. Ang kukupad niyo!” sigaw ng isa kanila habang binabatukan ang ilang binata na nadadaanan niya. Dala ng takot ay mas binilisan ng mga kabataan ang kanilang ginagawa. Napansin naman ni Detective Portman na sa kada cotton na nilalagay ng mga bata sa teddy bear ay may nilalagay din ang mga ito na maliit na plastik na may lamang putting pulbura. Unang tingin pa lamang ay alam na kaagad niya na droga ang laman ng mga ito. Lingid sa kanilang kaalaman ay isa ito sa mga paraan ng grupo ni Maverick upang i-transport ang mga droga ng hindi pinaghihinalaan ng mga pulis. Kung titignan ay mukha lamang silang nasa paggawaan ng mga laruan. “Hoy! Ikaw,” tawag ni Detective Portman sa lalaking malapit sa kanya. “Isa ka sa mga pumalo sa akin, tama ba? Alam mo, ang hihina ng suntok at palo mo. Mukha ka lang siga dahil marami kang tattoo, pero ‘yong mga suntok mo parang pambata,”sarkastikong wika nito. Kanina ay nagkamalay na rin kasi siya ngunit muli siyang binugbog at pinagpapalo ng mga ito kaya siya nawalan ng malay. “Manahimik ka.” “Kanina pinipigilan ko na lang tumawa. Sobrang hina ng mga palo at hampas mo kaya naman nakakahiya sa mga kasama mo. Nahiya ka rin ba kanina?” “Nababaliw ka na ba? Gusto mo pa atang masaktan,” wika ng lalaki at saka lumapit sa detective ngunit bago pa siya tuluyang makalapit ay inawat na siya ng kasama niya. “Boy, pabayaan mo na ‘yan. Mukhang nasisiraan na ng ulo at gustong mamatay ng maaga.” Bigla naman silang nakarinig ng sigawan mula sa kabilang kwarto kaya kaagad na dumiretso ang apat na lalaki upang tignan kung ano ang nangyari. Sa kabilang kwarto kasi ay nawalan ng malay ang isang batang babae dala ng pagod at gutom dahil sa buong araw na pagta-trabaho. Naiwan naman ang isa upang bantayan ang mga kalalakihan sa kanilang trabaho. “You know, underlings like you fight for others all your life until you die.” Hindi na napigilan ng lalaki ang pagkapikon kaya naman sumugod ito sa detective at sinuntok ito sa sikmura. Dahil nakagapos ay wala namang nagawa si Detective Portman kung hindi ang tanggapin ang mga suntok nito. “’Yan na ba ‘yong pinakamalakas mong suntok? Hit harder. Lakasan mo pa.” Dala ng emosyon, mabilis na dimapot ng lalaki ang gunting na nasa mesa at itinutok sa leeg ng detective. “Gusto mo na ba talagang mamatay?” galit na wika nito at mas idiniin pa ang gunting. Hindi naman nagsalita ang detective bagkus ay buong lakas na tinadyakan ang lalaki sa ari nito at inipit ang leeg sa kanyang mga hita hanggang sa mawalan ito ng malay. Napahinto naman sa kanya-kanyang ginagawa ang mga kabataang lalaki dahil sa nangyari. Hindi sila nakikita mula sa kabilang kwarto dahil nakasarado na ang pinto. Kahit na nanghihina ay buong lakas na kinalas ng detective ang kanyang kamay mula sa bakal na gapos ngunit nabigo siya sa ginagawa dahil masyado itong mahigpit. Ilang beses pa niya itong sinubukan hanggang sa mapagod siya kakapiglas. Napatingin naman siya sa mga binata na kanina pa nanonood sa ginagawa niya. “P’wede niyo ba akong tulungan dito?” tanong niya sa mga ito ngunit walang sumagot ni-isa. Kung susumahin ay halos nasa labing lima ang batang lalaki na kasama niya sa loob ng kwarto na sa tantya niya ay nasa edad labing lima hanggang labing walo. “Pulis ako. Kapag nakatakas ako rito ay sisiguraduhin ko sa inyo na kasama kayo. Ano mang oras ay paniguradong papunta na rito ang mga kasama ko kaya kung ayaw niyong mabulok sa lugar na ito ay tulungan niyo ako,” wika niya sa mga ito. Muli ay walang umimik sa mga ito at nagtinginan pa sa isa’t isa na parang bang naguusap-usap sila gamit ang kanilang mga mata. Napabuntong hininga na lang ang detective ng mapagtanto na walang pag-asa na tutulungan siya ng mga ito kaya muli niyang sinubukan na makakawala sa kadena. Nahinto lang siya sa ginagawa ng may issang binatilyo na lumapit sa kanya. “Sigurado ka ba na makakabalik kami sa mga magulang namin?” tanong nito sa kanya. Mabilis na tumango ang detective bago nagsalita. “I assure you. Kapag nakakawala ako sa pesteng kadena na ‘to ay magtago kayo ng mga kasama mo, lahat ng bata na narito. Hindi ko sila mahaharap kung may mapapahamak sa inyo. ‘Wag kang mag-alala, ano mang oras ay parating na ang mga kasama ko at makakaalis na kayo rito.” Nakampante naman ang binata sa sinabi ni Detective Portman kaya walang alinlangan na tinulungan niya itong makawala sa kadena. Kumuha ito ng upuan upang matanggal ang kandado ng kadena. Dahil sa ginawa ng binata ay tumulong na rin ang iba habang ang iba naman ay nakabantay sa may pintuan. Sa kabutihang palad ay nasa lalaking napatulog ni Detective Portman ang susi ng kandado kaya naman hindi na sila nahirapan pa. Matapos makawala sa pagkakagapos ay nag-unat-unat ang detective. Nang maiunat ang katawan ay sinenyasan niya ang mga binata na lumapit sa kanya at kaagad naman siyang sinunod ng mga ‘to. “May alam ba kayo na daan palabas na hindi makikita ng mga tukmol?” Nagtaas naman ng kamay ang isang lalaki kaya napatingin sila rito. “Mayro’n po. Tatakas sana kami ni Cindy kaya lang hindi natuloy pero may nakita kaming maliit na daanan palabas sa likod ng bodega.” Tumango-tango naman ang detective saka muling nagtanong. “Ilan lahat kayong narito. May iba pa ba bukod sa inyo at sa mga babaeng nasa kabilang kwarto?” “Nasa 45 kaming lahat, ako ang nagbibilang ng attendance namin. ‘Yong iba naming kasama ay hindi na namin alam kung saan dinala.” “Sige, kung gano’n gusto ko na sumunod kayo sa kanya papunta sa sinasabi niyang daanan. Ako ang bahala sa mga tukmol para hindi kayo mahabol. Siguraduhin niyo na makakalabas kayong lahat ng kumpleto. At pagkatapos ay maghanap kayo ng matataguan. Hahanapin ko kayo pagkatapos ko rito, naintindihan niyo ba?” bilin niya sa mga ito. Sabay-sabay naman na tumango ang mga binata. Matapos mag-plano ng gagawin ay saka sila kumilos. Dahan-dahang binuksan ng isang binata ang pintuan upang tignan ang nangyari. Nang masiguradong kumpleto ang iba pa nilang kasama ay sinabihan nila ang mga ito na tatakas sila. Wala ang apat na lalaki na lumabas kanina kaya sakto ang pagkakataon upang makatakas ang mga bata. Matapos kasi nilang malaman na may nahimatay ay ginising lamang nila ito at pinilit na pinabalik sa trabaho saka lumabas upang manigarilyo. Inabot pa ng ilang minuto bago tuluyang masabihan ang lahat. Dahil masyadong marami ang mga bata ay aabutin ng ilang minuto bago sila tuluyang makalabas lahat kaya naman nagbilin ang detective na bilisan ang kanilang pagkilos. Habang nagiipon ng lakas ay nakabantay si Detective Portman sa pintuan sakali man na biglang dumating ang mga lalaki. Isa-isa naman nang naglalabasan ang mga bata patungo sa likuran ng bodega upang tumakas. Nasa kalahati pa lang ang nakakalabas ng biglang pumasok ang apat na lalaki kaya naman naalerto si Detective Portman pati na rin ang mga bata. “Tumatakas ‘yong mga bata!” sigaw ng isang lalaki ng mapansin ang mga bata na tumatakbo palayo. Dahil sa pagsigaw nito ay nagpasukan ang iba pang lalaki na may kanya-kanyang dala ng dos por dos. Dahil nasa walo ang bilang ng mga lalaki ay walang ibang magagawa ang detective kung hindi ang isa-isang pabagsakin ang mga ito. Mabilis niyang hinarangan ang isang lalaki na nagtangkang habulin ang mga bata. Kahit na may dalang pamalo ang mga kalaban ay hindi ‘yon naging hadlang. Mabilis niyang iniwasan ang mga hampas ng mga ito at isa-isang pinagsusuntok sa sikmura, mukha, at leeg. Nang madampot ang baseball bat na nabitawan ng isa ay ginawa niya itong pamalo sa iba pang lalaki na sumusugod sa kanya. Suntok dito, suntok do’n. Hampas dito, hampas doon. Hanggang sa tuluyan niyang mapabagsak ang walong lalaki. Nang masiguradong wala ng malay ang mga ito ay tinignan niya ang bata at nakahinga siya ng maluwag ng mapansin na nakalabas na ang mga ito. Imbes na sumunod sa mga bata ay pinili niya na lumabas sa pinto na pinasukan ng mga lalaki at bumungad sa kanya ang tambak ng mga teddy bear at mga nakahilerang kahon. Nakita niya ang pinto sa kanang bahagi kaya dumiretso siya papunta rito ngunit napahinto siya sa paglalakad ng mapansin ang isang itim na bagay na nasa sahig. Tinignan niya ‘yong mabuti at nang makita na walkie talkie niya ito ay mabilis itong kinuha. Kaagad na kinonekta ni Detective Portman sa mga kasamahan ang kanyang walkie talkie. Nang makahanap ng signal ay mabilis niyang kinausap ang mga kasama. “Detective Portman, speaking. Detective Portman, speaking. Naririnig niyo ba ako?” ilang beses niya pa itong inulit hanggang sa may magsalita sa kabilang linya. “Team leader! Team leader, nasaan ka? Anong nangyari sa’yo? Kanina ka pa namin hinahanap,” sunod-sunod na tanong ng nasa kabilang linya. “I have no time to explain. Can you track my location? Kailangan ko rin ng backup, may mga bata rito kaya kailangan nilang maialis kaagad.” “Noted, team leader. Hintayin mo kami, pupuntahan ka namin r’yan.” Matapos makipag-usap ay ibinulsa na niya ang walkie talkie at saka dinampot ang kahoy na nakakalat sa sahig at saka muling naglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD