3
--
SANDRO
Nandito parin ako sa apartment ni Natasha, wala naman sa condo ang anak ko na si Dhana dahil isinama ito nang kaibigan kong gago.
Nakatingin ako kay Natasha na nanunuod nang drama na hindi ko maintindihan k-drama daw ang tawag doon. Tahimik lang siyang nanunuod, kanina pa niya akong hindi pinapansin alam kong nagtatampo siya dahil sa naging asal ko kanina.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, naiinis ako nang bigla nalang niyang itanong ang tungkol sa mommy ni Dhana. Hindi ko parin siguro matangap na iniwan niya kami. Minahal ko ang mommy in dhana o hanggang ngayon nga may konti parin akong nararamdaman sa kanya. Agad kong iniling ang ulo ko. Si Natasha na ang mahal ko siya lang.
"Baby," tumabi ako sa kanya nang upo sa mahabang sopa at inakbayan siya
"Bakit?" Hindi manlang niya ako tinapunan nang tingin, nakakunot ang noo nito at busy parin sa pinapanood na drama. Napakaganda talaga niya. Siya ang pinakamahalagang babae ngayon sa buhay ko pangalawa ang anak ko.
"Titingnan mo nalang ba ako?" Nakataas ang kilay ma tanong niya saken, nakaharap na pala siya saken.
"I love you,” malambing na bulong ko sa kanya.
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Of course baby!"
"Talaga?" yun lang ang sinabi niya humarap na ulit siya sa tv, napakunot naman ang noo ko.
"Baby mahal kita." Hinawakan ko ang baba niya para iharap sakin. Walang emosyon ang mata niya nang tumingin sakin.
"Eh mommy niya Dhana mahal mo pa ba?"
"H-hindi ko na siya mahal, wala na akong nararamdaman sa babaeng nag iwan samin noon." napakuyom ang kamao nang maalala ang nangyari noon. Bigla nalang kaming iniwan ni dhana nang mommy niya at hindi ko alam kong nasan na siya ngayon.
-
NATASHA
Nakita ko sa mukha niya na nasasaktan parin siya, alam ko na may nararamdaman parin siya sa mommy ni Dhana. Napangiti ako nang mapait.
"Hindi mo na nga siya mahal," sarcastic kong sabi sa kanya, Tumayo ako at pinatay na ang TV "gusto ko magpahinga, makakaalis kana" walang gana kong sabi.
"Baby." Hinawakam niya ang kamay ko pero tinabig ko lang iyon at nagpatuloy na papasok sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama, ibinalot ko ang katawan ko hanggang ulo nang kumot. Pinipigilan ko ang maluha dahil masakit isipin na may nararamdaman parin ang mahal mo sa first love niya.
"First love," napaismid ako dahil sa sinabi ko. Narinig ko ang pagbukas nang pinto at paglundo nang kama, hindi na ako nag abala na tingnan ito dahil alam ko naman na si Sandro lang iyon.
Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.
"Baby hindi ko na siya mahal, ikaw ang mahal ko maniwala ka," malambing na bulong niya. Hinila niya ang kumot kay tumagilid ako patalikod sa kanya. Niyakap naman niya ako mula sa likod at hinalikan ang leeg ko.
"Sandro ano ba gusto kong magpahinga," pilit kong inaalis ang ulo niya sa leeg ko, humigpit naman ang yakap niya sa bewang ko.
"Then sleep ahmmm," patuloy parin ito sa paghalik sakin, napairap naman ako sa hangin.
"Pano ako makakatulog kong nire-rape mo ang leeg ko," mataray n sabi ko sa kanya.
"I'm sorry nakakagigil kasi ang leeg mo," tatawa-tawang sabi nito.
"Ahmmp," yun nalang ang nasabi ko, tumigil na rin naman siya sa paghalik sa leeg ko, hinihimas naman nito ngayon ang braso ko. Dahil sa ginawa niyang paghaplos doon ay namimigat ang talukap nang mata ko.
"I love you baby,” mahinang bulong niya saken habang unti-unti tinatangay ako nang antok. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa pisngi ko bago tuluyan na akong nakatalog na may ngiti sa labi.
--
NATASHA
Dalawang lingo na ang nakalipas noong tinanong ko si Sandro tungkol sa Mommy ni dhana na ayaw naman niyang pag usapan, napag isipan ko naman na dapat hindi na inuungkat ang mga ganun bagay. Ako na ang mahal ni Alessandro akin siya at wala na akong pakialam sa Mommy ni dhana.
Nandito kami ngayon ni Sandro sa grocery namimili kami nang mga gamit sa condo namin, sa condo na niya ako nakatira ngayon. Ok lang naman kay dhana at isa pa minsan hindi naman umuuwi doon si Dhana sa bahay na nang fiancée niya.
Binili namin lahat nang kailangan namin, nang matapos naming kuhanin lahat nang nakalista sa papel ay pumila na kami sa counter para mamili. Nang mabayadan namin ay lumabas na din kami sa grocery si Sandro lang ang nag bitbit lahat nang binili namin.
Inilagay ni Sandro ang lahat nang binili namin sa likod nang kotse niya, nakatayo lang ako habang nilalagay niya iyon. Naramdaman ko na parang may nakatingin sa'ken kaya iginala ko ang mata ko. May nahagip ang mata ko na babae na nakatayo sa hindi kalayuan sa tayo namin. Napakunot ang noo ko.
"Baby," napabaling ang tingin ko kay Sandro na nakatingin saken haband nakalagay ang kamay sa likod ko.
"Ok kalang?" Nakakunot ang noong tanong niya saken, tiningnan ko ulit ang babae pero wala na ito "ano ba ang tinitingnan mo baby?" Tiningnan din nito ang lugar na tinitingnan ko.
"Wala para kasing may nakita lang ako" nagkibit balikat nalang ako.
"Ok let's go," nakangiti niyang sabi, inakbayan niya ako, ngumiti ako sa kanya at tumango. Pinagbukasan niya ako nang frontseat pumasok naman agad ako.
"Saan mo gustong kumaen baby?" Tanong niya nang makapasok na siya sa kotse at busy sa paglalagay nang seatbelt.
"Mag take out nalng tayo nang foods sa condo nalang tayo kumaen," sagot ko nalang sa kanya.
"Ok baby," ngumiti siya saken, kinuha ang isa kong kamay at hinalikan bago sinimulan ang pag da-drive. Tumingin ako sa bintana nang kotse niya, naalala ko yung babaeng nakatingin samin kanina. Alam kong kahit malayo siya ay samin talaga siya nakatingin dahil kami lang tao sa parking lot nang oras na iyon. Iniling ko nalang ang ulo ko at winala sa isip ko yung babae siguro nagkakamali lang ako baka hindi naman talaga kami yung tinitingnan.
Humarap ako kay Sandro na busy sa pagmamaneho, napangiti ako ang gwapo talaga nang mahal ko. Lumapit ako nang konti sa kanya, ikinawit ko ang braso ko sa braso niya. Inihilig ko ang ulo ko sa braso niya at pumikit naramdamdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko.