**DHREVEY POV** PAGkalabas namin,nakita naming nagkakagulo ang lahat dahil sa mapangahas na pumasok sa territoryo ng assassin. Bumaling ako kay Audrey. "Dalhin mo sila sa Villa mo Audrey,susunod ako doon.Wag n'yong subukang tumakas sa akin dahil marami kayong ipapaliwanag sa akin.."seryoso kong sabi at iniwan sila. Lumapit ako sa mga nakakagulo malapit sa gate.Nilabas ko ang baril ko at nagpaputok.Napatigil ang mga ito sa pagpapalitan ng atake at napatingin sa akin.Tiningnan ko ang mga reapers at ilang underlings ng L.K.Maging ang L.K councils. Naglakad ako papunta sa gitna. "Ang lakas ng loob n'yong pumasok sa territoryo ng assassin.Sa tingin n'yo ba makakalabas kayo dito ng buhay?"Seryoso kong sabi. "Ahahahahahaha..." Napatingin ako sa babaeng biglang tumawa at naglakad papunta s

