LEIRA'S POV MAHINA AKONG natawa nang marinig ang sinabi ni Ran mula sa kabilang linya. Palabas na ako ng JSC (Johnson Shipping Company) nang tumawag siya para sabihing mali-late siya ng sundo sa akin dahil na-traffic daw ito. Hintayin ko raw siya kahit anong mangyari. Pero sabi ko, uuwi na lang akong mag-isa dahil malapit lang naman ang condo niyang ipinahiram sa akin rito sa company nila. And yes, sa kompanya na niya ako nagtatrabaho, 2 weeks na. Pagkatapos kong lumipat ng tirahan, hindi na rin niya ako pinapasok sa kompanya ng daddy niya dahil sigurado raw na pupunta ro'n si Mico. Kaya ang ending, sa JSC na ako pumapasok. At sa 2 weeks na 'yon, literal na ginuwardiyahan niya ako. Hatid-sundo niya ako araw-araw. At ngayon lang ako uuwi nang mag-isa dahil wala pa siya. Ang lakas kas

