ERICA POV
MABILIS siyang bumalik sa barracks para makahinga na siya ng maluwag. Hindi naman siya sanay makakita ng patay na tao kaya nanginginig pa rin siya, pinipigil lang niya mag-breakdown habang kinakausap siya ng mga pulis.
Hindi pa man siya nakakapagbihis ng bumukas ang pinto at sumulpot si Jake. Matiim ang mga matang nakatitig sa kaniya. Bakit ba ganito 'to makatingin sa kanya?
"Okay ka lang ba? gusto mong kumuha ako ng malamig na tubig?" ramdam niya ang pag aalala sa boses nito.
Umiling siya. "H-Hindi. Ayos lang, 'wag ka na mag abala pa, okay lang ako," sagot niya.
Hinila siya ni Jake at marahan pinaupo sa kama niya. Umupo rin ito sa tabi niya. Napataas ang kilay niya. Bakit parang madikit ito ngayon sa kanya? parang kanina lang panay iwas ito ni halos 'di nga makatingin ng diresto sa kanya. Tsk !
"May sasabihin ka ba? Gusto ko ng magbihis at magpahinga--" untag niya kay Jake.
Napansin niyang parang napapaisip ito o parang nagdadalawang-isip magsalita.
"Jake--" pukaw niya rito dahil sa ilan segundong pananahimik nito.
"Uhm, gusto ko sana sabihin sa'yo na...."
"Tungkol ba 'to sa nangyari kagabi?" siya na ang kusang nag-banggit sa topic na 'yon para maliwanagan silang dalawa.
Napalabi si Jake saka marahang tumango. Napabuntong hininga siya.
"Iniisip mo bang baka bakla ako?" tanong niya uli.
Napangiwi ito saka nagkamot sa baba nito. "Well, sumagi sa isip ko 'yon-- kasi ano.."
Sige na siya na ang magpaparaya !
"Okay. Bakla ako. Pasensya ka na kung nagawa ko 'yon. Hindi naman dapat mangyari 'yon." Humugot siya ng isang malalim na paghinga. "Kaso... mapilit ka ! So, technically kasalanan mo," matigas niyang sabi. Inirapan pa niya ito.
Napatanga lang ito sa kanya, halatang hindi inaasahan na sasabihin niyang bakla siya. Hmmpp !
"Ah.. ahm, sorry. Yeah.. I know, mali ko rin. Di ko dapat pinilit 'yon, sorry.. nadala lang ako ng alak. Pasensya kana, Rico."
Tumango-tango siya. Ano pa nga ba ang gagawin niya kun'di tanggapin ang sorry nito?
"Ayos lang, may mali rin ako sa part na hinayaan ko rin sarili kong madala sa alak. Sorry sa pag blowj*b ko sa'yo, pero lilinawin ko lang ha. Wala akong gusto sa'yo, okay-- given na gwapo ka talaga, magandang katawan ko tapos malaki, mahaba at maugat pa ang ano mo," dire-diretsong lintanya niya.
Nasamid naman bigla si Jake.
"Ohh, kaya pa?" pag aalala niya dahil sa pag ubo nito. Nasamid yata ito sa sariling laway. Tsk !
Tinaas ni Jake ang isang kamay. "Alright. Okay na. Okay na tayo. Kalimutan na natin ang nangyari, okay?"
Kumibot-kibot ang labi niya. "Okay lang sa'yo na bakla ako? tapos magkasama pa tayo sa kwarto, okay lang sa'yo 'yon?"
Nagkibit balikat lamang ito. "Walang problema sa'kin. Ano naman kung gay ka? Hindi mo naman siguro ako gagapangin habang tulog no'?" naningkit pa ang mga mata nito.
Tumaas ang isang kilay niya. Nang uuyam na tinapunan niya ito ng tingin.
"Wow ha! Gwapong gwapo ka sa part na 'yan, Dong. Baka ako ang gapangin mo, magulat na lang ako bigla kang mainlababo sa'kin," biro niya sa binata na kinasamid uli nito.
Kaagad niya ito hinimas sa likod at marahang tinapik. "Hoy, 'di mo na kinakaya?" nagpipigil siyang matawa.
