LEIRA'S POV "Sino bang tinitingnan mo?" Hindi nakatiis na tanong ko kay Ran. Kanina pa kasi siya lingon nang lingon sa likuran ng sasakyan. "Ano?" tanong ko. May sinabi kasi siya, hindi ko lang mas'yadong narinig kung ano ang sinabi niya dahil ang hina ng pagkakasabi. "Sabi ko, ang ganda mo." Napairap ako. "Ano nga? Hindi ko naintindihan ang sinabi mo, pero alam kong hindi 'yan ang sinabi mo. So, ano 'yon?" Napakunot ako ng noo nang hindi siya sumagot, sa halip ay lumingon na naman sa likuran ng sasakyan. "Sino ba 'yang kanina mo pa nililingon, ha?" Hindi na rin ako nakatiis, tumingin ako sa likuran. Mas lalong nadagdagan ang pagkakanunot ng noo ko nang makitang tila pamilyar ang kotseng nakasunod sa amin. "He's following us." Malinaw kong narinig ang sinabi ni Ran. "Sinu

