-Dianne's- Ilaw araw narin simula nang dumating si Maxine dito sa Pilipinas. Gulat at saya ang naramdaman ko nang makita ko siya. Paano ba naman, hindi man lang nag pasabi na uuwi ito kaya parehas kaming na surpresa ni Jaxxon. Medyo matatagalan pa ang pag stay ni Max dito sa pinas dahil may mga importanteng bagay ito na kailangan gawin. Tulad nalang ng pag aasikaso nito ng kanyang sariling Business. Bukod kasi sa kompanya nila sa England na siya ang nag ma-manage ay sinasabay din nito ang trabaho sa kanyang sariling kompanya. Yes! May sarili na itong kompanya, kahit maliit palang ito ay masasabi kong mapapalago niya ito. May mga kliyente at Business Partners lang siya na kailangan i-meet dito kaya kailangan niyang mag tagal ng ilang linggo. Nakakatuwang isipin na sa edad na trenta ay napa

