DHIANA HAWAK ni Dan ang mga kamay ni Nini habang paakyat kami ng eroplano pauwi ng Pilipinas. Ako naman ay nakasunod lang sa kan'ya habang nasa likod ko si Kuya Bry at sila Alora. Alora pala ang pangalan noong maid na babae na kasa-kasama namin at hindi talaga siya maid! Siya ay katulad ni Aodie na astig na babae. Halos hindi ko maisara ang bibig ko dahil sa pagkamangha ko sa loob ng private airplane nila. Malaki at parang puro pang first class lahat ng upuan. Naglakad ako papasok doon at nakita ko si Dan at Nini na nakaupo sa kaliwang side ng eroplano kaya naman umupo ako sa kanang bahagi na katapat din nila. Noong unang sakay ni Nini ng eroplano ay hindi niya naenjoy dahil takot siya kay Beiley pero ngayon alam ko na maeenjoy niya ang buong byahe dahil ang kasama niya ay ang mga p

