Third PERSON'S Pov Napatingin si Dhrevey sa labas nang kotse ng huminto ito. Hindi maiwasang mamangha dahil ngayon lang siya nakapunta dito. Acapella Organization. Malayo ito sa siyudad at sa isang tunnel lang sila dumaan kanina. Nakasakay siya sa isang kotse kasama si Alleah. Samantalang nasa kabilang kotse naman nakasakay sina Shearra,Alena at Herlette. Kasunod naman nito ang kotse kung saan nakasakay sila Gailla at Audrey. Ngayong araw,ipapakilala ni Sherra si Dhrevey bilang bagong leader ng Acapella. Nakaabang na rin sa kanila ang lahat ng kaalyansa nito. Matagal nang pinaalam ni Shearra ang plano niya sa mga ito at nais na rin ng mga ito na makilala si Dhrevey. Bukod sa iba na kilala si Dhrevey. Alam ng ilan sa mga ito kung ano si Dhrevey. Minsan na rin nakita ng mga ito ang husa

