Episode 4: Liar!

1890 Words
"taba, anak". Anu ba yan, sino ba yun. "taba, anak, magseseven na". Napapalakas na yung pagyugyuga ah. Kaya lumingon na ko, ay si mama pala. "bangon na, di ka nagpaalarm kaya ginising na kita". Mahinahon na sabi ni mama sakin. Oo di na ko nagpaalarm, baka kasi mangyari ulit kung sakaling may kissing scene sa panaginip ko, nakakaistorbo kasi ung bwiset na alarm. "mmm...". Tugon ko naman kaya mama at ngumite, pagkatapos ay umalis na sya, narining ko naman yung pagsara ng pinto ko. Napatingin naman ako sa orasan at napagtantong, 5 palang. Manloloko talaga yung si mama ko, magseseven na daw eh 5:09 pa nga lang. Tsk Tsk Tsk... Bumangon na ko at nagunat unat, para magising ng todo kahit di naman epektibo, ng slight, hehe. Good morning myself!!.. Bati ko sa sarili ko, sa utak lang ayaw kong sumigaw, baka mabulabog ung kalangitan-char!. Dumiretso na ko sa banyo at naligo, kuskos dito kuskos dyan. Tas mapaisip naman ako, bakit pati sa panaginip kelangan natutulog din si Mare?.. Yaan mo na nga, pasakit sa utak. Pagkatapos maligo ay bumaba nako at kumain, nanghingi ng baon kay mama, nagpaalam at umalis na. Habang naglalakad, ay parang nasulyapan ko si Rainne na kausap si-teka?, si Marc?. Oo di ako nagkakamali, si Marc kausap nya, malapitan nga. Si Rainne ay kaclassmate ko din, sya si Rainne Beorge, (as in ulan tas borgsh ung pagbigkas). Anlupet diba?. Habang papalapit, mas napapatunayan ko ngang sya si Marc. Lumapit na naman ako sa kanila at napatigil sila sa pag-uusap, "hi sainyo!". Masayang bati ko. Nagtaka naman ako nang parang kinakabahan sila pareho. Nung nangyayari dito. Di ko nalang pinansin kasi malay mo nagulat lang sa pagsulpot ko. "kanina ka pa jan?". Kinakabahang usal ni Marc. Okay?, kinakabahan sya, nangyayari dito, kinukutuban nako. "ay hindi, kaka dating ko lang". Sagot ko na nagpaayos sa kanilang dalawa. Ung parang nakahinga sila ng maluwag? -ganun!. "Ahh... A-ako nga pala si Ra-ainne, nakita mo namang kinausap ko yung boyfriend k-mo, ahh.. Nagtatanong kasi ako kung pano ka kaibiganin, nakakahiya kasi". Halata nga, nahihiyang usal ni Rainne. Inangat ko naman yung kamay ko. "ako si Lizley kung ganun, friends?". Nakangiting sabi ko. Nagulat naman sya na parang di makapaniwala kasi ako na yong nakipagkaibigan sa kanya. Dali dali naman nitong inabot yung kamay ko at nagshakehands. "salamat, I know you know me so... friends". Tugon nito sa tanong ko. Pagkatapos ay niyaya ko na silang dalawa na dumiretso na sa school, at nagsabay na kaming tatlong pumasok. Panay tingin naman nilang dalawa sa isa't isa at may pangiti pa. Okay?, edi sila na nakangiti, ako na hindi. Di ko nalang pinansin ung pagsulyap nila sa isa't isa at nagfocus na lang sa dinadaanan. Malapit na naman na kami, atsaka sa malapit ko lang din sila nakita kaya nakapunta agad kami sa room. Magkatabi kami ni Marc at si Rainne naman ay sa likod ni Marc nakaupo. Masaya ko dahil nagkaroon na ko ng kaibigan, sana di kami magkaaway katulad ng nangyari saming dalawa ni Jiazmine. Sa totoo lang gusto ko nang makilag bati kay Jiazmine kaso bawat lapit ko, pinipilit nyang maghanap ng away. Nakita ko namang pumasok na si Jiazmine sa loob, pero bago yun, napatigil sya sa paglalakad at napatingin sakin habang dahan dahang lumilingon sa likod ni Marc kaya napalingon ako. Nakita kong nakangisi si Rainne habang si Jiazmine ay napataray. Napaupo nalang si Jiazmine at tumahimik na lang, saktong pagdating naman ni ma'am. Habang nagdidiscuss si ma'am, "Jiazmin!". Nagulat ako ng tinawag sya ni ma'am, napalingon naman ako dito. "Kanina pa kita tinatawag!, stand up then answer what's on the board!". Naiinis na maypagkagalit na sigaw dito ni ma'am kay Jiazmine. "ye-yees ma'am". Napatayo naman agad si Jiazmine at