CHAPTER EIGHT *** Delly TINANGGAL ko ang butterfly mask at ipinasok iyon sa ilalim ng drawer ko. Isa isa ko ding tinanggal ang mga abubot ko sa katawan. Hinubad ko ang damit at nag babad sa bathtub habang may hawak na bote ng wine habang umaalingawngaw ang rock music sa buong kabahayan ko, pumikit ako at sumabay sa pag kanta ng isang rock music. Muling bumalik sa isip ko ang mukha ng Mommy at Daddy ko. Hinanap kaya nila ako? Hindi ba nagtaka ang mga magulang ko kung bakit ako nawala? Nagtagis ang mga bagang ko ng maalala si Sebastian. "I am just getting started Sebastian, humanda ka!" Sebastian: The Dealer "WHO did this to you?!" si Suzane, pinapakalma siya ni Daddy Samuel. "Mom, I don't know okay?" napakagat labi ako ng diinan ng nurse ang sugat ko sa binte. "f**k!" Hinarap niya

