"Thank you Autumn, Tito Asher!" sabi ko nang tumigil ang sasakyan sa harap ng mechanic shop na pag-aari ni daddy. Hindi niya daw kasi ako masusundo today dahil sa rami ng trabaho niya. Kaya nag decide ako na puntahan na lang siya, buti na lang at hinatid ako nila Autumn. Pagkatapos ng paglitaw ni Mommy noong weekend, hindi na siya nagpakita ulit, mukhang marami ang binigay na pera ni daddy sa kanya. Ang pinagtataka ko lang, saan niya kaya ginamit ang pera na nakuha niya? Bumaba ako ng kanilang sasakyan na may pag-iingat kasi may hawak ako ng box ng cupcakes na ginawa namin kanina sa aming home economics class. Nagpasalamat ulit ako at umalis na sila. Lamakad naman ako papasok sa shop at binati ko ang mga tauhan ng daddy ko na naroon na kilala ko na rin. Pauwi na sila kaya tinanong ko kung

