6 --- NATASHA Nagising ako na wala na sa tabi ko si Sandro, napangiti ako nang makita ang hubad kong katawan at talagang hindi pumayag si Sandro na walang mangyayari samin. Kaya yun todo pigil kong umungol nang malakas dahil katabi lang nang kwarto ko ang kwarto nina Lola at hindi pa soundproof ang kwarto ko. Pumasok ako nang banyo at nag-ayos nang sarili, nagsuot ako nang medyo mauwag na damit at leggings, alas 9 na pala nang umaga. Lumabas ako nang kwarto at hinanap kung nasaan si Sandro, nakarating ako ng kusena at nakita ko si Lola nag huhugas nang pingan. "Ako na po Lola," sabi ko kay Lola nang makalapit ako, tumingin naman siya sakin at ngumiti. "Ako na dito apo, kumain kana lang diyan," sagot ni Lola na tinuro pa ang lamesa na may nakalagay na pagkain. "Ako na lo diyan, iwana

