Pumunta si Amberleigh sa likuran ng mansyon. May tambayan sa likuran ng mansyon. Doon agad nagtungo si Amberleigh matapos ang saglit na pananakal na ginawa sa kaniya ni Levi. Parang nanghihina ang buong katawan niya nang makarating siya sa likuran ng mansyon na mayroong yari sa inukit na sementong upuan at lamesa. Naupo siya roon na nanghihina ang buong katawan. Para siyang nawalan ng lakas matapos ang paghangos niya dahil sa kaniyang pagtakbo. Hinimas ni Amberleigh saglit ang kaniyang tiyan. Parang nakaramdam siya ng paninigas. Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili. Nasaktan din marahil ang baby. Ramdam ni Amberleigh iyon kahit nasa loob lang ng kaniyang tiyan ang baby. “Talaga bang ginawa niya iyon sa akin? Talaga bang sinasaktan na niya ako maging ang baby namin?” May kaba at

