CHAPTER 1

1031 Words
Pagkauwi ng bahay ay agad ni Fely tinignan ang resulta ng kaniyang exam na agad namang ipinost ng kanilang paaralan. Abot hanggang langit ang ngiti ni Fely ng malamang nakapasa siya sa pagsusulit ngunit magkakaroon ulit ng pangalawang exam o aptitude test. Hindi nag atubili si Fely at agad na kumuha ng libro at nag study. Gustong-gusto ni Fely na makapasa dahil nais talaga niyang maging isang doctor. Ito lamang ang kaniyang nais upang makatulong sa kaniyang pamilya. Si Fely ay nasa isang solo parent family. Lima silang magkakapatid, dalawang babae at tatlong lalaki, at pangalawa si Fely. Ngunit, kahit na sila ay isang solo parent family ay hindi ito naging hadlang upang maging mabuti silang estudyante. Lahat sila na magkakapatid ay palaging napapabilang sa honor list. Hating gabi na ng matulog si Fely dahil kakatapos niya palang mag review para sa exam na kaniyang kukunin kinabukasan. Alam ko na masyadong mahirap ang test kagaya sa una, ngunit kakayanin ko ito... Kinabukasan ay maagang dumating si Fely sa paaralam. Agad siyang nag tungo sa room kung saan siya kukuha ng exam. Kinuha niya ang kaniyang headset at agad na nakinig ng mga kantang makakapagtulong sa kaniyang kumalma. Habang siya ay nakikinig, nag sipasok narin ang mga kasamahan niyang kukuha din ng exam. Teka, siya ba yong muntikan na naming masagasaan kahapon ni Mama. Hmmm... nakakaamo ang kaniyang mukha. Pero pambihira ha, ang ganda ng kaniyang porma. Masyadong nagbibigay pogi at mabango. Hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha dahil kinakailangan parin naming magsuot ng face mask kahit na tapos na ang pandemic upang masigurado na wala na talagang mahahawaan. Pero, ano kaya ang kaniyang pangalan? Siguro kikilalanin ko siya kapag makikita ko siya ulit bukas... Bukas kaagad lalabas ang resulta ng exam nila Fely, kung kaya ay agad nilang malalaman kung pasado sila sa strand na STEM. Natapos ang pagsusulit at agad namang umuwi si Fely. Buang maghapon siyang hindi mapakali ngunit mabilis naman siyang dinalaw ng antok at agad na itong natulog. Kinaumagahan ay gumising siyang may magandang tulog. Agad siyang naghanda upang kumain ng pang umagahan kasama ang kaniyang pamilya. "Andiyan na ang resulta!" sabi ng kaniyang nakakatandang kapatid na babae. "Totoo, wait...tignan ko." agad namang kinuha ni Fely ang kaniyang cellphone at tinignan ang f*******: page ng kanilang paaralan. Napasigaw si Fely sa tuwa ng malamang nakapasa ito. Kinabukasan ay agad siyang pumunta sa paaralan kasama ang kaniyang mga kaibigan upang magpa enroll sa paaralan. Tuwang-tuwa ito dahil sa wakas at totoong magiging isa STEM student na siya. Pumasok siya sa silid upang mag attend ng orientation na para lamang sa lahat nga mga STEM. Doon ay naupo siya sa upuan malapit sa bintana kung saan ay makikita nito ang mga nag dadaanan sa hallway. Laking gulat naman niya noong nakita niya ulit ang lalaki na muntik na nilang masagasaan noong ilang araw. Bakit nandito naman siya? sign mo naba ito Lord na dapat kunang kunin ang pangalan niya sa sss? pero okay, siguro masyado kung na manifest ito kaya sigeh lang. Pumasok ang kanilang gurong lalaki upang simulan ang kanilang orientation. Doon ay ipinakilala ng kanilang guro ang mga subjects na kanilang tatahakin at ang mga dapat nilang gawin bilang isang estudyante na napabilang sa STEM na strand. Pagkatapos nito ay nag attendance check nadin ang kanilang guro upang malaman kung sino ang wala at nandiyan. Tekaaa, pagkakataon ko na ito upang malaman ang pangalan niya. Mainam na pinakinggan ni Fely isa-isa ang mga pangalang itinawag at saka tinignan ang mga nagtataasang kamay nila noong tinawag ang kanilang mga pangalan. Kaya noong matawag na ang pangalan ng lalaking kaniyang ninanais na makilala ay agad siyang napatili. "Jay Robles" ang kaniyang pangalan? masyado namang napakapogi... Hindi ni Fely mapigilang maitago ang kilig kaya napahampas ito sa kaniyang kaibigang si Zen. "Aray, ano ba?" sabay hampas pabalik ni Zen kay Fely. "Sa tingin ko ay mayroon na akong magiging crush", bulong ni Fely kay Zen. "Ha??? Asan jan at para matignan ko kung sino naman itong napaka swerteng tao" tugon ni Zen. "Heuy, ano kabaa! Masyado namang malakas ang pagkasabi mo. Mamaya na, tuturo ko." Buong magdamag na nakangiti si Fely habang pinapantansiya ang iba't-ibang eksenang nais niyang mapagdaan kasama ang kaniyang bagong natipuhang si Jay. Pero, bakit ngaba ako nagkaganito? Fely, mag focus ka nga... dapat iniisip mo kung paano mo masurvive itong senior high school. Pero, wala naman sigurong masama kapag nag karoon ng crush diba? Ahhhh, bakit kuba ginagawan ng rasong mahulog ang sarili ko. "Fely Vergara?" "Present po, sir." Biglang natigil ang pag-iisip ni Fely ng tawagin ang kaniyang pangalan sa attendance. Tama, dapat mag focus lang ako sa aking pag-aaral at saka na itong pag-ibig. Agad na tumayo si Fely kasama ang kaniyang mga kaibigan upang pumunta sa enrollment area upang magpa enroll. Nang matapos ito ay nagmamadaling nagtungo si Fely sa cr dahil naiihi na ito kanina pa. Mabilis ang kaniyang takbo ng bigla siyang mabangga. "Aray ko po!" nakatukod ang kaniyang tuhod sa sahig dahil sa pagkabangga. Agad naman niyang pinunasan ang kaniyang maong na pantalon ng biglang tinulungan siya sa pagtayo. "Okay kalang ba? pasensya na." sabi ng lalaking nakabangga sa kaniya. Masunggit na binigyan ng pagtingin ni Fely ang lalaki at agad naman itong lumakad nalang dahil imbes na magalit pa ay ayaw niya na mapahiya kapag tumulo pa ang kaniyang ihi sa pantalon. Pagkalabas niya ng CR ay mabilis niyang hinanap ang kaniyang mga kaibigang kanina pa naghihintay sa kaniya. "Uy, kanina kapa namin hinihintay. Asan naba itong lalaking kanina pa ni Zen sinasabi sa amin." agad namang tumawa si Zen dahil alam niyang magagalit si Fely na ipinagsabi nito sa iba ang kaniyang lihim. "Ano ba kayo, wala yon. Nakuha niya lang ang atensyon ko. Masyado kasing malinis ang kaniyang pagkabihis at siguro ang kaniyang mga mata?" "Mga mata, HAHAHA" tawa ng kaniyang mga kaibigan at sabay ang pangungulit. Pagkauwi sa kanilang bahay ay agad naman niyang hinanap ang sss account ng lalaking nakakuha ng kaniyang atensyon. Hmm... mukhang introvert siya. Teka, ba't ang pogi niya dito sa graduation picture niya. At saka Valedictorian din siya sa kaniyang paaralan noon? Mukhang magiging academic rivals to lovers ito ha...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD