CHAPTER 24

1223 Words

Napahiwalay ako kay Kvein nang marinig ang pinto na bumukas. Paglingon ko, si Maru na kakauwi lang galing school. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan naman ni Kvein ang pisngi ko. Napakunot-noo si Maru nang makitang umiyak ako kaya agad niyang sinarado ang pintuan at lumakad papunta sa amin ni Kvein. "May problema ba, Ate? May...may masakit ba sa'yo? Ano na naman ang ginawa ni Benedict?" Mabilis akong umiling nang marinig ko ang takot at galit sa boses niya. Bumuntong-hininga muna ako at hinaplos ang pisngi niya. "Nakwento ko lang kay Kuya Kvein mo yung buhay natin noon." Natigilan naman si Maru sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. "Akala ko tungkol na naman kay Benedict." "Ang aga ata ng uwian mo ah." Pagbabago ko ng usapan at agad naman siyang naupo sa katabing sofa. "May pinatapos lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD