ANDREA POV
Andito lang ako ngayon sa kwarto tinitignan ang mga lumang photos namen dito sa phone ko. Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula nung nagsayaw ako sa club at hindi na nasundan yun. Simula din ng araw na yun palagi ko nalang sya naiisip. Bigla ay parang nangulila ako sa kanya.
Akala ko ay malapit na ako maka move on. Sinikap kong makalimutan sya pero dahil sa nangyari nung gabing yun ay nag back to zero ako. Sariwa padin sa mga alaala ko yung unang beses kaming nagkita.
flashback 3 years ago
"Congratulations Manuel for being the top student among the entire College of Engineering for this semester" ani ng professor ko. Siguradong matutuwa ang nanay nito.
Dito nga pala ako nag aaral sa isang international school. Siguro ay nagkakapagtaka kung paano ako nakapasok sa ganito kagandang school eh wala naman kaming pera. Well, scholar ako dito.
Break time namen, naghanap ako ng pwesto sa tagong lugar para dito kainin ang baon ko. Hindi ko kasi afford ang pagkain sa cafeteria. Tsaka di hamak mas masarap naman itong luto ni nanay.
"Is that even food? so eeew" panlalait ng classmate ko "So you can't even afford to buy food at the cafeteria? So cheap ah" paksiw na bangus ang ulam ko. Masarap kaya to, arte arte nito.
"Oo hindi ko afford, alam nyo namang scholar ako diba kaya ibig sabihin wala akong pera. Tsaka ano naman kung nagbabaon ako atleast araw araw akong napagluluto ng nanay ko. One thing that your mothers can't do for you, because they are too busy." Sagot ko kay Stacy. Ang leader ng barkada.
"They are busy to provide so that we don't end up like you, a pathetic cheap." Nawalan na ako ng gana, imbis makipag away ay lalayo nalang ako. Ayokong ma apektuhan ang scholarship ko dahil lang pumatol ako sa mga taong walang magawa sa buhay.
Niligpit ko nalang ang baon ko at tumayo na. "Hey don't turn your back on me, i am still talking to you" Ramdam ko ang gigil ni Stacy na nakahawak sa braso ko.
"Look, I don't have time for this. Excuse me"
Hindi nila ako pinaalis ang pilit na inagaw ang baon ko, sabay tapon sa basurahan. I had enough. Tumayo ako at hinarap si Stacy
"See, your parents succeeded to give you a better life but failed to teach you good manners. Kahit gaano kadami ang pera nyo hindi kayo makakabili ng magandang asal. Now tell me why you are picking me up almost everyday. Hindi ba kayo napapagod?"
"You're talking back now huh." Napangisi sya na akala mo ay hindi makapaniwalang sinagot ko sya. Madaming beses ko na sila pinalagpas. Hinawakan nya ang panga ko ng mahigpit, ramdam ko ang mga kukong bumabaon sa pisngi ko "bida bida ka kase. Alam mo bang lagi akong 1st honor not until you come. You take my placement in this school and because of that my parents became disappointed in me. I lost a lot of privilege, they stopped buying me the latest gadgets, they didn't allow me to go abroad and now they cut off my allowance. Alam mo dapat mawala ka sa school na ito dahil kapag nagpatuloy akong 2nd honor lang hindi matutuloy ang mana ko" binitawan nya ang panga ko at sinampal nya ako ng malakas. Para akong nabingi sa lakas ng pagkakasampal nya.
Binugbog naman ako ng iba nyang kasama. Nang magsawa ay hinila ako papasok sa isang cr. Nilublob nila ako sa drum na puno ng tubig Habol ang hininga ko kada iaangat nila ang ulo ko. Matapos nun ay binalibag ako sa sahig. Nilapitan ako ni Stacy at muling hinawakan ang panga ko. "Tignan ko lang kung makasagot kapa ng ganyan sa akin sa susunod." Binitawan nya ako at naglakad sila papalabas ng pinto.
