"Arthur!" Paulit-ulit na sigaw niya pero tuluyan nang gumana ang sasakyan papalayo at pinilit niya pang habulin 'yon pero nabigo siya dahil mabilis na tumakbo ang sasakyan. Napaluhod na lamang sa kalsada si Amanda dahil sa panghihina. At tanging iyak lang ang nagawa niya habang tinitignan ang malayo nang sasakyan ni Arthur. "E-Eula, anak!" paulit-ulit na sambit nito sa pangalan ng kanyang anak. At tuluyan na ring tumulo ang mga luha niya dahil wala man lang siyang nagawa, hindi niya man lang napigilan si Arthur para pigilan sa ginawa niyang pagkuha sa anak nila. Hindi natapos ang araw na 'yon nang hindi pinutahan o binalikan ni Amanda ang bahay ni Arthur sa Baguio para kuhanin ang anak niya sa kanya. Agad siyang nagpatulong sa kaibigan niya para may masakyan siya pabalik ng Baguio. Nagp

