Hindi na makalikha ng ingay si Amberleigh dahil kahit pag-ungol ay hindi na niya magawa. Mauubusan na nga siya ng hangin sa paraan ng paghalik ni Levi. Tinapik-tapik na niya ito sa likuran nito ngunit hindi man lang natinag hanggang sa ibinuhos na ni Amberleigh ang kaniyang lakas para maitulak si Levi. Nagtagumpay naman si Amberleigh kaya nakakuha agad siya ng hangin na malalanghap para makahinga. "Ang baby..." Napahawak pa si Amberleigh sa kaniyang tiyan. Ang bata agad ang kaniyang naalala. Kung kakapusin siya ng hininga maaaring ganoon din ang bata. Muntikan pa siya dahil sa ginawang iyon ni Levi. Hindi niya malaman kung may galit ba ang paraan ng paghalik nito sa kaniya. At nang maalala ang ginawa niya kay Levi ay saka lang napagtanto ni Amberleigh. Si Levi nga pala, maitulak niya

