Amberleigh Hindi ko akalaing isasama ako ni Levi sa kaniyang out of the country pero isa rin palang trabaho ang kaniyang pupuntahan. Hindi naging maganda ang pagsakay ko ng exclusive plain na piling tao lang ang makakasakay. Hindi naging maganda para sa akin dahil may biyahilo ako na noong pagkabata ko ay hindi ko naman ito naramdaman. Parang iniluwa ko na ang ikalaliman ng sikmura ko pero buti na lang at hindi naapektuhan si baby sa aking tiyan. Natural lang daw ito pero lubos ko namang ikinabahala. Para akong lantang gulay at pinagpawisan pa ng malamig. Parang sobra-sobra ang pakiramdam kong ito kaysa noong nagki-crave ako. Wala tuloy akong lakas para sa pakikipagtunggali. Imbes na masiyahan sa pagsama kay Levi dahil first time kong bumiyahe sa ibang lugar pero heto’t nakahiga lang ako

