MICO VLADIMIR'S POV "STOP!" Sigaw na awat ko sa pagsasalita ni Auntie Saree. Bumadha ang matinding takot sa mga mata nitong liham sa luha. "Hindi 'yan ang gusto kong marinig, Auntie Saree." Tukoy ko sa pagkukuwento nito tungkol sa mga taong nanloob sa kanila noong nakaraan dahilan para mahospital ang asawa niya. "M-Mico." Nanginginig ang boses nito. "Hindi tungkol sa asawa mo ang sadya ko rito! Wala akong pakialam sa nangyayari sa kaniya! Tungkol sa ginawa niya kay Leira ang gusto kong sabihin mo sa akin, Auntie Saree." Hindi siya sumagot. Iniyakan lang ako nang iniyakan dahilan para lalong maghurumintado ang kalooban ko. "Magsalita ka, Auntie Saree! Sabihin mo sa akin ang lahat!" Dumagundong ang galit na boses ko sa kabuuan ng bahay. "Magsalita ka!" "Mico! Please, huminahon

