2

1001 Words
ERICA POV After five years.... Mactan, Cebu. KUNG NAKAKAMATAY ang talim na tingin ni Clarissa sa kaniya, kanina pa siya siguro nakaburol. Bumuntong hininga siya saka tumingin uli sa repleksiyon niya sa vanity mirror. "Bagay naman ah! Sige na ipasok mo na ako sa work mo please... please, Cla. Kailangan ko lang talaga ng trabaho at matutuluyan," pagmamakaawa niya sa matalik niyang kaibigan na si Clarissa. Sumimangot ito kasabay ang pag-iling iling. Halatang diskumpiyado ito sa balak niyang gawin sa buhay. "Kaya kitang ipasok sa hotel pero kailangan lalaki-" "Look at me! Mukha na akong lalaki, 'di ba?" umikot pa siya sa harap ni Clarissa. Bumuga ito ng hangin. "Mukha kang tomboy. No- mukha kang lalaking bakla.. kaso nga pag nabuking ka, yari tayong dalawa, mas lalo na ako baka matanggal ako sa trabaho. Ayokong mangyari 'yon." May bahid na pag aalala sa mukha ni Clarissa. Nauunawaan naman niya ito. Ilan taon na rin itong housekeeper sa JMorris Resort and Casino sa Mactan, Cebu. Ayaw lang nito mawalan ng trabaho, dahil ito lang ang tumatayong breadwinner sa pamilya nito. Habang siya, lumayas siya sa poder ng step-father niya. Hindi na niya kayang pakisamahan ang step-father niya. Simula nang mamatay ang Nanay niya two years ago, palagi na lang siyang pinagtatangkaan na molestiyahin sa tuwing nalalasing ito. Mabuti na lang at black belter siya sa Judo napapatumba niya ang step-father niya ng walang kahirap-hirap. Subalit itong nakaraan linggo may nangyari hindi niya inaasahan. Kamuntikan na siya maibenta sa isang matandang manyakis na Chinese at magahasa ng wala sa oras. Nakatakas lang siya ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan siya magtatago. Kung kinakailangan baguhin niya ang itsura niya huwag lang siya matagpuan ng Step-father niya. "P-Pangako. Hindi ako magpapahuli. Hindi kita ipapahamak," tinaas pa niya ang kanang kamay. "Bakit hindi mo na lang ipakulong 'yang Step-father mong siraulo?" Mabilis siyang umiling. "Hindi gano'n kadali. Chief of Police siya sa Manila, marami siyang kilalang tao. Malakas ang kapit niya. Hindi ko siya mapapakulong ng walang matibay na ebidensya." Nag-ngingitngit na wika niya. Hindi uubra ang simpleng sumbong lang. Walang mangyayari pag gano'n lang ang gagawin niya. Hahanap din siya ng butas para mapatumba ito. Sa ngayon, kailangan niyang mag-lie-low para hindi siya nito mahanap. "Hay naku, Erica. Kinakabahan talaga ako rito sa gagawin natin-" "Please, Cla. Ikaw na lang ang makakatulong sa'kin. Hindi ka kilala ng Step-father ko kaya hindi niya maiisip na sa'yo ako pupunta para humingi ng tulong. Trabaho at matutuluyan lang, pangako. Hindi kita ipapahamak sa trabaho. Aakuin ko mag-isa kung sakali magkabukingan man, please na..pumayag kana," pagsusumamo niya sa kaibigan. No choice na talaga siya. Humugot ng malalim na hininga si Clarissa saka matiim siyang tinitigan. "Sige na nga. Akin na ID mo at resume mo." Inabot niya rito ang fake ID na pinagawa niya pati na rin ang resume niya. Nangangailangan kasi ng janitor sa Hotel na pinapasukan nito. Ang kagandahan pa stay-in ang mga janitor, mayroon barracks room para sa mga janitor at sa ibang empleyadong lalaki sa Hotel. "Seryoso? Rico Padigdig?" pigil ang ngiti ni Clarissa. "Oo, ayos na 'yan. Pogi ko 'di ba?" sabay turo sa picture niya sa ID. Bumunghalit na ng tawa si Clarissa maging siya hindi na rin niya napigilan ang pagtawa. "Ang gwapo mo nga rito e' mukha kang totoy na baby face," natatawang sabi ni Clarissa. Tinaas niya ang suot na black tshirt. "Naka-chest binder bra na ako. Hindi na ba halata ang dibdib ko? Ano sa tingin mo?" "Hmm, hindi nga halata pero ingat ka pa rin. Huwag kang basta-basta magtatanggal ng damit, kilala pa naman kita lalo pag lasing ka nagiging hubadera ka e!" sikmat nito sa kaniya. Napaawang ang labi niya saka marahan kinurot ito sa tagiliran na napaliyad naman ito. "Hoy-! Anong hubadera ka diyan? Naiinitan kasi ako pag lasing at saka no worries, matagal ko ng iniwasan ang alak. Hindi ako iinom. Promise!" Tumaas ang kilay ni Clarissa sabay pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito. "Talaga lang ha? Remember sa sobrang kalasingan mo sa Club na bigay mo ang 'bataan' mo sa lalaking 'di mo kilala." Kumislap ang mga mata niya nang maalala na naman ang lalaking naka-one night stand niya five years ago. Aminado siyang naging wild talaga siya ng gabing iyon. Ayaw kasi maniwala ni Nanay sa kaniya noon na manyakis ang napangasawa nito kaya naman nag-part time job siya sa Club bilang disc jockey para wala siya sa bahay tuwing gabi. Nagkataon lang na naakit siya sa guwapong lalaki sa Club. Napukaw nito ang atensiyon niya kahit nasa second floor ito ng Club kaya hindi na niya napigilan ang sarili ng lumapit ang lalaki sa puwesto niya. Hinalikan niya ang gwapong lalaki. Gosh! Those kissable lips na parang magnet na nakakahalinang halikan. Namula ang pisngi niya nang bumalik sa isipan niya ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Kung paano siya sinamba at inangkin ng lalaki ng paulit-ulit. Hindi na nga niya mabilang kung naka-ilan rounds sila, ang alam niya madaling araw na ng tumigil sila sa sobrang kapaguran. Pero imbes manatili siya sa tabi nito, tahimik siyang umalis at iniwan ang natutulog na lalaki. Nakalimutan na nga niya ang pangalan nito dahil sa kalasingan niya. Nawala siya sa tamang huwisyo at ayaw na niyang maulit pa iyon. Sapat na nawala ang pagka-birhen niya, hindi na siya iinom uli. Never na. "Memorable naman 'yon. As if naman magkikita pa kami. Nasa Manila ang lalaking 'yon at ako.. nandito sa Cebu, mukha ng lalaki," nakangising wika niya. Marahan lang natawa si Clarissa. "Oh sya- ipapasa ko 'to sa HR mamaya. Dito ka muna sa bahay, tatawagan kita para sa update, okay?" Tumango-tango. "Sige antayin ko tawag mo mamaya." "Papasok na ako. Dito ka lang sa kwarto ko, nagsabi naman ako kina Inay na 'wag ka istorbohin rito," bigkas ni Clarissa. Pasimpleng tumango lang siya. "Salamat, Cla." "Pasok na ako." Nang makaalis na si Clarissa para pumasok napatingin siya muli sa salamin saka marahan hinaplos ang maiksi niyang buhok. Goodbye, Erica. Hello, Rico!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD