CHARLENE SATURDAY NIGHT.... LAHAT NATATAWA kay Shawn habang panay himas ito sa panga nito na nagsisimula nang magkulay violet dahil sa pag upper cut niya kanina rito. Umismid siya at patay malisya uminom sa hawak niyang bote ng beer. Sabay-sabay silang naupo pabilog sa bonfire na ginawa ng ibang miyembro habang may hawak-hawak silang tig-iisa bote ng beer. Katabi niya si Samantha na katabi rin nito si Garcia. Halatang hindi mapaghiwalay ang dalawa. Napabuntong hininga na lang siya saka sumulyap sa gawi ni Shawn na katabi ni Morris at Sarmiento na nakatingin din sa kaniya. Shawn mouthed to her. "Sorry," ngunit inirapan lang niya ito. Hindi siya natutuwa sa paghalik nito sa kaniya kanina. Subalit, hindi rin niya magawang itigil ang pagbilis ng kabog ng dibdib niya. Linték na first kíss '

