DHIANA ISANG malakas na iyak ang nagpagising sa akin mula sa pagkakatulog ko. Agad kong kinapa si Nini na akala ko ay nasa tabi ko lang pero wala siya. Mabilis akong tumayo at hinanap ang presensya niya. Nakita ko ito sa pintuan at nakaupo doon. Mabilis akong lumapit sa kan'ya at binuhat ito. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kan'ya habang pinapakalma siya. "Namimiss ko na po sila Papa…" umiiyak na saad nito. Napayakap naman ako ng mahigpit sa kan'ya habang pilit pa din siyang pinapakalma. "Sshh… malapit na ha… uuwi na din tayo. Sorry na, Ni…" saad ko habang hinihimas ang likod niya. "Napanaginipan ko po si Papa, sabi niya susunduin niya daw tayo dito… pero bakit wala pa siya…" wika nito habang may hikbi. Dalawang linggo na kami dito. Hindi na din bumalik si Aodie after ng pag-uus

