THIRD PERSON POV Tila tinulos sa kinatatayuan si Leira dahil sa gulat nang makita kung sino ang nadatnan nila ni Ran sa silid na 'yon. "Ran, ano 'to?" Pabulong na agad na tanong ni Leira kay Ran nang makabawi sa pagkagulat. "Bakit nandito siya?" Nagkibit-balikat lang si Ran kaya nakatikim ito ng pinong kurot mula kay Leira. Tumawa ito at hinuli ang kamay ni Leira. "Ba't nanlalamig ka?" Naningkit ang mga mata ni Leira at inulit ang tanong kung bakit kasama nila si Mico. "Hindi ko rin alam kung bakit siya nandito, sweetheart." "I don't believe you." Paangil na sagot ni Leira. "Believe me, sweetheart." Sinadya nitong mas ilapit ang mukha sa dalaga. "Hindi ako naniniwala sa 'yo. Kilala kita, Ran." Tinangka pang magkaila ni Ran kay Leira, ngunit sa huli ay pinili nitong amin