Tinakbo ko pa ang pagitan ko at ng pintuan. Nang buksan ko ito ay naka lock na. "Pakawalan nyo ko dito" sigaw ko at pilit binubuksan ang pinto.
"This is what you get from talking back. Walang kumakalaban sa isang Stacy Monteverde. Goodluck sayo baka dito ka magpalipas na gabi"
.
Nadinig ko ang tawanan nila na papahina ng papahina. Iniwan nila ako ditong mag isa at basang basa. I did nothing wrong but to voice out my thoughts. I've been experiencing bullying from them for almost everyday. Swerte nalang ako pag absent si Stacy kasi mapapahinga ako sa pambubully nila.
Napasalampak nalang ako sa sahig at umiyak ng umiyak.
ilang oras na ang lumipas,wala padin nakakakita saken dito sa comfort room. Wala na din akong lakas para manghingi ng tulong. Kung andito lang sana ang bag ko para ma contact ko si Diane edi sana kanina pa ako nakalabas dito.
Tanging mahihinang katok nalang ang nagagawa ko sa pinto. Nagbabakasali na may mapadaan at madinig ako. Pakiramdam ko ay tatrangkasuhin pa ako dahil unti unti ng natutuyo ang damit na suot ko.
"May tao ba dyan?" Sigaw ng lalaki mula sa labas.
Pinilit kong tumayo kahit nahihirapan ako dahil sa pag bugbog nila sa akin kanina. "T-Tulungan nyo po ako."
"Hello miss? Hang on there I'll call a school maintenance to unlock this door, babalik ako okay?" Narinig ko pa ang mga yabag ng paa nya papalayo. Hindi nagtagal ay may nagbukas ng pinto. At dahil nakasandal ako sa pintuan ay natumba din ako kasabay ng pagbukas nila. Mabuti nalang maagap akong nasalo ng taong tumulong sa akin.
Nakapulupot ang mga braso nya sa katawan ko kaya natitigan kong mabuti ang muka nya. 'ang ganda ng mga mata nya. Ang ilong nya pointed, kissable ang mga lips. Dumako ang tingin ko sa mga kilay nya, makakapal at manly ang dating. Makinis ang balat.In short, gwapo' Ngumiti pa sya kaya lumabas ang perfect set ng ngipin nya.
"Baka matunaw ako miss." Para namang akong napaso sa sinabi nyang yun. Nakakahiya! "Are you alright?" Tumango lang ako habang nakayuko. Hindi ko sya matignan sa mata. "You look pale" inilagay nya ang kamay nya sa noo ko "You're hot" Eh? "I mean you're burning"
Keneleg eke neng esleyt, keshe nemen sebehen ke be nemen neng 'HET' Inalis ko sa malanding isipin ko ito. Hindi ito ang oras para kiligin Andrea.
Kaso binawi nya din naman kaya binawi ko din ang kilig ko kanina. Ininsist nya na kailangan ko daw madala sa clinic kasi hindi daw ako ok. Hindi na ako nakaangal. Binalikan muna namen ang mga gamit ko kung saan kami nagtalo kanina nila Stacy at ng mga kasama nya
Pagkagaling sa clinic ay dumaan kami sa locker ko para makapag palit ako ng damit. Palagi kase ako may spare cloth dito simula nung napapadalas ang pang bubully nila sa akin. Hindi na bago ang nangyari kanina. May pag kakataon pa nga na pati pintura tinapon nila sakin. Nung nag birthday ako binuhusan nila ako ng Harina, baking powder, baking soda, asukal, itlog at cocoa powder para pa cake daw nila sa akin. Mas pinipili ko nalang manahimik at umiwas sa gulo para hindi ma apektuhan ang scholarship ko.