Tumayo si Jake. "Kung ano ano kasi sinasabi mo, nagugulat ako--"
Pagak siyang natawa sa reaksyon ni Jake. "Tsk ! Sabihan mo ko agad pag magtatapat ka na ng feelings sa'kin ha," kantiyaw niya pa.
Naiiling na lang sa kanya si Jake. Nakita niya itong kumuha ng tuwalya. "Ako na muna maglilinis ng katawan, tapos lalabas lang ako. Makikibalita lang ako sa nangyari sa loob ng hotel."
Hindi na siya kumibo pa ng mauna ng pumasok sa banyo ang binata. Pagkalabas nito, nakasuot na ito ng pantalon. Huba't baro ito kumuha ng damit sa drawer.
"Paki-lock mo na lang pinto, Rico ha."
"Sige."
Siya naman ang pumasok sa banyo para maglinis ng katawan at magbihis. Pagkatapos niya sa banyo, wala na si Jake. Naiwan na siyang mag isa sa kwarto. Okay na rin yon wala ito, mauuna siyang makatulog. Nakahiga na siya ng kama nang mag-vibrate ang cellphone niya.
May text message si Jake sa kanya.
[ Hi, Beauty. Kumusta ka? Are you free tonight? ]
Sumilay ang ngiti sa labi niya. Ano na naman kayang trip nito? [ I'm good, you? Sorry. Hindi ako pwede ngayon gabi. ]
[ Still handsome as ever. So, kailan ka pwede?]
[ Sunday lang.]
[ Alright. Sunday it is. I'll treat you. Pambawi ko sa'yo dahil ikaw naghatid sa'kin last time na nalasing ako, right?]
[ Dinner date? Sige, gusto ko sa fine dining restaurant. ] Aguyy! nag-demand pa si bakla !
[ Sure, oo ba! kahit saan mo pa gusto. See you at Sunday, My beautiful Erica. ]
Napakagat siya sa pang ibabang labi niya. Ano raw? My beautiful Erica? Gosh ! Kinikilig si Rico parang tanga.
[ Yeah. See you. Goodnight. ]
Habang nag aantay siya sa reply ni Jake, nagulantang siya ng mag-ring ang cellphone na hawak. Anak ng ! tumatawag si Jake sa kanya. Hindi niya malaman kung sasagutin ba niya o hindi ang tawag. Hahayaan na sana niya kaso napabahing siya dahilan para 'di sadyang mapindot niya ang answer button.
"Hello, Erica?"
Ang hangal mo Rico ! Tsk !
Ayaw man niyang maging bastos kaya napilitan siyang magsalita. " Uhmm, h-hi.." aniya sa normal na boses niya.
"I miss your voice, Beauty. Can't wait to see you."
Bakit ba panay beauty ang tawag nito sa kanya?! baka humaba na buhok niya.
"Bakit mo ba ako tinatawag na Beauty?" napapangiting tanong niya habang yakap yakap ang isang unan.
"Bagay sa'yo e'. Hindi mo ba ako na miss? kasi ako, can't stop thinking about you."
"Uhm, namiss kita syempre."
"Talaga ba?"
"Oo. Bakit duda ka?"
Narinig niya ang pagtawa ni Jake sa kabilang linya. "Gusto ko lang manigurado. Anyway, last time pala, paano mo nalaman kung saan ang barracks ko sa trabaho? nabanggit ko ba sa'yo?"
Patay ! "Ahh ano.. ano.. kinakausap kita kung saan kita ihahatid tapos nabanggit mo habang lasing na lasing ka.. tapos nagtanong tanong na lang ako kaya nalaman ko--"
"Ohh, I see. Sorry, nahirapan ka pa sa'kin. Don't worry, hindi ako iinom sa linggo. I'll treat you a dinner as I promise."
Magsasalita pa sana siya ng may maulinigan siya sa kabilang linya ni Jake.
"Nasa loob na ang Daddy mo, kakausapin ka.." wika ng isang pamilyar na boses sa background ni Jake.
"I'll go now, Beauty. Have goodnight sleep. Miss you--"
"Sige, ikaw rin--"
Naputol na agad ang linya. Hindi pa rin siya makapaniwala na nag-phone call silang dalawa ni Jake. Napabuga siya ng hangin at umayos na ng higa. Bahala na. Bahala na si Batman kay Erica/ Rico. tsk tsk.