lumapit na sa board at sinagutan ang kung anong nakasulat sa doon. Parqng natutulala ngayon si Jiazmine, ano kayang meron dito?. Pagkatapos ng pangyayari ay naupo na ito at nagdiscuss ulit si ma'am. Pinipilit parin nyang umatos kahit halata naman na lutang sya. *Kringgg!!! * Tumunog naman na ang bell, hudyat na recess na. Buti na lang wala nang assingment, nakakahilo magisip!. Agad naman akong tumayo at nilabas ang baunan ko. Ang inaasahan ko ay magisa na naman akong pupunta sa canteen, kaso nagkamali ako. "Liz!, wait me, sasabay kami ni Marc". Sabi ni Rainne at tukbo papunta sakin, napatingin naman ako kay Marc nung humawak sya sa kamay ko. Si Rainne naman ay kumapit sa braso ko, pagkatapos ay dumiretso na kami sa canteen. Pagkarating ay pumila naman na ako sa bilihan ng ulam habang silang dalawa pumila sa mga sealed foods. Pag tapos na daw akong bumili, hintayin ko na lang daw silang dalawa sa dulong pwesto ng canteen. Dahil tapos na kong bumili, hinanap ko na yung tinuro saakin ni Rainne at nakita ko naman ito habang kinakawayan ako. Saktong lalapit na sana ako nang biglang hilain ako ni Jiazmine at dalhin sa isang di gaanong matao na lugar habamg dala dala parin ang baon ko. Grabe!, muntikan na matapon buti nalang naalalayan ko, grabe naman kasi to makahatak!. "Hey!, ano bang problema mo, hah?!", singhal ko dito, nakita ko naman na bakas sa mukha nitong natatakot sya. Pero saan?. Huminga muna sya ng malalim at sinimulang magsalita. "okay, nakikiusap na ko sayo-please lang, makipag break ka na kay Marc at wag kang makikipagkaibigan kay Rainne. Niloloko ka nilang dalawa!." natatakot na sabi nya na para bang dati lang, ung magkaibigan pa kami. Hindi naman muna ko nagsalita at pinaglatuloy ang kasunod na sasabihin."Liz, kahit ngayon lang. Sa totoo lang ngayon ko lang narealize na napakasama ko sayo, pero gusto kong makipagkaibigan sayo ulit". Nakita ko naman sa mukha nya ang pagiging sinsero upang maging dahilan ng pagngiti ko kaso bumalik agad sa pagkawala ng emosyon. "alam mo Jiazmine, ikaw lang yung hinihintay ko na magbati tayo, kaya thank you. We are now friends". Malumanay na tugon ko at napayakap naman ito saakin. Ako nafin ang unang humiwalay. "pero sana wag mo namang gawan ng kwento sila Marc at Rainne, mabait sila sakin". Medyo na nahihimigang nadidismaya. "hindi kita niloloko Liz, pero kung ayan yung nasa isip mo ngayon, ayos lang. Basta wag mong kakalimutan na nandito na ulit ang kaibigan mo na binalaan ka at susuportahan ka". Sinsero at masayang sabi nito saakin kaya naman napayakap ako ulit sa kanya. Namiss ko sya, namiss ko ang only bestfriend ko. "thank you Jiaz, pero mas mabuti ata kung ipakilala kita sa bago kong kaibigan at magiging bago mo ding Kaibigan." masayang bagkasabi ko, napangiti na din naman sya, medto pilit pero okay nadin yun, at hinila na sya. Di naman mapawi ang ngiti ko sa labi dahil sa nakikita ko ngayon. Bati na kami at di ko hahayang mag away ulit kami. Pagkabalik sa canteen ay napansin kong nandoon pa din sila, nagtatawanan. Nakakingit naman, sana lahat. Kaya agad na akong lumapit sa kanila. Nakita ko namang napatigil silang dalawa sa pagtawa at napatingin sa harapan, sa aming dalawa. Nagtaka naman ang mukha ni Rainne sa nakikita. "ba-bakit magkasama kayo?". Napapangiwing kinakabahan na ewan na usal nito. Napangit naman ako ng masigla at hinayaan ang nakakapagtakang reaction ni Rainne. "Alam ko magkakilala na kayo pero, Rainne meet my old friend. Jiazmine Dhei". Napatawa naman ako sa naging emosyon ng dalawa. Anong nagyahari sakanila, kung magulat parang nakakita ng magkaibigang pinaghiwalay nila tas nagkabalikan, haha!. "Jiaz, meet my new friend but also Marc's friend. Rainne Beorge". Pagpapatuloy ko ng nakangiti. I feel tension to them, haha, never