His Twist to Her

2129 Words

Amberleigh's POV Sumakay kami ng truck. Ito ang sasakyan nila papunta sa napakalaki nilang Farm. At ito ang unang beses na makakapunta ako, hindi lang sa lugar nina Levi kun'di pati na rin sa napakalaki nilang Farm na minsan ko na ngang matunugan na rito pinagkukuhanan ng iba't ibang klase ng prutas. Sa pagkakaalam ko rin na pinagkukuhanan din ito ng sariwang gatas. Supplier din sila ng mga baboy, baka, kambing at may poultry farm. Namangha ako sa mga nalaman ko mula sa Mommy ni Levi. Ikinuwento niya sa akin kung bakit ganoon na lang sila ka-hands on sa malaking farm nila. Kumpleto naman pala ang malaking farm na pinapatakbo nila kaya hindi na nakapagtatakang napakayaman ng pamilya nila. Bagay na dumagdag sa aking kaalaman patungkol kay Levi. Ngunit hindi naman nag-iisa ang Daddy ni Levi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD