Napa roll ang eyes ko ng sinagot ko ang tawag ni mommy. Katatapos lang namin na mag dinner ni daddy at kasalukuyan siyang naliligo. Niyaya niya kong mag night swimming kaya busy ako sa pagpili ng swimsuit na susuotin ko. Ang KJ talaga niya! Paano ko ma-eenjoy ang time ko kay daddy kung lagi siyang tumatawag? "Hello mommy…" walang gana kong sagot. "Bakit po kayo tumawag?" "Ano Snow? Nalaman mo na ba kung sino ang babae ng daddy mo?" bagsak akong umupo sa kama at kinuha ang isang baby blue one piece swimsuit na may cutout sa bandang tiyan. "Wala nga mommy… Nasa seminar lang siya all day. Pero andon yong doctor na laging lumalandi sa kanya. Nakita mo na ba yong picture na sinend ko?" "Si Abigail yon, ex ng daddy mo noong college pa sila.” natigilan naman ako at hindi nagsalita. “Hindi