mind. Kung magtinginan naman kasi tong si Rainne at Jiaz parang sa simula palang di na magkakasundo, pero pipilitin kong pagkasunduin sila. "ehem!, upo na kayong dalawa, Liz and, ..... Jiazmine." pambasag tension ni Marc sa dalawa. So ayun, naupo na kami ni Jiaz at nagumpisa na kong kumain. Oo, asin ako lang. Habang sila busy sa pagtititigan ng masama, maliban kay Marc na tulala. Pinitik ko naman ito sa noo kaya napatingin sya saakin." haha!, kung ano na naman yang iniisip mo, kainin mo na yang natitira sa pagkain mo baka mamaya nagbell na di mo parin yan natatapos, sayang". Sabi ko habang natatawa, sila ni Jiaz at Rainne na nagtititigan ay napabaling samin kaya tinuon na nalang nilang dalawa agad ung atention nila sa kinakain nung napatingin ako sakanila. "opo, napakabait kong girlfriend". Nangingiting sabi ni Marc sakin sabay galaw nya ng buhok ko. At tinuon na nya yung sarili sa kinakain kaya tinapos ko na din yung akin. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kaming lahat sa room. Napapangiti ako kasi masaya kong nagbati na kami ni Jiaz, sabi ko na di ako matitiis nun eh. Buti nababa na nya uung pride nya, haha. Saktong pagpasok namin ay sya ding pagpasok ni ma'am at nagturo. After a minute... *Kringgg!! * Woohh!, sa wakas!, uwian na. Inayos ko na ang gamit ko. Buti naman at ihahatid na ko ni Marc sa paguwi. Naglakad lang kami kasi malapit lang naman ang bahay ko. Di naata busy,haha!. Habang naglalakad kami, may pumasok na tanong sa isipan ko. "ah.. Marc, paano nga pala kayo nagkakilala ni Rainne". "magkapit bahay kami". Simpleng sagot nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ahh... kaya pala nakita ko silang magkasabay minsan, kala ko king ano na. "eh?!, buti pa kayo". "mmm... Matagal na kaming magkapitbahay, at magkaibigan. Minsan pumupunta ko sa bahay ni Rainne kasi ginagamit ako ni mama na ipadala ung luto nya sa mama ni Rainne, which is pinsan ni mama. Bale pinsan ko si Rainne at tita ko ang mommy nya". Mahaba nyang paliwanag. " Kaya naman pala." Kaya naman pala sila close masyado ay dahil magpinsan sila, now i know. Haha, new info about two of them. "oh, andito na pala tayo". Sabi ni Marc. Napatingin naman ako at namalayang nandito na pala kami sa bahay ko, hehe. "ahh.. Gusto mo ba munang pumasok?". Pagyaya ko baka kasi malay mo nauuhaw sya diba?, paiinumin lang naman. "ahh wag na may pupuntahan pa kasi ako eh". Mabilis na sabi nya habang winawagayway ung dalawang kamay malapit sa mukha. "ahh, sige bye". Nakangiting paalam ko at tatalikod na sana ng bigla sya nagpahabo ng salita. "ah... Liz..." "mm?" "nasabi mo na ba sa mama mong meron ka nang boyfriend?". Medyo nagiingat at madahan na sabi nya. "hindi pa naman, baka kasi di pa tamang oras-bakit?, gusto mo ba sabihin ko?, ah sige halika papakilala kita". Kinakabahang sabi ko, habang maglalakad na sana papasok at hihilain sya. Baka kasi malay mo gusto na nya palang ipakilala ko sya yung legal ba. "ah, wag!" Nagugulat na sigaw nya sabay hila pabalik. Ang gulo neto, kinakabahan na ko eh, baka talaga magalit sya kasi di ko pa nasasabi. "este-okay lang ano ka ba. Mas maganda nga kung di pa alam ng mama mo , hintay pa muna tayo ng mga isang bwan, hehe". Isang bwan?!, haha grabe naman to magbiro, isang bwan talaga?. "kala ko kung ano na, pinapakaba mo ko. Oh sige pasok na ko. Bye!!". Sabi ko na naglalakad na papasok habang kumakaway. Ngumiti naman sya sakin at umalis na. Pagsara ng pinto ay umakyat na ko ng taas at hinanap si mama para magbless at dumiretso na sa kwarto ko. Matutulog na lang ako, tutal wala namng assingment na binigay si ma'am. Mahaba haba tong tulog ko, weeeeeiii!!!!. .................... Zzzzzzzzz zzzz.....................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD