Chapter 2

1696 Words
Mula ng araw na naging magkasintahan kami ni Drew ay walang nagbago sa mga pinakita niya sa akin. May mga nagiging problema man kami at di pagkakaunawaan minsan ay napag uusapan namin at naisasaayos. Malambing at masiyahing nobyo si Drew sa akin kaya naman labis akong natutuwa dahil napatunayan kong ang lahat ng lalaki ay mag kakaiba . Nabigo man ako sa una kong pag ibig ay heto at narito ang taong bumuong muli sa nasira kong puso. Wala pang isang buwan mula ng kami ay naging mag on ay nitegaluhan siya ng kanyang Lola ng sasakyan . Nakilala ko na ang buong pamilya ni Drew at ganoon din naman siya sa pamilya ko. Kung tutuusin wala na kaming mahihiling pa dahil napa kumpleto na ng pagsasama naming dalawa. Walang nagbago mas lalo lang naming minamahal ang isat isa sa bawat araw na lumilipas. At heto ilang araw na lamang at mag diriwang na kami ng aming unang anibersaryo. Kasalukuyan Naka upo ako sa passenger seat ng sasakyan ni Drew. Bumaba ito sandali at may kinausap sa talyer ng kaibigan nitong si David. Maya maya pa ay bumalik na ito . Pagkasara nito ng pinto ay agad niyang pinaandar ang makina. "babe saan tayo?" sabi nito habang nagmamaneho ngunit inabot ang kamay ko at hinalikan ito. napangiti naman ako sa gawi niyang iyon . Ganito talaga siya sa akin kahit nasaan man kaming lugar . Minsan pa nga ay bigla nalang akong ninanakawan ng halik nito sa labi tapos ay bigla akong kikindatan na parang walang nangyari. Napapailing nalsng ako sa sobrang kilig. Nakita niya ang pag iling ko habang nakangiti. "bakit nakangiti ka?" nakangiti ring sabi nito. "wala ang swerte ko kase sayo" pinisil ko ang pisngi niya. "ako ang swerte sayo,babe, sa dami ng lalaking nagkakandarapa sayo ako pa ang napili mo" hinalikan niya ng paulit ulit ang kamay ko "iloveyou Mari" buong pagmamahal na sabi nito. "iloveyou too babe" hinalikan ko siya sa pisngi ng mabilis dahil nag mamaneho ito. ----------- Napagkasunduan namin ng nagdaang araw na magpapahinga muna kami sa kaka gala at kaka stroll dahil kailangan na rin niyang mag rehearse ng mga bagong kanta sa kanilang upgraded band na tinawag na nilang watawat live crew. Ang bagong pangunahing theme kasi nila sa banda ay Variety. Halo halong singers at tempo ng kanta kaya naman may sarili silabg DJ at mixing equipment. Magaling silang lahat sa banda . Si Ace ang DJ at Host nila , si Drew sa mga ballad at RNB musics at si Ate shiela sa mga Opm at mga pang birit na kanta , si David na drummer nila at si Raniel na guitarist nila . Hindi kopa nababanggit kay Drew pero naghahanap na rin ako ng bagong trabaho dahil nangnganib na magsara ang pinagtatrabahuhan ko. Halos lahat kasi sa mga bar ay nag iiba na ng tema , wala namang kaso sakin ang ganoon dahil waitress cashier naman ako kaya lang ay mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Nong isang gabi ay nakausap ko ang baklang manager ng ate ko noon sa modeling agency nito . Kinukuha ako nito bilang model nila . Malaki ang sahod at masasagot nitong lahat ang mga gastusin namin sa bahay . Kaya lang ay hindi ko pa nakakausap si Drew tungkol don. Katatapos ko lang maligo . Napagpasyahan kong huwag na munang pumasok ngayon at pupuntahan ko sila Drew sa studio nila. Nagbihis lamang ako ng isang simpleng sabrina style na blouse at pantalon saka nag flat shoes. Tinatawagan ko si Drew habang papunta ako doon ngunit di ito sumasagot . Iniisip ko na baka nag pa practice sila . Pagdating ko doon ay naroon silang lahat maliban kay Drew. Binati nila kong lahat at ganoon din naman ang ginawa ko. "Nasan pala si Drew?" nakangiting tanong ko. sa halip na sumagot sila ay natahimik sila at nagkatinginan. Kinabahan naman ako . Pero ayokong isipin nila na nag aaway kami kaya iniba ko ang topic. "anong bago niyong kanta?" "wala pa nga eh, nag iisip pa kami" si Raniel ang sumagot. Nahahalata kong may kakaiba sa mga ito .konektado kaya kung bakit wala si Drew?di naman cguro baka nag ooverthink lang ako. "pwede bang makikanta " natatawang sabi ko kahit na kinakabahan ako . "marunong kaba!" sabi ni ace na nang aasar "oo naman noh! cge David alam niyo ba yung tadhana by up dharma?" "oo " natatawa man ay sinimulan nila ang intro ng kanta. Ako naman ay pumuwesto sa tabi ng high chair ni Ate shiela .Ngumiti lamang ito at inalalayan ako. sa hindi inaasahang , pagtatagpo ng mga mundo.. may minsan lang na nagdugtong damang dama na ang ugong nito.. di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas sayo ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pagsinta ... Bat dipa patulan ang pagsuyong nagkulang tayo umaasa hilagat kanluran ikaw ang kanlungan at di lang kanlungan mo naririto ako nakikinig sayo .. oooh oh ooh oh oh oh oh ... "Ang ganda ng boses pre !" sabi ni Raniel ngumiti lamang naman ako bilang tugon "uy seryoso nga girl ganda ng boses mo " " may tinatago ka palang talent Mari ah, antagal na nating magkakasama di mo cnasabi " " may stage fright kasi ako, dati kase pumiyok ako sa contest eh " nag aalangang sabi ko " ay ganun , ako din nmn dati piyukin ako haha " sabi ni ate shiela. "bat kaya di nalang ikaw kunin namin na singer para sa accoustic?" sabi ni David. "ha ako? di ako magaling eeh" nag aalangan sabi ko. " oo nga tutal magsasara na rin naman bar nio ehh diba , ikaw din mahirap maghanap ng trabaho ngayun . kesa sasama kapa sa cebu don sa modeling agency ng kakilala niyo" mahabang sabi ni Ace. halatang nagulat ang lahat sa revelation na iyon . "ano yon? mag tatrabaho ka sa cebu? kelan pa bat wala kang nababanggit sa akin?" halos mapatalon ako sa boses na iyon ni Drew. Halatang iritado ito. Nakakatakot ang aura niya ngayon parang galit na galit ito sa narinig. Kinakabahan man ay lumapit pa rin ako. Hahalikan ko sana siya bilang pagbati ngunit umiwas agad ito . " Bro kayo muna mag practice lalabas lang kami saglit .." giit nito at hinawakan na ang kamay ko palabas ng studio. Huminto kami sa isang saradong establishment at walang mga taong dumadaan malapit sa sasakyan niya. " Mari ano yon? mas nauna pa nila malaman lahat ng plano mo kesa sakin?" kalmadong sabi nito. "babe, im sorry .. nasabi ko lang naman kay Ace pero pinag iisipan ko pa naman ayoko kasing mawalan ng trabaho, alam mo namang breadwinner ako , " napayuko ako . Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "babe, hindi ka mag isa, nandito ako, karamay moko . hindi kita pababayaang mag isa okay?" kumalas ito sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawang pisngi ko at matamang tinitigan ako sa mga mata. Hinalikan niya ako sa labi . Sa una ay mababaw lang ang halik niya ngunit habang tumatagal ay nagiging malalim ito . At ramdam ko na ang pag iinit sa pagitan naming dalawa . Huminto siya at humingi ng paumanhin. Ilang minutong katahimikan at binasag ko iyon. "san ka pala galing kanina pa kase ko tumatawag sayo ay nag tetext dika sumasagot" tumingin siya sa akin . Nababasa ko sa mga mata niya na may ayaw siyang sabihin sa akin. " wala nag stroll lang " parang bigla itong na tensed . Niyaya na niya ako sa loob . Kahit nag tataka ako sa mga ikinikilos niya ay hinahayaan ko lang. Pagkatapos ng practice nila ay inihatid na niya ako at nag mamadali pa itong umalis . Nakasimangot akong umuwi. nakalimutan niya ang kiss ko ! ---------- Ng mga sumunod na araw ay puro sa text nalang kami nakakapag usap ni Drew . Sinasabi niyang busy siya at maraming ginagawa kesyo may practice sila pero pag tinatanong ko naman si Ace at iba niyang ka banda ay sinasabi nilang wala daw. Ilang araw ng ganito. Nakakainis na. Hindi na nakakatuwa. Kaya naman nag paka busy rin ako sa trabaho ini off ko ang cellphone ko at binubuksan ko lamang kapag pauwi na ako. Subalit nagpatuloy yung ganoong set up. Goodmorning Iloveyou, goodnight iloveyou yun lang ang mga text messages na natatanggap ko mula kay Drew . wala na akong maisip na dahilan para ayawan na niya ko, maliban nalang kung may iba na siyang babbae! nasa ganoong pag iisip ako ng biglang tumawag sakin ang isa sa mga kasamahan ko sa trabaho. "uy jenna napatawag ka?" " Mari? diba boyfriend mo yong Singer sa watawat ? yung Drew?" "oh bakit? " kinakabahan ako. " nakita ko kasi siya sa may Plaza hotel ,kasi nag check in kami doon ng afam kong jowa , dinig na dinig ko sabi niya sa receptionist grand suites siya pupunta... " salamat sa info jenna" yun lang ang nasabi ko at nagpaalam na sa kausap. Grand suites? sa hotel plaza? mahal don ah. ayokong mag isip ng di maganda pero kinukutuban ako ng masama . Dahil hindi naman ganito si Drew dati. Lalo pang umigting ang mga pag dududa ko ng puntahan ko siya sa bahay nila . nakita ko siya na bumaba ng sasakyan na may dalang mga gamit na pang dekorasyon ,mga lobo at mga bulaklak ngunit sa hotel plaza nga ito nagtungo. hindi na ako sumubok na mag tanong o sumugod pa. Dahil kitang kita ko ng salubungin siya ng isang magandang babae sa lobby . Agad akong umalis . Dala ng galit ko ay hindi ako pumasoksa trabaho . bumili ako ng alak at nagkulong na lamang sa kwarto. umiyak ako ng umiyak habang tinutunngga ang tequila na binili ko. kinulang ata ako kaya nag hanap ng iba. diko kasi pinagbibigyan . "gago ka , hinihintay ko lang naman anniversary natin bago kita pagbigyan eh ,antanga mo jan kana sa babae mong chakadal!" gigil na sabi ko Nakatulog ako sa kalasingan. Nagising nalang ako na binibihisan ako ni Drew. Natampal ko pa ito . Pero dahil sa kalasingan ko ay nakatulig ako ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD