Chapter I- Andrea Charlotte Manuel

3056 Words
"We're sorry Miss Andrea but we are looking for an applicant with a degree of any course. Though you passed the interview but failed in qualifications." sabe ng HR dito sa inaapplayan kong trabaho. Napayuko na lamang ako. Ang hirap mag apply sa Pilipinas kapag hindi ka nakapag tapos ng pag aaral. Well hindi naman ako ganun ka bobo, as a matter of fact i was a dean's lister during my 1st to 3rd year of college. I just don't have any choice but to drop out to provide for the needs of my family. You know being a breadwinner is not an easy task. There were times that you needed to sacrifice gaya ng pagsasakripisyo ko ihinto ang pag aaral ko para maging full time employee. "I understand po, I'm still thankful for the chance given to me" "Kung ako lang ang masusunod iha i will definitely hire you, but we have rules to follow. Don't worry I'll talk about you to our manager malay mo i consider nyang tanggapin ka" pagpapagaan nya sa akin ng loob Ngumiti lang ako ng tipid at umalis na. Ilang araw na nga ba ako nag ja jobhunt? May trabaho naman ako tuwing gabe sa isang bar bilang waitress. Ayos lang din naman ang kita tas 4 hrs ka lang mag tatrabaho. Malaking tulong yung kinikita ko dun para sa mga gastusin sa school ng kapatid ko at pag kain nameng tatlo sa araw araw. Subalit hindi padin sumasapat yung kinikita ko dahil may sakit ang nanay. Na diagnosed sya na may Kidney disease at kailangan nya ng transplant pero dahil wala pang donor nag didialysis muna sya. Isa pa yang operation kailangan pag ipunan, anytime soon baka magka donor na si nanay. Ang tatay namen na kapatid ko? Ayun sumama sa kabit nya. Matagal tagal nadin. Hindi na kami binalikan at wala na din akong balita. Kilalang negosyante ang tatay ko noon kaya nagtataka ako kasi wala na ako nababalitaan sa negosyong tinayo nya. Yes, mayaman po kami pero noon yun nung hindi pa kami iniiwan ng tatay ko. Dahil hindi ako natanggap sa inapplyan ko kanina syempre may option pa akong baon. Recently nag merge ang RJC Architecture Firm at Constructify Engineering Services kaya nag expand sila dahilan kaya hiring sila ngayon. Typikal na pag apply lang ang nangyari interview at exam tas sinabihan akong tatawagan nalang pag natanggap ako. Ganun naman palagi eh. Hindi na nga ako umaasa sa tawag kasi ang dami kong kasabay na nakapag tapos at may experience pa. Maigi na din pala madami akong kopya ng resume ko dahil lahat ng nadadaanan kong hiring ay pinapasahan ko ng resume 5pm na ng mapag pasyahan kong umuwi na. Nakakapagod ang araw na to sana ay may tumawag sakin para worth it naman lahat ng pagod ko. Ring..ring..ring.. I flinched when my phone suddenly rang. Nang tignan ko ay si Diane pala. Ang aking best friend. Akala ko pa naman ito na ang tawag na inaantay ko. "Hello" Panimula ko "Hello pop, kumusta? Natanggap ka ba sa inaapllyan mo?" Pop ang tawagan namen. It's related to how we 1st met kase bigla nalang daw ako sumusulpot dun sa tambayan nya. Nagkataon naman na dun din ang spot ko kapag kakain ng recess. Parehas kami sulpot ng sulpot kung saan saan. "Naku nakakainis kasi hindi. Hindi daw kase ako nakapag tapos kaya ayun." "ano ba big deal sa mga nakapag tapos eh diploma lang naman lamang nila" wika nya sa kabilang linya. "dibale pop may ooffer akong raket sayo" "ano yun? Siguraduhin mo Lang na matinong trabaho yan ahh." pinandilatan ko pa sya ng mata na parang kaharap ko lang ang kausap ko "hahaha, hmmmm kinda pop. I know tatangihan mo ang trabaho pero malay mo kagatin mo dahil sa ibabayad nila sayo . They're willing to pay 5k for 3 hours, plus tip." Napapaisip naman ako, 5k sa tatlong oras. Parang iba ang kutob ko sa raket na inaalok saken ng bruha na to. Si Diane kasi ang nagpasok sa akin sa bar. Nung una ayaw ko pa sana kasi sa bar nga, pero dahil malaki ang kita at mag seserve lang naman ako sa mga guest ay ayos lang.Take note FOOD and BEVERAGES ang sineserve ko. Tsaka may mga bouncer din naman sa bar kaya so far wala pa naman akong na encounter na binastos ako. "Hoy hindi maganda ang kutob ko dyan ahh. Bakit too good to be true ang kita dyan" mapagdudang tanong ko sa kanya "hehehehe pop sorry na. Kung gusto mo lang naman. Yung dancer kasi sa club nung isa kong kakilala nagkaron ng emergency so nagkulang sila ng dancer." Sabe na nga ba eh "Are you nuts? Kailan mo ba ko nakitang nagsayaw? Ayoko, bukod sa hindi ako marunong sumayaw sino naman sasayawan ko dun? Yung mga manyakis na parokyano? big No No pop." Hindi ko talaga kaya magsayaw ng sexy sa stage. I just can't "You don't have to be good at dancing. More on giling lang naman yun tsaka ang titigas nga ng mga katawan ng dancer ni mamasang doon haha" "Ah basta my answer is still NO Diane" "Okay okay, Don't be too irritated about it. I just tried to offer it to you because I know how you need money. Ikaw agad naisip ko, I just wanted to help but it seemed you can't do it so I understand." "I'm sorry pop. Hanap ka nalang iba. Oo kailangan ko pero d pa naman ako ganun ka desperada magkapera." Kahit puro bugaw ang ibang kakilala ni Diane that doesn't mean na mababang babae sya. In fact mayaman sila Diane, she has her own house and car, may business din ang pamilya nya. Hindi lang talaga sya mahirap pakisamahan at kahit ano istado ng pamumuhay mo hindi yun rason sakanya para maging kaibigan ka nya. Well kung kaibi kaibigan ka she will surely befriend you. "I know. Kumusta nga pala si tita Cena?" tukoy nya kay nanay. Parang nanay na din ang turing nya kay nanay. "Ayun tuloy tuloy lang sya sa dialysis nya thrice a week. Minsan nga nahihirapan na ang katawan nya eh" "Bakit masakit daw ba ang treatment?" "Hindi naman daw, manghihina ka lang daw at mahihilo. Kaso yung hilo ni nanay kada treatment tumatagal ng maghapon" "Naku sana magka donor na si tita noh para di na nya kailangan mag dialysis" Nagpa matching din si Diane ng kidney kaso hindi sila match ni nanay kaya hindi sya pwede maging donor. Ganun din kami ni Cedric. Nagpa alaman na kami at binaba ko na ang tawag at bumyahe na pauwi ng bahay. Malapit na pala ang hapunan kailangan ko ng makauwi para makapag luto. Simula ng nagkasakit ang nanay hanggat maaari hindi ko na sya pinapakilos sa bahay. Kahit palagi ako umaalis ng bahay para maghanap ng trabaho sinisiguro kong meron akong naiiwan na pagkain sa kanila ni Cedric. Bago umuwi ay dumaan muna ako sa palengke para bumili ng ulam. Ano kaya ang masarap iulam? pero ang pinaka tanong ay kung anong ulam kaya ang kakasya sa 100php ko. "Andrea iha, halika at iuwi mo na ito. Maganda ganda ang kita kaya gusto ko kayong bigyan" Si aling Paz to ang nagtitinda ng gulay. Kapitbahay namen at parang lola na namen ni Cedric. Nag iisa nalang sya sa buhay dahil nasa abroad ang mga anak nya at patay na ang asawa nya. Kinukuha naman daw sya ng mga ito pero ayaw nyang iwan ang lugar namen dahil madami daw sila memories ng asawa nya dito. Kahit skwater at puro away ang mga kapitbahay hindi nya daw ito ipagpapalit sa bahay sa exclusive subdivision. "Salamat po lola." Kinuha ko ang supot na inaabot nya at nagmano. "Wala iyan apo. Napakasipag ng kapatid mo, tinulungan nya ako sa pag aayos kanina kaya pakunswelo ko yan sa inyo" Pag kailangan ni aling Paz ng katuwang si Cedric agad ang naiisip nya. Bukod sa masipag daw eh mapag kakatiwalaan pa. Hindi katulad ng iba na pinag kukupitan sya ng paninda. "Ano bang bibilin mo dito sa palengke iha? ito idagdag mo pa itong pera pakainin mo ng masarap ang nanay at kapatid mo" "Naku lola wag na po sapat na po itong gulay" pilit ko sinasauli ang perang inabot nya pero hindi nya kinukuha. Sa huli tinanggap ko nalang at nagpa alam ng aalis. Tinignan ko ang plastic na bitbit ko. May sayote, malunggay, repolyo, carrot, red bell pepper, bawang at sibuyas. Parang ang sarap mag tinola ngayon bukas chopsuey. Nang makarating ako sa bilihan ng karne nakita ko si Justin. Simula nalipat kami dito sa tondo naging kaibigan ko na sya. Sa kanila ang stall ng karne ng manok at baboy na to. Sya ang nagbabantay para hindi na daw magpapasahod ang mama nya at iwas tambay si Justin. "Oh Andrea napadaan ka, anong hanap mo" "Manok Tin, bigyan mo nga ko ng 1kilo tinola cut" pinag hiwa naman nya ako ng karne. Nang iaabot ko ang bayad ay ayaw tanggapin. "Isang matamis na oo mo nalang Andrea ok na ko dun" liligawan nya daw ako pero di naman ako pumayag dahil ayoko masira ang friendship namen isa pa hindi pa ko totally move on. Ayoko naman maging rebound sya Boyfriend material naman talaga sya eh. Sadyang ayoko lang pumasok sa isang relasyon hanggat hindi ako siguradong nakalimutan ko na sya. "Tigil tigilan mo ko sa banat mong yan. Napag usapan na naten ang tungkol dyan diba" "Handa naman ako maging panakip butas" Aware si Justin sa nangyari sakin. "Pero ako hindi, bahala ka na nga dyan kailangan ko ng umuwi magluluto pa ko" Nilapag ko nalang ang bayad ko. Bahala sya kung kukunin nya o hindi basta binayaran ko. Bago ako makaalis biglang dumating ang kapatid nyang si Jason. Kaedaran at magkaibigan din sila ni Cedric. "Kuya kuya" Tawag nya sa kuya nya habang hinihingal at mukang tumakbo patungo dito. "Oh ate Andrea mabuti andito kayo, si Cedric po" sabi nya habang tinuturo ang isang diresyon. Hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil iba ang kutob ko. Tinakbo ko ang direksyong tinuturo nya. Narinig ko pa si Justin na inutusan syang bantayan ang tindahan at sumunod sakin. Nang makarating sa lugar nakita ko ang kumpol ng mga usisero't usisera. Ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko si Cedric na pinapalibutan ng mga lalaking naka itim. Dali dali kong dinaluhan ang kapatid kong nanginginig sa takot. "Sandali lang ho. Kapatid ko po sya, ano po bang problema?" "Ate" wika ni Cedric as you can sense relief from his voice. Napansin ko ding nagtutubig na ang mga mata nya na anytime maiiyak nalang sya. Tinaasan ko Lang sya ng dalawang kilay na parang sinasabi kong 'i got you lil bro' "ah ate ka nya, tamang tama paki bayaran ang sirang nagawa ng kapatid mo kung ayaw mong itimbre ang kapatid mo sa mga kasama ko. Ayaw mo naman siguro lumiit ang mundo nyo diba" Sa tingin ko ang ibig nyang sabihin ay ipapa hunting nya kami. Tinignan ko ang tinuro nya. Basag ang tail light ng kotse at puro gasgas. Ngayon ko lang napansin ang isang motor na naka tumba at mga sugat ni Cedric sa katawan. "Pag usapan nalang po naten to tignan nyo puro sugat din naman ang kapatid ko hindi lang sasakyan nyo ang napuruhan." Tinignan nya si Cedric "toy sana sinabi mo agad na may maganda ka palang ate." Bumaling naman sya ng tingin sa akin. "Tama pwede naten tong pag usapan" sabay halos sa pisngi ko. Agad ko iniwas yun dahil ang gaspang ng kamay baka magka butas butas ang muka ko. "Walang bastusan brad" si Justin sabay tabig ng kamay nung lalaki. "Sino ka ba? Boyfriend ka ba nya?" "Hindi nya ko boyfriend pero--" "Hindi naman pala eh kaya wag kang makisali" pinutol nya ang sinasabi ni Justin at bumaling uli ng tingin sakin. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. "Hindi ko na pagbabayarin ang kapatid mo kapalit ng--" lumapit sya sa tenga ko. Naging maagap naman si Justin at inilayo ako at tinago sa bandang likuran nya. Ngumisi lang ang lalaki "isang gabi miss. Isang gabi lang na kasama kita abswelto na kayo" Kinagat pa nya ang labi nya na parang nag iimagine na agad. Nagpantig ang tenga ko at akmang sasampalin sana sya pero naunahan ako ni Justin. "aba tarantado ka pala" ani Justin at inundayan ng sapak ang lalaki. Ang sunod na nangyari ay gulo na. Nilayo ko muna si Cedric para di matamaan ng mga nagsusuntukan and the next scene i saw was them beating up Justin. Pinag hahampas nila ng kahoy, pinag susuntok at pinag tatadyakan. Sa taranta ko ay dumampot din ako ng kahoy na nasa gilid at hinampas sa lalaking nambastos sakin kanina. 'akala mo ah. lintik lang walang ganti' Napahawak sya sa batok nya kung san ko sya hinampas at dahan dahang pumihit paharap sakin. Masama nya kong tinignan, mabagal syang naglakad papalapit sakin at ako naman ay atras ng atras hanggang sa napasandal ako sa isang foodcart. Kaya wala nakong maatrasan at na corner na nya ako. "ayan ang gusto ko palaban" ayun lang ang sinabi nya at bumwelo ng sampal. Napapikit ako at hinintay dumapo ang palad nya sa pisngi ko. "Andyan na mga pulis sibat na tayo" Narinig kong tawag sakanya ng lalaking kasama nya. "Hindi pa tayo tapos. Maghaharap pa tayo" pagdilat ko ay wala na sya sa harap ko at tanging kotseng papalayo nalang ang nakita ko. Agad ko nilapitan si Justin na duguan, basag ang muka at puro sugat ang katawan. "Justin. Oh my god. Kapit ka lang dadalin ka namen sa ospital. Ikaw naman kasi bakit ka pa nakisali. Di mo ba nakita ang dami nila." "Hindi ako papayag na may babastos sayo." sumuka sya ng dugo kaya sinaway ko syang magsalita. Maya maya pa ay dumating na ang ambulansya at isinakay na sa stretcher si Justin. Kami naman ni Cedric ay inimbitahan sa prisinto para mahingan ng statement. Pero dumaan din muna kaming ospital para mabigyan ng First Aid si Cedric at makakuha kami ng medico legal. Notorious na sindikato daw ang nakabangga namen. Dahil sa nangyaring insidente, nagawa nilang matunton ang isa sa hide out ng grupo. Matapos sundan ang sasakyan na gamit nila sa tulong ng mga cctv sa daan. Nahuli ang ilan sa mga myembro at nakumpiska ang ilang pack na pinag hihinalaang droga na worth 12M. Pinag iingat kami ng pulis dahil maaari daw nila kaming balikan. Pinayuhan nga kaming lumipat pero saan naman ako kukuha ng pera pang down ng bahay o kwarto man lang. Kailangan ko pa ipagamot si Justin dahil kung hindi dahil sakin hindi din sya mapapasama sa gulo. Yung motor pala na minaneho ni Cedric ay na impound dahil walang lisensya ang kapatid ko. Galit na galit yung may ari nung sumugod sya sa prisinto. "Hindi na nga ako kumita nagka problema pa ko. Ano bang ginagawa mong bata ka at nabangga mo sila? Kung hindi ka nakabangga edi sana hindi ma iimpound ang motor ko" Asik ng may ari ng motor habang dinuduro duro ang kapatid ko. "Teka lang ho, mawalang galang" Singit ko sa sinasabi nya habang hinahawi ang kamay nyang nakaduro sa kapatid ko. "Wag nyo ho isisi sa kapatid ko. Sa totoo lang may violation din kayo kasi pinayagan nyo sya mag maneho. 10 years old lang ho sya. Kami nga po ang naargabyado dahil tignan nyo-" tinuro ko si Cedric na nakaupo sa tabi ko. "Ang daming sugat at pasa sa katawan" "Ah basta salot yang kapatid mo. At ikaw bata, wag na wag kana babalik sa tindihan ko." "Wag ho kayong mag alala dahil hindi ko na ho papayagan ang kapatid ko bumalik sa tindihan nyo" Matapos namen makapag bigay ng statement, dumeretso ako sa ospital habang si Cedric ay pinauna ko na sa bahay para may kasama si nanay. Hinanap ko si Justin sa ER. Tapos na daw tahiin ang mga sugat nya at nilipat na sya sa kwarto nya. Pansamantala daw muna syang iaadmit. Naabutan ko doon ang mama nya. "Tita pasensya na po dahil sa akin na damay po sa gulo si Justin." Napayuko ako sa kahihiyan. Kung makikita nyo ang itsura ni Justin ngayon ay talagang napuruhan sya. May casts din ang kanang braso nya. Bali din ang tatlo ribs. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ok lang, pero hindi mo naman ginusto yun. Proud din ako sa anak ko kasi marunong na syang ipag tanggol pag may naaapi kaso sana hindi nalang sya nakeelam kanina. Paano kung dun na sya pinatay. Hindi ko kakayanin mawalan ng anak." Umiiyak ang mama nya habang sinasabi iyan. Naiintindihan ko naman kung magalit sya sakin. Para makabawe ako nalang ang magbabayad ng ospital bill nya. Saan kaya ako hahagilap ng pera? Lumabas saglit ang mama ni Justin para bumili ng pagkain. Nakayuko lang ako sa kama nya habang umiiyak. Na giguilty kasi ako. Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko. "Tahan na, buhay pa naman ako. Hindi ako pwede mamatay kasi liligawan pa kita magiging tayo pa" "Justin! Kumusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Sorry. Sorry talaga" Pinindot ko ang botton sa gilid ng kama para tumawag ng nurse at doctor. Pinilit nyang iangat ang kaliwang braso nya para punasan ang luha ko. "Wala kang dapat ihingi ng tawad. Kahit makipagpatayan pa ko para maging ligtas ka lang gagawin ko" Kasabay nun ang pagdating ng isang nurse at doctor. Madaming niresetang gamot sakanya at kailangan ng mabili. Ibebenta sana ng mama nya ang ibang gamit nila sa bahay pero inawat ko sya. "Tita hayaan nyo pong gawan ko ng paraan. Aalis lang po ako saglit para dumelehensya ng pera" Nagtungo ako sa bar na pinagtatrabahuhan ko. "Oh Andrea, diba wala kang pasok ngayon. Anong ginagawa mo dito?" "Ma'am dederetsahin ko na po kayo, baka po pwede ako bumale. Kailangan na kailangan lang po.Kahit isang linggo sahod lang po" Pakiusap ko. "oo naman. isa ka sa pinaka masipag kong empleyado. Sandali lang ihahanda ko ang pera" Bumalik ako ng ospital na may dalang pambili ng gamot at pambayad sa iba pang kailangan na laboratory. Ngayon ang problema ko ay ang pang gastos naman namen sa bahay. Hinilot ko ang sintido ko at dial ang number ng bestfriend kong si Diane.. 'Wala akong choice'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD