Pumara nalang ako ng taxi sa tabi. Saktong may nakita ako. "manong, sa *bahay* lang po". Tumango lang si kuya na parang hilong hilo. Napakunot ung noo ko kasi para syang lasing. Papikit pikit pa sya na parang nanlalabo ung paningin nya. "kuya.. Ok lang ho kayo?".sambit ko. "oouhh.. ".tugon nito na tunog ng naantok na. Kinabahan naman ako para kasing may hindi magandang mangyayari eh. Ilang sandali pa, natatanaw ko na ung pamilyar na daan papunta saamin. Kaso biglang nagiba ng direksyon ang sasakyan. Nagpagewang gewang ito dahilan upang tamaan ako ng kaba. "kuya! ". Sambit ko dito. Kinalabit ko naman sya pero pagtingin ko kay kuya tulog na ito. Hindi ko na namalayan... Bumangga na kami... ×***************× "ma'am!.... Ma'am gising!... Ma'am!!!" "--- ano ba?! ". Sigaw ko dito (yaya)

