**DHREVEY POV** Naunang tumalon si Audrey sa dagat bago ako.Para hindi kami matamaan ng mga palaso.Nakita ko rin ang iba na lumalangoy na palayo sa barko. Nauuna si Audrey sa akin kaya hindi ako mag aalalang tingnan siya. Mabuti na lang at nagtraining din kami kung paano lumangoy. Bawat training sa tubig. Nagagawa din naming makipaglaban. Kaya sanay kami ni Audrey sa ganito.Kaso nga lang mabilis hingalin si Audrey kaya kailangan ko siyang bantayan habang lumangoy papunta sa isla. Habang lumangoy ako.May napansin akong sumabay sa akin sa paglangoy.Nakilala ko siya. Si aero.Bahagya siyang tumingin sa akin bago mabilis na lumangoy. Hinayaan ko nalang siya at tiningnan si Audrey. Agad kong nilapitan si Audrey nang mapahiga siya sa dalampasigan ng isla.Kahit hingal na hingal na ako.Nilapita

