CHAPTER SIXTEEN *** Kendry AYAW ko sanang iwan si Elsa dahil wala pa itong malay pero kailangan ko ng umalis. Grandpa kept on calling me, dumating ako sa isa pa niyang Mansion sa Taguig kong saan siya ngayon. Pagpasok ko kaagad na hinawakan ako ng mga bodyguards niya. "Bitiwan niyo ako!” asik ko sa kanila. “Grandpa?" sabay tingin kay Senyor Condrad. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at dinutdot ang upos na tobacco sa ashtray. "Binigo mo ako Kendry! You are a big dissapoint to me!" hinarap niya ako at malakas na sinampal at muling sinampal sa kabilang pisnge habang pinipigilan ako ng dalawang bodyguards niya. "You saved Elsa and you killed our men for her!" sinikmurahan niya ako kaya napaubo ako. "Tell me where is Elsa now at papalagpasin ko ang ginawa mo." "Hindi ko alam!" sagot ko.

