Naramdaman ni Amberleigh na tila may humahaplos sa kaniyang tiyan. Nababalisa ang kaniyang ulo habang nakapikit pa rin sa pakakatulog. Hanggang sa nagising na lang si Amberleigh na parang makatotohanan ang kaniyang naramdaman.Subalit sa paggising niya’y wala naman siyang ibang nakita kun’di ang katahimikan ng buong silid. Saka niya napagtanto na nakatulog pala siya imbes na puntahan niya si Levi at sabihin dito ang mga nais niya para sa gawing pagbabago sa silid. Nagdesisyon na ring bumangon si Amberleigh at lumabas ng kuwarto. Pansin niyang wala pa rin si Levi sa kuwarto at marahil na nandoon ito sa kaniyang Librarian Office. Pagdating ni Amberleigh sa Librarian Office ni Levi ay marahan niyang hinawakan ang seradura at pinihit iyon pabukas. Nandoon pa nga si Levi sa kaniyang may kalakih

