MAMA ALICE POV HABANG KINAKANTA ang paboritong kanta ng kambal ko ay tila pabigat nang pabigat ang dibdib ko. Na tila may malalaking batong nakadagan sa dibdib ko dahilan para mahirapan akong makahinga nang maayos. Ang sakit sa dibdib habang nararamdaman ko kung gaano kahigpit ang yakap ni Leira sa akin. At sa klase ng yakap niya, alam kong hindi na talaga niya kaya. At simula nang magdalaga silang dalawa ni Keira, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Vulnerable. "H-Hindi ako okay, Ma." Mahina niyang usal ngunit sapat na upang malinaw kong marinig ang sinabi niya. Para siyang batang sumiksik sa dibdib ko, nakapaloob sa mga bisig ko. "Nandito lang si Mama," sambit ko bago nagpatuloy sa pagkanta kahit basag-basag na ang aking boses dahil sa pinipigilang pag-iyak. Awang-awa ako sa

