Alexa “HUWAG mo kasi sila masyadong isipin para hindi ka masaktan." Nangunot ang noo ko at tumingin kay Howard. Diretso ang tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho ng seryoso. Hindi ko tuloy alam kung sa akin ba siya nakikipag-usap o kinakausap niya lang ang sarili niya. Nagkibit balikat nalang ako. Tumingin ulit ako sa harapan ng sasakyan at nahagip ng mata ko ang sterio. Binuksan ko iyon at naghanap ng magandang music kahit hindi nagpapaalam sa kanya. Hindi naman siguro siya magagalit. Pinindot ko ang search button hanggang sa pumailanlang ang isang malamyos na boses ni Nina nang tumigil sa isang fm station. Jealous ang pamagat ng kanta. Jealous of the one whose arms are around you. If she's keeping you satisfied. . . Araray ko naman. Natotorete ako. Bwisit kasi 'tong kantang 'to

