DHIANA HABANG binabasa ang kasulatan sa nasabing mana ni Beiley ay nakayuko lang kaming dalawa ni Nini. "For the last terms; The Bank has a right to take away the money if they see any wrong treatment to Ms. Dhiana Mendiola and Kleana Dhania Mendiola Vicente by the time being check," pagbabasa ng abogado nito. Napahinga ako nang malalim nang marinig ko iyon. Ibig sabihin ay hindi kami nito magagalaw o pwedeng saktan dahil maaring bawiin ng banko ang pera mg kan'yang ama kung sakaling makitaan kami ng kahit na anong maling pagtrato. "That's it? Okay! I agree with that!" saad niya at mabilis na kinuha ang papel na hawak ng abogado at mabilis na pinirmahan iyon. Hindi na niya muling binasa o tinignan ang nakasulat doon basta pinirmahan na lang ito nang buong pagmamadali. Ganon siya kah

