WARNING R-18 -- HELENA Nakahiga kami ngayon ni Jason sa kama at kapwa walang saplot sa katawan, nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya, rinig na rinig ko ang mabilis na pintig ng puso niya at ang mabilis niyang paghinga. Sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko. "Love?" Tumingin ako sa kanya, tumigil naman siya sa pagsuklay ng buhok ko pero nanatili ang kamay sa ulo ko. "Yes. My love?" Nakataas ang kilay niya. Pano ko ba sasabihin na hindi pa ako handa na makilala ang magulang niya. Inihilig ko ulit ang ulo ko sa dibdib niya at umiling. "Love, tungkol ba sa sinabi ko kanina?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Its ok love. Kung hindi ka pa handa na ipakilala kita sa magulang ko. Hindi na kita pipilitin" napatingin ako dahil sa sinabi niya. "Talaga love?" Paninigurado ko sa kanya. T

