SCARLETTE POV Nanatili akong nakatingin sa kanya habang nakatingin din siya sa akin. Nakita ko kung paano siya ngumiti sa akin at dahan-dahang naglakad patungo sa akin. Hindi ako naka-react nang hawakan niya ang pisngi ko. Nakita ko rin ang namumuong luha sa mga mata niya. Bago ito bumagsak. "Sheanna," sambit niya at niyakap ako. Mahigpit niya akong niyakap. Doon ko lang naigalaw ang kamay ko at dahan-dahan rin siyang niyakap. "S-Shearra," sambit ko at bumagsak din ang luha ko saka ako napapikit. "Kay tagal ko nang gustong magpakilala saiyo. Matagal ko nang gustong makasama ka. But then I need to hide my self and you need to disguise as another person not a Sheanna Montemayor. I've been waiting for this moment Scarlette." Humiwalay kami sa isa't isa. Nakangiti s'yang nakatingin sa ak