Madilim na nang makalabas kami ng campus. Nagpumulit na din syang ihatid ako sa bahay baka mapano daw ako sa daan, at sakto din daw dahil along the way ang bahay namen sa inuuwian nya. Enebeyen may nalalaman pa syang kung mapano ako sa daan. Shet!
"Gusto mo bang mag dinner?" Niyayaya nya ba ko mag date?
"Naku wag na. Baka inaantay na din ako ng nanay ko" Pero sa totoo nyan wala akong allowance. Nakakatakot pag pumayag ako baka KKB pala kami.
"mmkay, next time nalang" Sabi nya sabay ngiti. Next time? So meaning magkikita pa kami sa susunod? Automatic na napangiti din ako dahil dun.
Mabilis lang kami nakarating sa tapat ng mansion dahil malapit lang naman ito sa school. Oo mansion, ito pa kasi ang naiwan sa amin ng tatay. "S-salamat pala kanina kung hindi mo ko nakita dun baka talagang dun na ako matutulog"
"Who did this to you?" Tukoy nya sa mga pasa sa muka at katawan ko.
"It doesn't matter tsaka malayo naman to sa bituka. Sanay na naman ako kaya walang bago dun hehe."
"They should be punis--" I cutted him off. Ayoko ng gumanti. Titiisin ko nalang siguro hanggang sa makapag graduate ako.
"Okay lang talaga ako" ngitian ko sya ng matamis para maipakitang ayos lang ako "Osge papasok na ako ah maraming salamat ulit." Tumalikod na ako para buksan ang gate pero hindi pa ako nakakahakbang ay hinawakan nya bigla ang kamay ko. Libo libong boltahe ang dumaloy sa buong pagkatao ko. Hindi ko mapangalanan kung ano ba tong nararamdaman ko. 'i felt butterflies in my stomach' parang nag slow motion ang paligid ko at tanging sya lang ang nakikita ko.
Unti unting iginaya nya ang kamay ko sa mga labi nya at-- OMG he kissed my hand. Hindi ko huhugasan to ng isang linggo. "Good night, See you around" then he left.
Ang tagal bago naproseso ng utak ko ang nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko.
dug.. dug.. dug.. dug..
Napakabilis ng t***k nito. Normal pa ba to?
Is this love? I shook my head and got inside the mansion. But wait, anong pangalan nya?
End of flashback
"ate lutang ka na naman, kanina ka pa tinatawag ni nanay. Diba may interview ka sa tinatayong mall dyan?'
"Ohh shocks, anong oras na ba?" Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 7:30am na at 8:30 ang interview. May 30 mins nalang ako para maligo at mag ayos another 30 mins para sa byahe.
Dali dali akong naligo at nag ayos. Hindi na nga ako kumain dahil kakapusin na ako sa oras. Bago lumabas ng bahay ay nakita ko si Cedric na papaalis na din. "Papasok ka na?"
"Opo ate 8:30 po ang first class ko"
"Tara sabay na tayo, Nay aalis na po kami" dinaluhan namen si nanay at nagmano. "Nay ito po ang pera, in case hindi ho ako umabot sa tanghalian bili nalang kayo ng lutong ulam" inabot ko kay nanay ang isangdaang piso. Ayaw pa nga nya ito tanggapin kasi ipambili ko nalang daw ng aalmusalin ko.
Sumakay na kami ni Cedric sa jeep. Puro estudyante ang kasabay namen. Kung sabagay ay malapit lang din dito ang school ni Cedric pati yung international school kung saan ako nag college. Kung saan kami nagkakilala.
Sa tapat ko ay may lalaki at babaeng estudyante. Naglabas ng isang pirasong bulaklak ang lalaki sabay abot sa babae. Kinantyawan naman sila ng mga kasama nilang iba pang estudyante. 'sagutin mo na kasi' sabe ng iba.
Napangiti ako at naalala yung time na nanligaw sya sakin.
Flashback 3 years ago
3 weeks na simula nung nakulong ako sa cr. 3 weeks na din simula nung makilala ko si Raphael. Ayun ang pangalan nung binatang tumulong sakin.
Kinabukasan ng araw na yun ay nakita ko sya sa gate ng school. Sinadya nya daw pumasok ng maaga para abangan ako. Nakalimutan nya daw kasi tanungin ang pangalan ko pati kung saang college ako. Kaya 6am palang ay nandito na sya para sinabayan ang bukas ng gate. So 1 and half syang nag antay kasi 8am ang klase ko at usually dumadating na ako sa school ng 7:30am.
Sa 3 weeks na yun ay naging close kami. Napadalas na din ang hatid sundo nya saken sa mansion. Pina imbistigahan nya din ang bullying na naganap sa pagitan namen ni Stacy at ng barkada nya. Sinuguro nyang hindi na ito mauulit kaya lalong akong naging mainit sa mata ni Stacy dahil may gusto pala sya kay Raphael.
Nung mga sumunod na araw ay nalaman ko din na sa pamilya pala ni Raphael ang school na pinapasukan ko. 'Castellares International School' . Simula ng nalaman ko yun ay dumistansya ako sakanya. Ayoko kasing isipin nya na gagamitin ko ang pagkakaibigan namen para hindi mawala sakin ang scholarship ko. Though minsan ay na mimiss ko sya kase aaminin ko na unti unti ko na syang nagugustuhan. Lumayo ako dahil gusto ko galing sa effort ko ang pagpapanatili ng scholarship ko. May maintaining grade din kasi kami at kapag bumaba kami ay mawawala kami sa list of scholars.
Naglalakad ako sa ngayon sa hallway papunta sa klase ko ng bigla akong harangin nila Stacy. "Where's your knight in shinning armour? Pinagsawaan ka na ba?" Nagtawanan ang mga alipores nya. "Ikaw naman kasi, you were so full of yourself assuming that he will like you or maybe you already gave your viginity to him and now he dump you. Hahahaha" Here we go again.
"Kung gusto mo sya sayo nalang" sagot ko sakanya. Aalis nalang ako kaysa pag umpisahan na naman ito ng gulo.
"Don't you dare turn your back on me" Hinaltak nya ang braso ko paharap sakanya sabay sinampal ako ng malakas. Nagmanhid ang pisngi ko sa sampal nya, nalalasahan ko ang dugo sa gilid ng labi ko. Ramdam ko din ang tinginan ng ibang estudyante sa amin.
"Girls you know what to do" with her signal, sinugod ako ng mga alipores nya. Suntok, sabunot at tadyak ang natanggap ko. May nakahawak sa dalawang kamay ko kaya hindi ko man lang masalagan ang mga atake nila. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko. Napasalampak ako sa sahig sa panghihina pero hindi padin nila ako tinigilan.
"GET YOUR FILTHY HANDS OFF HER AND GET OUT OF MY SCHOOL. NOW" Dimagundong sa buong hallway ang sigaw na iyon. At kahit hindi ko tignan alam ko kung sino iyon.
"Raphy, we didn't mean to hurt her. She started this, she insulted me huhu" maarteng pahayag ni Stacy. Lumapit sya payakap kay Raphael. Tinulak sya ng malakas ng binata. Deserve!
"DON'T MAKE ME REPEAT MYSELF. I SAID GET OUT OF MY SCHOOL. EXPECT THE KICK-OUT NOTICE TO YOUR HOUSES. NOW GO, BEFORE I COULD EVEN FORGET THAT YOU'RE A LADY."
Mabilis pa sa alas kwatro silang nagkulasan. Pati na din ang mga nanonood sa paligid ay umalis na din. Marahil takot kay Raphael. Inilang hakba nya ang pagitan nameng dalawa.
"I'm sorry i didn't come in time. Did they hurt you that bad?" Hindi na ako nakasagot tanging pag iyak ko lang ang madidinig sa lugar. Niyakap nya ako at muling nag salita "hush now. I'll assure you no one can hurt you again"
Kinabukasan
May nakita akong note sa loob ng locker ko.
'Meet me at the rooftop after your class, RJC'
7pm ng matapos ang klase ko. Katulad ng nasa note sa locker ko umakyat ako sa rooftop. Punong puno ng petals ng red roses and white roses ang buong staircase. Bago ko pa man marating ang tuktok ay may nakita akong bouquet of roses na may nakalagay na note. "You're as beautiful as these flowers and I really like you once and floral' napangiti ako sa note. Korni pero sweet.
Sinundan ko pa ang trail ng mga petals. Sa di kalayuan meron naman nakalagay na 'push me' habang may arrow na nakaturo sa button. Pinindot ko ito, nagliwanag ang mga led lights na naka arrange para maging sentence. 'I WAS FEELING A LITTLE OFF TODAY BUT YOU'VE TURN ME ON AGAIN' Ang dame talagang pakulo pero aaminin ko kinikilig ako.
Naka abot ako sa pintuan ng rooftop. Ito na yung open area. Nakita kong may naka set up na mesa, may pagkain na din at wine. Meron din nakasindi na candlelight. May board sa gilid kung saan nakadikit ang ibat-iba kong stolen shots. As usual may pa note pa rin per photo.
Yung isang picture na kung saan ay may binabasa ako. If I'm not mistaken nasa library ako nito, ay may note na. 'I NEVER BELIEVED IN LOVE AT FIRST SIGHT, BUT THAT'S BEFORE I SAW YOU'
Oh itong picture na nakangiti ako habang may kausap. Alam ko si Diane tong kausap ko dahil sya lang naman ang friend ko eh. 'MY LIFE WOULD BE EMPTY WITHOUT YOUR SMILE'
Si gilid ng board my string na kulay pula, it says "pull me' kaya ginawa ko. A banner scrolls down. It has full of design and has a question on it. A question that made my world stop. I can't move, only shock can be seen on my face. I can also feel the tingling in my hand.
I heard the door open behind me. There he is, the man behind all this. He walked slowly towards me with a smile on his face. When he got close, he handed me a bouquet and wiped the tears on my cheeks I didn't even realize I was crying. "Anong kakornihan to?" Pang aasar ko habang naka ngiti sabay hampas sa dibdib nya.
"I'm sorry I can't help it. When I saw you in the CR I knew I felt differently. I told myself that I would protect you at all costs. I am happy whenever I see you on campus, I always feel like my day is full. Even though I don't have class, I come here just to see you. I looked for your schedule so that I know where and when to look for you"
Sandali syang huminto at hinawakan ang kamay ko. "These past few days I know you've been avoiding me and it's killing me. I'm not used to not being with you anymore. That's why I thought of this. It's now or never. I love you Andrea so please say yes"
Hindi na ako nakapag salita dahil sa galak. Tumango ako bilang pagsagot. He kissed my hand and hugged me. I looked at the banner again. 'Will you be my girlfriend?' Did I just say yes? I think I did. I couldn't think properly because of how fast everything happened. The next thing I knew we were kissing. A passionate one. So it's true, We're now officially boyfriend and girlfriend.
"I love you Andeng"
"I love you more"
end of flashback
--
Napapitlag ako sa sunod sunod na pag vibrate ng phone ko. It was Cedric's text message saying 'Ate bumaba na ako ng jeep nakatulala ka kasi habang nakangiti. Ingat ka sa pupuntahan mo at goodluck sana matanggap ka sa trabaho. Wag ka din masyadong lutang ate baka lumagpas ka sa bababaan mo"
Agad kong nilingon ang kinauupuan kanina ng kapatid ko. Tsk tsk hindi ko man lang namalayan na bumaba na sya. Ganun ba kalalim ang pagbabalik tanaw ko?