“Atee, di mo naman sinabi na uuwi ka. Edi sana nakaluto ako,” agad kong sinabi at niyakap si Maru. Mas gumwapo itong kapatid ko na 'to ah. “Hindi na, may binili ang Kuya Kvein niyo na makakain natin ngayong tanghalian,” nakangiti kong sagot. Tama naman ang term na ginamit ko; mamaya mag-iinarte na naman kasi ang isa diyan.
Sumilip naman si Maru kay Kvein, binalik ang tingin sa akin, at ngumiti. “Nasa magandang kamay ka, Ate.”
Huh? Bigla akong napakunot-noo sa sinabi ng kapatid ko na 'to. Sinilip ko si Kvein na nakikipagkwentuhan kay Tania. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti, kahit palagi kami nagkakainisan at tanging sa landian lang kami nagkakasundo, masasabi kong komportable akong dinala ko siya dito sa bahay namin. Masaya akong magaan ang loob ng mga kapatid ko sa kanya.
Lalo na’t alam kong nasaktan at nagalit din sila sa nangyari kay Benedict, kaya hindi ko inaasahan na tatanggapin agad nila si Kvein kahit hindi pa nila lubos na kilala.
“Paano mo naman nasabi?” tanong ko kay Maru nang ibinalik ko sa kanya ang tingin ko. “Lalaki ako, Ate. Alam ko kapag gago ang papasok ng bahay.” Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko bago pumunta sa kusina at kumuha ng mga plato para kami ay makakain na.
Napangiti na lang ako at umiling bago sinundan siya sa kusina. “Ako na dito, Ate. Mamaya napapagod na si pamangkin sa kakalakad mo.” Hinampas ko siya sa balikat na ikinatawa niya.
“OA,” tumawa lang siya at tumalikod na sa akin habang kumukuha ng mga kutsara at tinidor. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa gilid.
Napabuntong-hininga ako sa sarap ng pakiramdam. Narinig ko ang mahina niyang tawanan bago niya ako niyakap pabalik. Ang corny man, pero miss na miss ko na talaga sila ni Tania. Sila lang kasi ang lakas na pinagkukuhaan ko, simula noon hanggang ngayon.
Mga ilang minuto kaming nagyakapan, at dahan-dahan siyang bumitaw at tinitigan ako sa mata na seryoso. “Mamaya, mag-usap tayo, Ate.” Ngumiti lang ako at tumango.
Tinawag ko na rin sina Tania at Kvein para kumain. Syempre, bago magsimula, nagdasal muna kami. Sobrang saya namin habang kumakain. Tuwang-tuwa si Tania at Maru sa pagkain dahil ngayon lang daw sila nakakain galing sa isang mamahaling restaurant. Ako naman, nakakakain na kahit paminsan-minsan dahil kay Sir Kez na madalas kaming sinasama sa labas para kumain.
Inabot na kami ng ilang oras sa hapag.
Kasi madalas magdaldalan ang tatlo. Hindi ko nga inaasahan na magkakasundo sila, lalo na si Maru na hindi naman ganun kakilala pa si Kvein. Inaalam ko kung napipilitan lang ba sila o nakikisama, pero hindi, dahil kilalang-kilala ko sila. Alam ko kung totoo ang pinapakita nila at hindi.
Parang ang laki na ng tiwala nila kay Kvein. May respeto, unlike kay Benedict noon. Napipilitan lang sila makisama kahit na pinapakita ni Benedict sa kanila na gusto sila. May mga pagkakataon pa nga na kapag pumupunta si Benedict dito, stay lang sila sa loob ng kwarto nila. Ayaw din naman umalis ni Maru kasi baka may gawin na hindi maganda raw sa akin si Benedict.
"Do you want to sleep?" bulong ni Kvein matapos niyang maghugas ng plato at nakitang nasa gilid niya ako.
"Ikaw ang bisita, dapat hindi ikaw ang naghuhugas." Umirap lang siya sa akin.
"Naah, let me. Besides, my sissy and bradah trust me." Kumindat siya sa akin bago ako inalalayan sa sofa.
"Wow ah, oo nga. Pansin ko parang ang laki na ng tiwala nila sa'yo."
"Maybe because I’m being real about myself and know that I didn’t and won’t do anything wrong. You know, you can feel the vibes, e. Plus, I’m handsome." Sige, pagbigyan.
"Salamat, Kvein," bulong ko.
Tumitig lang siya sa mukha ko at ngumiti bago dahan-dahan akong hinalikan sa noo. Hindi nakaligtas sa akin ang paglakas ng t***k ng puso ko. Eto nanaman tayo. Pero go with the flow lang. Ayoko manguna, ayoko ma-stress. Andito ako para mag-enjoy kasama ang mga kapatid ko.
"I badly want to kiss you right now, but instead of desire, respect is running through my system."
Sinandal niya ang kamay sa likuran ng ulo ko at hinaplos ng maingat ang tiyan ko.
"Paiba-iba ka talaga ng momentum, noh?" Pang-aasar ko na inirapan lang niya.
"Ang dami mong alam, Kiara."