"What are you doing here?" Napauntag si Amberleigh sa isang baritonong boses. Malapit lang ang boses na ito kaya nasisiguro niyang nasa likuran niya lang ito. At kilala niya kung kaninong boses ito. Umaatras si Amberleigh na nakatalikod. "Hey? I'm talking to you!" tawag ulit ni Levi kay Amberleigh ngunit hindi humarap si Amberlegh. Patuloy lang si Amberleigh na nakatalikod at nang matiyak nga niyang nakadistansya na siya kay Levi ay kumaripas siya ng takbo palayo rito. "What's happening to her? She acts like a child" napapailing na wika ni Levi sa kaniyang sarili saka lumapit na sa freedge upang kumuha ng malamig na bottled water. Bumalik si Amberleigh sa kuwarto ni Levi at isinara niya ang pinto. Napasandal pa siya sa may pintuan. Maya-maya'y nakikiramdam siya at pagkatapos idiniki

